Chapter Three

17 4 0
                                    



Naalimpungatan ako dahil sa ingay na hindi ko alam kung saan nagmumula. Nagpaikot ikot pa ako sa aking kama bago iminulat ang aking mga mata. Wall clock ang unang bumungad sakin. 6:18 AM. Tsk. Ang aga pa. Bitin na bitin ang tulog ko. Pinakinggan ko naman kung saan nagmumula ang ingay at noon ko lamang naalala na ring tone ko pala yon. Agad ko namang kinuha ang phone ko sa side table at tinignan kung sino ang caller. 



'Paulo' 


Haaaa. At ang lakas naman talaga ng loob ng isang to para tawagan pa ako. Kahit labag sa loob ko ay sinagot ko pa din ang tawag nya.



"What do you want?" Maiksing tanong ko sa kanya.




"Let's talk. 12:30 PM. Meet me at the 7th floor" At agad nyang inend ang tawag.


Napaka-weird ng isang yon. Hindi ko alam kung ano na naman ang tumatakbo sa utak nya. But one thing for sure, its either kukulitin nya ako na makipagbalikan sa kanya o may iba pa syang pakay. Since gising na din naman ako, at hindi na ako makakatulog ulit, bumangon na ako at nagsimulang maghanda para sa pagpasok. Exactly 7:00 AM ay natapos akong maghanda kaya naman lumabas na ako ng aking kwarto at nagtungo sa dining area. Ngunit bago pa man ako makarating ay nakasalubong ko si Manang Cora, isa sa mga katulong namin.





"Good Morning Manang!" Masigla kong bati sa kanya at agad na nagmano. Matagal na naming katulong si Manang Cora. Para na din namin syang pamilya, pati na din ang pamilya nya ay kilala na namin. Napakabait nya at talaga namang inalagaan kami ng para bang tunay nya kaming mga anak ni Kuya. 



"Naku iha Magandang umaga din naman. Nakatulog ka ba ng maayos, ha? Naku at bakit naman parang pumapayat ka na agad? Nagdyidyeta ka na naman ba ha?" Hay naku kahit kailan talaga si manang. Hindi ko nga alam minsan kung nambobola na lang ba sya o totoo ang sinasabi nya.



"Manang hindi na po ako magdidiet ulit. Ang hirap. Hahahaha. Tsk di nga po ako nakatulog ng maayos eh. Hindi ko din po alam kung bakit. Tatawagin ko lang po si Kuya ha? Baka malate na naman ang isang yon. Sige po Manang antayin nyo na lang po kami." 


"Sigurado ka ba iha? O sya sige at maghahain pa din ako. Huwag mong sisigawan ang kapatid mo ha? Sige ka at baka patulan ka na non." Paalala ni Manang Cora bago pa ako tinalikuran at nagtungo sa Dining area. Me on the other hand, thinking a simple yet effective plan to ruin my brother's day, started to go to his room. I checked the time on my phone, 7:13 AM, hmmm maaga pa. Wala naman akong klase ng 7:30 kaya naman nag-isip na ako ng pwede kong gawin para mawala sya sa mood. Nang makarating ako sa kwarto nya ay agad akong pumasok at sinilip kung tulog pa ba sya. Agad ko naman syang nakita na kasalukuyan pa ding nakahiga at nakataas pa ang dalawang kamay.




Dahil mabait ako ngayong araw, pumunta ako sa kwarto ko na katapat lang ng kwarto nya at kumuha ng ilang bagay na kakailanganin ko. Pagkabalik ko sa kwarto nya ay hindi man lang sya nagbago ng pwesto kaya naman mas lalo akong natuwa dahil magiging madali lang ang gagawin ko. Tulog mantika pa man din ang isang to kaya inaassume ko na success ang mission ko. Lumapit ako sa higaan nya at tinapik-tapik sya sa balikat, no response. Tinapik ko din sya sa pisngi ng mas malakas kesa kanina, still no response. Kaya naman ibinaba ko lahat ng mga gamit na dala ko at sinimulan na ang dapat gawin. After 10 minutes ay natapos na ako kaya naman niligpit ko na lahat ng ginamit ko at ibinalik ko sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto nya ay ganoon pa din ang pwesto nya. Napatawa naman ako sa hitsura nya kaya naman umupo akong muli sa dulong bahagi ng kama nya at tinitigan syang mabuti. Kinuha ko ang phone ko at nagpicture pa ng kaunti bago nag-ready na gisingin sya. Huminga muna ako ng malalim bago sya ginising.

1

2

3

"SUNOOOOOOOOOOOGGGGG!!!!!!" Nag-effort ako na sumigaw ng pagkalakas lakas para lang magulat ko sya at mukhang nagtagumpay naman ako. Nakita ko sya na bumalikwas ng bangon sa kama nya at dali daling tumakbo sa CR. Maya maya pa ay lumabas sya na may dalang isang basin na puno ng tubig at ibinuhos sa higaan nya. Nagulat ako sa ginawa nya kaya naman hindi ko napigilang tumawa ng napakalakas. Hindi ko magets kung bakit nya ibinuhos iyon sa kama nya, pero matapos nyang gawin yon ay parang natauhan din sya. Pinigilan ko ang malakas na pagtawa ko dahil gusto kong mag-focus sa reaction nya. Priceless talaga.

Heartbreaker vs. HeartbrokenWhere stories live. Discover now