“Di pala maalala, huh??” Tumango tango pa si Marcus na parang naintindihan na baka nga masyado pa akong bata that time kaya hindi ko naaalala ang bestfriend nya daw
Wala ng nagsalita pa at nagtuloy na lang kami sa pagkain. Napakatahimik. Ako naman ay nakaramdam ng kaunting sakit sa ulo pero kaya namang tiisin kaya hindi ko na lang din pinaalam sa kanila. Hindi ko matagalan ang katahimikan doon kaya naman nagpaalam ako sa kanila na mauuna na.
“Mom, Dad I’m already full. Can I go first?” Mataman kong paalam. Sa mukha ni Mom ay parang tatanggi sya dahil nga may bisita kami pero pinigilan naman sya ni Dad at hinayaan lang ako na mauna ng umalis sa hapag-kainan. Ngumiti na lang ako sa kanila bago umalis sa dining area. Umakyat ako papunta sa kwarto at agad na naligo.
Nagbabad ako sa shower at nag-isip isip. Arvin. It was like I was hit by a car when I suddenly remembered a boy named Arvin whom I treated so special. Saka ko lamang din naalala ang sama ng loob ko sa bigla nyang pag-alis at ngayon ay pagbabalik na para bang nagpaalam sya sa akin nung umalis sya. None of my memories were clear, basta ang alam ko masama ang loob ko sa kanya dahil sa pag-alis nya.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng simpleng oversized shirt at pajama. Habang nag-aayos ng sarili ay bigla kong natripan na tumambay muna sa labas ng saglit.
May veranda ang kwarto ko pero may mga pagkakataon talaga na iba ang trip ko kaya nagdesisyon akong bumaba at lumabas para doon magpahangin. Tahimik naman na sa paligid kaya nag tuloy-tuloy lang ako sa paglabas. Malamang nakauwi na yung tatlong itlog. Umupo ako sa ilalim ng isang malaking puno. Medyo may kalayuan naman ito sa bahay namin kaya madilim na sa part na yon.
Naupo ako sa bench sa ilalim na punong iyon at tumingala para tingnan ang mga kumikinang na tala sa langit. Ang gandang tignan ng milyon milyong talang walang ibang ginagawa kung hindi ang kuminang lang. Isa sa mga paborito kong pagmasdan ay ang langit na puno ng bituin.
Now this is what you call rest. Yakap yakap ko lang ang aking sarili habang nakatanaw sa langit at nag-aabang ng shooting star. Mataman ko lang pinagmasdan ang langit ng biglang may magsalita.
“Why are you still up? It’s late.” Hindi ko naman agad namukhaan kung sino ang nagsalita. Hindi din pamilyar ang boses nya sa pandinig ko kaya naman hindi ako nagsalita kaagad. Dahil nasa loob naman ako ng pamamahay namin ay palagay ang loob ko. Narinig ko namang lumapit pa ang nagsalita at tinutukan ako ng flashlight sa mukha. Napatakip naman ako sa aking mata dahil ang sakit ng liwanag sa mata.
“What the heck?” angil ko sa kanya nang tanggalin nya ang pagkakatapat ng flashlight sa akin. Lumapit naman lalo sa aking ang pinagmumulan ng liwanag at sumandal sa puno.
“Kahit gabi napakasungit mo.” Simpleng tugon naman nya. Huli na ng marealize ko na si Arvin pala yon. Nang makilala ko kung sino ang dumating ay hindi na ako muling nagsalita pa. Nakatayo lang sya sa harap ko at nakatingin sa kawalan habang ako naman ay ibinaling na lang ang atensyon sa kalangitan.
"Shut up" maikling nasambit ko.
“You easily lose your temper now, huh? Are you always like that?” Sinagi nya pa ako sa balikat gamit ang balikat nya. Naiirita ako sa presence nya. Hindi ko alam kung talagang wala lang ako sa mood ngayon o may iba pang dahilan.
“Well, people have different colors and mine is black and gray so you better shut the fuck up” Kibit balikat kong tugon.
“You broke?” Simpleng tanong nya. Natigilan ako. Bakit ba parang nababasa nya ako?
“No” kahit alam kong tama siya ay pilit kong itinatanggi.
“Tsh. You know that sharing your thoughts will make you feel better, right?"
YOU ARE READING
Heartbreaker vs. Heartbroken
Fiksi RemajaLori experienced an unjust heartbreak growing up Being the main reason why her perception of love changed Can someone change that perception engraved in her heart and mind?