Bahagya akong nagulat nang makita kong nakaupo sya sa mismong arm rest ng armchair at may hawak na notebook at ballpen. Hindi ako sigurado kung ano ang ginagawa nya pero mukhang nagsusulat sya na ewan. Binigyan ko lang sya ng nagtatakang tingin at saka ako bumalik sa ginagawa ko.
"Tsss. Magkaugali talaga kayo." Tanging sinambit nya at lumabas na ng classroom. Napaisip naman ako sa sinabi nya pero ayoko naman syang makausap. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng lessons. Makalipas ang ilang minuto ay unti unti ng pumapasok ang mga kaklase ko sa room. Hindi ko namalayan na halos oras na pala para sa susunod naming klase. 5 minutes before bell ay pumasok si Camille at umupo sa tabi ko. Nang makaupo siya ay may ipinatong syang brownies, milk tea at dark chocolate. Napangiti naman ako dahil kahit paano ay naalala nya akong dalhan ng pagkain. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay abala sa pagpindot sa phone nya.
"Salamat Camille." Tanging isinambit ko at ginawaran sya ng matamis na ngiti. Humarap sya sa akin at nginitian din ako.
"Siguro naman nasa mood ka na ulit, ano? Pwede na ba ulit akong makipagkwentuhan sayo?" May pagtaas baba pa sya ng dalawang kilay nya habang nakatingin sakin. Nginitian ko lang syang muli at saka nagsimula ng kumain. Maya maya pa at dumating na din ang teacher at nagsimula ng muli ang klase.
Napakahaba ng araw ko. Full ang klase namin ngayong araw. Bawat subject ay 2 hours at may 30 minutes na break every period. 12:00-1:00 PM naman ang lunch break ng lahat kaya sa oras na yon ay walang klase lahat ng students, Elementary, Highschool, at College. Halos malapit ng mag-6 PM nang makalabas kami at talaga namang nakakapagod ang araw na to. Wala masyadong ganap but still, its very exhausting. Pagkalabas ko naman ng room namin ay namataan ko na naman si Paulo sa may corridor kaya nagmadali akong makarating sa elevator para makababa na. Alam kong sumusunod sya pero hindi ko siya pinapansin dahil nakakapagod na din na makipagtalo sa kanya. Katabi ko naman si Camille kaya kahit paano ay panatag ang loob ko na may spokesperson ako sa mga oras na to. Pagkapasok namin sa elevator ay nag-uunahan kaming makapasok ng iba kong kaklase sa elevator. Nasa unahang part kami ng elevator kaya naman kitang-kita kami ni Paulo at agad syang pumasok at tumabi sakin. Hindi naman na ako gumalaw pa dahil masyado na kaming madami sa loob, hindi na din ako nag-abala pang lumabas dahil gusto ko ng makauwi. Ilang minuto lang naman self, tiisin mo na lang. Pagkausap ko sa sarili ko.
Magsasara na sana ang pinto ng elevator nang biglang may nagharang ng braso nya. Laking gulat ko ng makita ko yung transferee naming kaklase. Pumasok sya sa loob ng elevator pero tumunog ito dahil overloaded na kaya naman narinig ko ang sabay sabay na angal ng mga kaklase ko. Nagkibit balikat lang sya at itinulak si Paulo palabas. Hindi naman nakapagreact agad si Paulo kaya napatingin lang sya sa amin na nasa loob ng elevator at halata ang galit na expression sa mukha nya. At narinig pa namin syang sumigaw ng akbayan ako ng new classmate namin. Sa ilang minutong eksenang iyon ay walang akong ibang ginawa kung hindi ang tumayo at magmasid. Nang magsara ang pinto ng elevator ay agad kong tinanggal ang pagkakaakbay nya sa akin at hinintay na lamang na makarating kami sa ground floor. Narinig ko naman ang bulungan ng ilang kong kaklase at ang iba pa ay nang-aasar, samantala si Camille naman ay may ibinubulong-bulong din sa tabi ko pero hindi ko maintindihan.
"Can't you just say thank you? Mas madali yon kesa tarayan mo ako." Katahimikan. Katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng elevator. Imposibleng hindi yon narinig ng mga tao dito sa loob. Masyadong maliit ang espasyo ng elevator na to para hindi nila marinig ang sinabi nya.
Bakit ba kasi ang tagal naming makarating sa ground floor. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman wala akong ibang nagawa kundi magsalita.
"Thanks." Maiksing tugon ko sa kanya. Sakto namang nagbukas na ang pinto ng elevator kaya naman dali-dali akong lumabas at dumiretso na sa parking lot. Nakita ko naman ang service ko kaya lumingon lang ako kay Camille na nasa likuran ko.
YOU ARE READING
Heartbreaker vs. Heartbroken
JugendliteraturLori experienced an unjust heartbreak growing up Being the main reason why her perception of love changed Can someone change that perception engraved in her heart and mind?