Mabilis na lumipas ang mga araw dahil na rin sa naging medyo busy kami sa school.
About what had happened to us sa bar before, good thing hindi yon nakaabot dito sa school dahil baka pati kami ng mga kaklase ko ay nasuspend dahil minors kami. Atty. Reyes had everything under control. JC's parents had his enrollment pulled out. I heared iniurong din naman ni Marcus ang kaso. Instead ay nirecommend nilang ipasok sya sa rehab center dahil nga sa behavior nya. Marcus is not that bad after all.
At sa hindi malamang dahilan, I found myself always hanging out with Arvin. I really have this comfortable feeling when he's around me. Hinayaan ko naman na sya dahil wala din syang nakakasama sa room namin. Ako man ay si Camille lang ang kaclose kaya ang ending ay kaming tatlo ang laging magkakasama. Paulo would still go to our room to talk to me but I'm just too tired of arguing with him so I let Arvin deal with him most of the time.
Wala kaming klase ngayon at nakatambay kami sa top floor ng canteen. Nasa baba kasi lahat ng mga stalls at nasa taas naman ang tables kung saan pwedeng kumain. Open space ito pero may roof at railings. Damang dama ang malamig na ihip ng hangin kaya madalas din naming tambayan to kapag vacant kami. Nauna naman akong pumunta dito sa taas dahil nagprisinta si Arvin na bumili ng pagkain at si Camille naman ay nag CR. My eyes are wandering the overlooking view of the highschool campus when someone caught my attention.
"Hey" ang pogi talaga ng isang to
"Yow" tanging tugon ko na lang bago itinuong muli ang atensyon ko sa baba.
"Why are you alone? Where's your friend?" tumingin ako sa kanyang muli
"Why are you here in highschool campus, then?" ganti ko naman sa kanya. Narinig ko ang malutong nyang tawa at ng makabawi ay agad namang sumagot.
"May dinaanan lang akong professor dyan sa faculty room. Masyado ka namang hot. Bawal ba kaming mga pogi dito?" hmmm. pwede naman hahaha
"San sila Marcus, by the way?" As if on cue ay nakita ko si Marcus at Gelo na papunta din sa gawi namin ni Tan.
"Bebe sinong kasama mo?" Inakbayan naman ako ni Gelo. Nagsisimula na akong mairita sa presensya nila. Si Marcus ay umupo sa tapat ko katabi si Tan habang si Gelo naman ay nakaupo sa tabi ko habang nakaakbay sa upuan ko.
"Alam nyo umalis na lang kayo. Naiirita ako sa mga pagmumukha nyo." Inirapan ko si Gelo a inalis ang kamay nyang nakaakbay sa upuan ko.
"Ay forda taray ang bebe ngayon ha. May bisita ka ba?" Akma ko syang hahampasin sa braso ng tumayo sya at itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
"Alam mo kung wala kang sasabihing maganda, tumahimik ka na lang. Sinisira mo ang mood ko." Singhal ko sa kanya. Wala na. Nawala na ang kaninang magaang pakiramdam ko.
"Luhh sya hindi naman kita inaano dyan bakit ba init ng ulo mo sakin? Crush mo ko no? Tapos ayaw mo lang na mahalata ko kaya nagtatapang-tapangan ka lang kasi ayaw mong mapansin kong kinikilig ka." Tuloy tuloy ang bunganga nya sa pagsasalita. Napatakip sya sa bibig nya na para bang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi at "narealize" nya. Napailing na lang ako at napairap sa mga pinagsasabi nya.
"Pre hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo? First of all, hindi kita type. Second of all, hindi ka gwapo. Third of all, hindi kita tipo. Fourth of a--" pinutol nya agad ang sinasabi ko a pamamagitan ng pagtatakip sa bibig ko.
"Alam mo sinasaktan mo lang feelings ko. Ang sakit mo magsalita hindi na ikaw ang bebe Lori ko!" umakto pa iton nagpapahid sa gilid ng mata nya. Ang dalawa naman ay tawa lang ng tawa habang pinapanood kaming dalawa. Walang tigil ang asaran namin hanggang sa dumating si Arvin t Camille na may dala ng pagkain.
YOU ARE READING
Heartbreaker vs. Heartbroken
Teen FictionLori experienced an unjust heartbreak growing up Being the main reason why her perception of love changed Can someone change that perception engraved in her heart and mind?