"Break na tayo!"
Mga katagang sagad sa buto ang saya ko kapag sinasambit ko ito sa harap ng iba't ibang lalaki. Hindi na din bago sakin ang line na yan dahil favorite ko yan. Masyado kasing clingy e kaya ayun. Ginamitan ko na sya ng "magic word".
"Wag namang ganito oh. Bakit naman biglaan? Pag-usapan naman natin to babe!" Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Babe? As in? Yun pala ang endearment nya sakin? All this time? Ang kapal ng mukha ng gagong to ah. Makakatikim ka sakin.
"Babe mo mukha mo! Di ako baboy gago!" At iniwan ko na syang nakanganga at nakatulala. Nag walk out naman na ako dahil wala syang kwentang kausap. Narinig ko naman ang bulungan ng mga taong nadadaanan ko habang naglalakad ako.
"Like, what the heck? Si Paulo na yun girls! Dinump nya? Kung ako yun, hindi ko na bibitawan yun!"
"Girl! Pinapangarap kong lalaki yun! Paulo akin ka na lang! Handa akong ibigay lahat sayo!"
"Paulo don't be sad na, you don't deserve someone like her!"
"Pare iba talaga kamandag nyang si Lori. E balita ko nung May lang nanligaw yang Paulo na yan August lang naman ngayon at bago pa lang silang mag on. Tsk tsk tsk."
"Sinabi mo pa pare. Balita ko nga 2 weeks pa lang silang on pero break na agad. Napakabilis talagang magbago ng timpla nyang si Lori."
Ilan lang sa mga narinig ko sa mga nadaanan kong students. Oh well, what can I say, tama naman sila. Hindi pa ako gaanong nakakalayo kaya rinig ko pa din ang atungal ni Paulo. Ang sakit sa tenga ng boses nya. Parang di lalaki.
"LORIIIIII!" Aba. Napakaeskandalosong lalaki nito. Hindi ba sya nahihiya? Nilingon ko naman sya ng may matamis na ngiti kapalit ng sigaw nyang pagkakalakas lakas.
"Why?" With matching sweet smile.
Tumigil sya sa pag-atungal nya at parang nabuhayan at naliwanagan nang ngitian ko sya. Para bang nagkaroon sya ng pag-asa, ganern.
"Lori, give me another chance, I'll do everything. Just please. Please. Last chance. I'm willing to take the risk. You know I love you right? Please don't do this to me." Usal nya hanggang sa makalapit sya sakin. Hinawakan nya ang kamay ko at nakatingin lang ako sa kamay namin. Tinignan ko sya sa mga mata nyang basang-basa na ng luha kaya naman pinunasan ko yun unti-unti. Nang makita kong tumigil na sya sa pag-iyak, saka ako dumistansya sa kanya at tinignan sya ng mata sa mata at nginisian sya.
"The hell I care with your f.cking feelings? Oh come on Paulo. We already talked about this relatioship thing." Inismiran ko lang sya habang sya naman ay tulala lang sakin.
"Na simula pa lang talo ka na dahil wala akong nararamdamang ni katiting na pagmamahal sayo. Simula pa lang sinabihan na kita. Na wala akong balak na seryosohin ka, and you even said that you're just playing around also. Hindi ako nagkulang. Nag-invest ka lang ng sobra. So if you don't mind, wag na wag mo na ulit akong guguluhin, okay? Masyado ng mahaba ang tatlong buwan na binigay ko sayo para mag-enjoy kasama ako. Let's give chance to others, okay? Byeeee." Kinawayan ko lang sya at tumalikod na ako. Naiwan syang tulala sa kinatatayuan nya. Akma namang lalakad na ako nang may marinig pa akong salitang galing sa kanya.
"I thought I've changed you. Di pa din pala ako sapat." Natatawa tawa pa sya habang nakayuko. "Makakahanap ka ng katapat mo Lori. Talagang hindi pa din nga pala ako yung katapat mo. Tandaan mo, dadating ka din sa point na magmamahal ka ng sobra at iiyak ka at magmamakaawa kang wag ka niyang iwan."
Oh you got me there. Humarap ulit ako sa kanya. Seryoso. Taas noo.
"Paulo dear, kung mahanap mo man ang katapat ko na sinasabi mo pakiharap sya sakin, okay? At saka kami magtatapatan. Tignan natin kung sinong mas matibay. Tignan natin kung sinong unang iiyak. Kasi ako, nakalimutan ko na ang bagay na yun. Hindi na ako tinatablan ng 'pagmamahal' na sinasabi mo." At saka ako tuluyang umalis.
YOU ARE READING
Heartbreaker vs. Heartbroken
Teen FictionLori experienced an unjust heartbreak growing up Being the main reason why her perception of love changed Can someone change that perception engraved in her heart and mind?