Everything happened almost 2 years ago but still it feels like it just happened yesterday. Bumalik naman ako sa ulirat nang maramdaman ko ang marahang paghampas nya sa balikat ko. Napatingin naman ako sa kanya ng may halong pagtataka. Saka ko lang naalala na nagpapakwento nga pala sya.
“Tell me the story, lady. Don’t make me wait” Bakas ang bahagyang pagkairita sa mukha nya. Natawa naman akong saglit at muling bumaling sa kanya.
“Nothing. Just a stupid decision in life that made me better.” Tanging naisagot ko at muling bumaling sa mga bituin sa langit.
“Gaano kastupid yan? Does that affect you as who you are today?"
“How long are you planning to keep on asking bunch of questions?” Naiirita na din ako dahil paulit ulit na sya. Pero natatawa ako dahil para syang batang nagtatampo na ewan.
“Until you give me an answer to my damn questions" Wala syang planong magpatalo. Prenteng prente pa ang pakakaupo nya sa tabi ko, na parang wala talaga syang balak umalis doon hanggat hindi ako nasasalita.
“Well, I won’t let you get the answer you want.” Tumayo na ako at iniwan ang jacket na ibinigay nya sa akin. Naglakad na ako paalis pero ramdam ko sya sa likuran ko na nakasunod sa akin papasok ng bahay.
"Lori wait" Nagmamadali akong makapasok ng bahay. Hindi naman nya ako sinundan pa kaya malaya akong nakapasok hanggang sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga at tinitigan ang kisame. Ilang saglit pa akong napaatulala bago pinilit na matulog.
Sakay na ako sa kotse papasok ng school at tulad ng nakasanayan ay nagbabasa ako ng notes ko nang biglang magring ang aking phone. I saw Camille's name and immediately answered it.
"Why pokpok?" Walang gana kong tanong sa kanya
"Shot tayo mamaya" mahina lang ang boses nya. Siguro ay ayaw iparinig sa kung sino man ang malapit sa kanya.
"Pass. May pupuntahan ako"
"Tsk. Lori naman. Napapansin kong sobrang dalas mo ng mag-pass ha. Nagbabagong buhay ka na ba?" I laughed with her remarks.
"I have something to do. Set it some other time and I'll join wholeheartedly." Ibinaba ko na ang tawag at nagfocus na lang sa pagbabasa. Nang maraamdaman ko namang tumigil ang sasakyan ay agad akong nagpaalam kay Mang Raul at dumiretso na papasok ng building.
Wala ako sa mood ngayong araw dahil kulang na kulang ang tulog ko. Nagising na lang akong masakit ang ulo ko. Bukod doon ay hindi ako pinatulog ng hayop na yon. It's not like I was thinking of him. I was just a bit pissed. He left and came back as if walang nangyari. Parang walang nagbago. Pinalis ko ang mga katanungan sa isip ko at bumaba na ako sa sasakyan nang tumigil ito.
I have an early class kaya naman dumiretso na agad ako sa classroom namin. It's a wash day today kaya ayos lang hindi magsuot ng uniform. I am wearing a faded high waist jeans and an org shirt and a pair of white sneakers. Dahil may kaagahan pa ay medyo malamig din kaya nakasuot din ako ng knitted cardigan.
Walang gana akong nagtungo sa elevator at naghintay na magbukas ito. When the door opened, I saw a familiar man standing alone in the middle inside the elevator. He was about to go out when his gaze averted to me. He stared for a long time with his mouth slightly opened. I entered the elevator and clicked 5 where our room is located. Konti pa lang ang students kapag ganitong oras kaya wala kaming kaagaw sa elevator. Hindi ko naman agad isinara ang elevator kasi hindi pa sya bumababa. Tumingin lang ako sa kanya ngunit hindi naman sya agad gumalaw.
"Aren't you going out?" Mahinang tanong ko sa kanya.
"No. Let's go to the classroom." At pinindot na nya ang close button. Nagtaka naman ako pero hinayaan ko na lang at baka nag iba ng trip.
YOU ARE READING
Heartbreaker vs. Heartbroken
Teen FictionLori experienced an unjust heartbreak growing up Being the main reason why her perception of love changed Can someone change that perception engraved in her heart and mind?