02

40 10 21
                                    

AIRAH’S POV.

“ANO? Mamayang gabi?!"

Hindi makapaniwalang tanong ko sa kabilang linya. Nakakagulat lang kase eh. Nasa ospital ako ngayon tapos biglang manggugulat na may kaunting salo salo mamayang gabi sa bahay ng mga Rivonz.

"Oh bakit parang gulat na gulat ka?! Mukha bang may multo mamayang gabi?!"

Napaupo ako "Biro lang, Sarah eh. Sige sige darating ako mamayang gabi."

"Sabay na kayo ni Sabby pumunta, okay?!"

"Yes yes."

Pinatayan na niya ako ng tawag kaya napasandal ako. Hindi ko alam kung makakapunta ba ako agad sa kanila dahil sa sobrang busy ko rito.

Alam kong malalate ako mamaya.

"Airah."

Napalingon agad ako ng marinig ko tinig ni Dra. Rivonz. Napatayo agad ako at ngumiti sa kaniya.

"May kailangan po ba kayo?"

Umiling siya "Don't be so formal in front of me, Airah. Kaibigan ka ni Averia kaya kaibigan narin turing mo sa akin, okay?"

Tumango nalang "Sabi mo yan ah."

Tumango siya habang nakangiti "Anyway, sabay na tayo mamayang gabi pumunta sa mga Rivonz."

Nagulat ako. Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako.

"Sinabihan ako ni Averia sabay na tayo baka daw kase mawala ka sa daan."

Natawa ako "Mukha ba akong bata para mawala?! Tsk, ang babae na yun!"

Tumawa narin siya "Masanay na tayo sa kaniya. Sige na, alis na ako may pasyente pa akong pupuntahan. Exactly, 7PM sa parking lot na tayo magkita."

Tumango ako "Sige sige."

KATULAD ng sinabi niya. Sa parking lot kami nagkita at siya na ang nagmaneho papunta sa Village ng mga Rivonz. Napabuntong hininga nalang ako.

I'm wearing khaki blazer na mahaba and square pants na puti habang sa loob ng blazer ko ay puti. Mas nasanay ako sa ganitong pormahan kase mas nakaka comfortable. Naka flat shoes narin ako at ayoko mag heels katulad ni Sabby. Ang sakit kaya sa paa kapag naka heels ka.

"Rinig ko sa States ka daw nag trabaho. Kamusta naman work mo doon?"

Tanong niya sakin habang nasa daan pa kami dalawa. Bumuntong hininga ako.

"Okay lang. Kulang masyado ang mga nurse sa inaplayan ko kaya hindi agad ako makaalis eh."

"Ayaw mo ba umalis dun?"

"Gusto ko mag stay dun para makatulong narin. Masyado kasi mababa yung ospital na yun kaya wala masyadong umaapply kaya napag-isipan ko nalang mag apply since kulang na kulang talaga sila. Maraming mga pasyente pumupunta dun dahil yun lang ang pinaka mura na gastusin dun."

"Hindi kaba nag aalala sa pera?"

Umiling ako "Hindi. May sariling pera naman ako kaya wala dapat ako ipag alala."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya "How about now? Okay ka lang ba sa ospital namin?"

Tumango agad ako "Oo naman."

Napatango siya "Kapag may naging problema. Huwag kang mahiyang lumapit sakin, okay?"

Tumango ako "Makakaasa ka."

"And don't call me Dra. Rivonz kapag tayo lang dalawa magkasama. Call me, Sabby."

"Okay, Sabby."

Natawa kami dalawa.

Trifecta Hearts 3 : Eternal Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now