"Welcome back dre. It's nice to see you again." Pambungad na bati sa kanya ni Angelo at yumakap pa sa lalaking ito. Hindi magsink-in sa sistema ko kung ano ba ang nangyayari, pero naiintindihan ko, hindi ko lang talaga matanggap. Agad na tumayo ang dalawa pa at dinaluhan ang lalaking nakatayo at nagtatawanan pa na para bang matagal na talaga silang magkakakilala. Nalilito man ay nagsimula na akong kumain. Hindi ko na sila hinintay pa at binilisan ko na lang ang pagkain ko.
"Eat slowly Lori. Baka masamid ka nyan." Matamang paalala sa akin ni Tan. Tinawanan pa ako ng bahagya habang tinatapik ang likod ko. Nginitian ko lang sya ng alangan pero tuloy tuloy pa din ako sa pagkain.
"Wag mo namang ipahalatang gutom na gutom ka. Para ka namang hindi pinapakain sa bahay nyo Lori. Marcus, pinapabayaan mo na ba ang kapatid mo ha? Hindi mo ba pinapakain at ganyang katakaw?" Dagdag na paalala ni Angelo. Kahit kailan walang magandang lumalabas sa bunganga ng isang to. Naiinis kong nilunok ang pagkaing nasa bibig ko para sagutin sya.
"May klase pa kasi ako, Gelo. Ang tagal nyo kasing nagsagot ng quiz nyo eh hindi tuloy tayo nagkaroon ng mas mahabang oras para man lang magkwentuhan. Next time na lang ulit, don't worry sagot ko." Kinindatan ko siya at nginitian pa. Umupo na silang muli at umupo naman sa harap ko yung kumag na bagong dating.
"As far as I remember, we don't have afternoon classes. So why in a hurry?" Nakakaubos ng pasensya ang bunganga ng lalaking ito. Hindi ko maalala kung ano ang pangalan nya, pero sure ako na sya ang kaklase naming transferee dahil madali naman akong makaalala ng mukha.
"Ahh wala ba?" Bored na sagot ko at saka na lang tumuloy sa pagkain. Nakita kong nagpapalit-palit ng tingin si Tan at sa taong nasa harap ko.
"You're classmates?" Bakas ang pagtataka sa tono ng boses ni Tan.
"Yes"
"No"
Sabay kaming sumagot. At ang loko tatawa tawa pa dahil sinabi kong hindi kami magkakilala. Tinaasan nya pa ako ng kilay na para bang nagtataka kung bakit ganoon ang sinagot ko. Bakas naman ang pagkamangha sa mukha ng tatlong ugok na akala mo'y nakakita sila ng magic.
"Well. You are all aware that I stopped schooling, right?" Tumango naman ang tatlo.
"That's it." Biglang umasim ang mukha ng tatlo dahil sa sinabi ng kaibigan. Ako naman ay patuloy na kumakain habang nakikinig sa usapan nila.
"Kahit kelan talaga wala kang kwentang kausap." Banat ni Angelo at kumain na din.
"Para namang puno ng sense lumalabas sa bunganga mo pre." Ganti naman ng nasa harapan ko. Wala ng nagsalita pa sa amin kaya naman tahimik kaming kumain. Naiilang ako dahil panay ang tingin nya sakin, pero hindi ko pinapahalata na affected ako. Maya maya pa ay may bumulabog sa matiwasay naming pagkain nang may maglapag ng isang box ng paborito kong pastry. Unti-unting kaming nagtaas ng tingin, at sabay-sabay na kinumpirma kung sino ba yon. Hindi ko sya kilala kaya inisip ko na lang na baka hindi ako ang pakay nya.
"This is for you, Lori." Nang marinig ko ang pangalan ko ay ginawaran ko lamang sya ng nagtatakang tingin bago nagsalita.
"Ako?" Paninigurado ko sa kanya. Itinuro ko pa ang sarili ko. Tinanguan lang nya ako at inilapit pa sa akin ang box.
"Why would you give me that? Can't you see, I just ate." Mataray na sabi ko. Nawala naman ang ngiti sa labi nya at napayuko na lang.
"Take this thing with you and go." Sinamaan ko pa sya ng tingin dahilan para damputin nya ang box at nagmamadaling umalis. Narinig kong sumipol si Angelo at natawa naman si Marcus sa nasaksihan.
YOU ARE READING
Heartbreaker vs. Heartbroken
JugendliteraturLori experienced an unjust heartbreak growing up Being the main reason why her perception of love changed Can someone change that perception engraved in her heart and mind?