Chapter Twelve

4 1 0
                                    

A month has passed since my birthday. I wasn't able to track time.

Some people said time will not matter once you're happy.

We were currently sitting on the floor of the sports complex while we were on our PE uniforms. We were going to have ballroom dance for this sem and majority of my classmates don't seem to like it. . . We don't have a choice though.

We were sitting in a line, alphabetically arranged when I suddenly felt a striking pain on my head. I just ignored the feeling since it was just a sudden pain. . . Sa init lang siguro to.

"For your partners, you can suit yourself and pick whoever you want to be partner with. Para hindi na kayo mahirapang mag-adjust."

Nakaramdam naman agad ako ng parang nanunusok na tingin. At ng makita ang may-ari ng mga matang yon ay  nakipagtitigan lang ako sa kanya.

"Partner tayo haaa" malaki at malinaw na pagkakabuka ng bibig nya para siguro mas maintindihan ko dahil medyo magkalayo kami. Tango na lang ang naisagot ko at muling itinuon ang atensyon sa teacher naming nagdidiscuss.

PE lang ang klase namin ngayong araw kaya ng matapos ay kanya kanya na kaming pulasan sa sports complex. Naiwan kaming tatlo dahil nagpalit pa ako ng shirt.

"Bes ambagal gumalaw nakakairita! Gutom na ko tara na!" Tinutupi ko pa ang damit na pinagpalitan ko. Nasa loob pa kami ng changing room. Wala ako sa mood kaya napakabagal ng galaw ko.

"Tangina naman pangit mo kabonding sinasadya mo ata e" inagaw nya sakin ang gamit ko at sya ng nag-ayos. Sumandal ako sa mga locker at pinanood syang tupiin ang damit ko.

"Yan okay na! Samgyup tayo ha. May dala namang sasakyan si Arvin kaya pwede tayong pumunta kung saan natin gusto" iniangkla nya ang kanyang braso sakin at naglakad na kami palabas.

Nakaupo naman sa isa sa mga benches si Arvin at bored na bored sa paghihintay samin.

"Wala ka ba sa mood bebi?" Takang tanong nya ng mapansin ang pananahimik ko. Nakasakay na kami sa sasakyan nya ngayon at papunta na kami sa pinakamalapit na Korean Restaurant.

"Pagod lang" ipinikit ko ang mata ko dahil pakiramdam ko ay wala na akong lakas para makipagkwentuhan.

Naramdaman ko naman ang pagdampi ng kamay nya sa noo ko. "Wala ka namang lagnat. Pero kanina ko pa napapansing maputla ka."

"You want to take a rest instead? Pwede namang sa ibang araw ana lang tayo lumabas bes" Bakas ang pag-aalala sa boses nya.

Nagmulat ako ng mata at ngumiti sa kanila. "Mga baliw! Napagod lang ako sa PE kanina. Ang hirap naman kasing sumayaw  lalo na kung hindi marunong, diba?" sinubukan kong pasayahin ang boses ko dahil ayoko silang mag-aalala dahil sa simpleng sakit ng ulo.

"Hindi daw marunong e pak na pak ang bewang sa pagkembot" sinamaan ko ng tingin si Camille sa salamin.

"Sure ka dyan ha?" Paninigurado ni Arvin. Tumango naman ako at nag okay sign sa kanilang dalawa.

Sa sobrang lutang ko ay naging malabo na sa akin ang mga nangyari. Basta ang naaalala ko ay tatlong oras kaming nagtagal sa Korean Restaurant na pinuntahan namin at staff na ang mismong nagsabi sa amin na at limit na kami. At ngayon naman ay may pupuntahan daw kami ni Arvin.

Hindi na namin naihatid si Camille dahil madadaanan daw sya ng parents nya mula sa kinainan namin at out of the way naman ang pupuntahan namin.

"You better sleep for now Lori. You look so f.cking pale. Gigisingin na lang kita pag nakadating na tayo, okay? Take a rest for now" Hinaplos nya pa ang buhok ko kaya naman napapikit na lang ako sa sarap noon sa pakiramdam. Saka lamang sya nagdrive.

Heartbreaker vs. HeartbrokenWhere stories live. Discover now