AIRAH’S POV
DATING NEWS!!!
Raizel Farno's rumored girlfriend to his rumored non-showbiz girlfriend officially confirmed that they're DATING.
"Still just a RUMOR"
"Rumor pa lang yan!"
"Teh hindi na yan rumor! Officially na nga nakalagay diba?! Ang kitid ng utak mo!"
"Huhu! Naiiyak na ako dito! Kanina pa ako naiiyak! Wala na ang baby Raizel ko! May girlfriend na siya!"
"If this isn't a rumour I'm so happy for the couple. May your marriage be long and happy and healthy"
"As a fan we cannot choose who they love or want to marry. Just give them a big support and be happy for them."
"Yess he too deserves a person who loves him, I'm very happy"
"Thank you guys for supporting our relationship."
Mas lalo ako bununtong hininga sa mga nababasa ko sa social media.
"Grabe. Ang bilis ng balita ha! Hello guys! Hindi po kami magkasintahan! Tsk tsk!"
"Sila yung nakita ko sa labas ng ospital kanina. Binigyan siya ni Raizel ng bouquet tapos grabe yung ngiti ni Raizel sa kaniya! Halatang mahal na mahal sya ni Raizel! Huhu!"
"Talaga? Saan ospital mo sila nakita?"
"Sa RVZ Hospital. Doon nagtra trabaho girlfriend ni Raizel."
"Omg! Sila rin yung nakita ko sa restaurant na magkasama sila!"
"Yes! Sila yun! Huhuhu! Niyakap pa nga siya ni Raizel! Ang sweet niya kay girl!"
"Nakaka selos na talaga!"
Nilapag ko nalang ang phone ko sa lamesa. Nakakasakit pala sa ulo ang mga ganitong sitwasyon. Naramdaman ko ang pag abot ni Nathalie sakin ng water kaya tinanggap ko.
"Kalat na kalat na, Airah. Ready muna sarili mo mamaya pagkapasok natin."
Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang totoo. Ayaw rin ni Raizel na mabuking siya at malaman ng ibang tao na nagpapanggap lang kami. Kahit sariling kaibigan ko pa daw pero huhu.
"Nathalie, nakaka stress eh. Ang bilis kumalat ang issue ngayon!"
"Bakit parang natatakot ka?"
"Hindi ako natatakot. Kailangan ba talaga ikalat sa social media tungkol dito?"
"Sikat si Raizel, Airah. Talagang i-announce parin ng mga agencies niya ang tungkol sa issue ngayon. Confirm na confirm oh, tsk. Wala kang sinasabi samin eh may boyfriend kana pala."
"Kase—"
Natahimik nalang ako. Gusto kong magpaliwanag kay Nathalie pero nag aalanganin parin ako. Saka ko nalang sasabihin sa kanila ni Fia ang lahat lahat ng katotohanan.
Ilang minuto saka umalis na kami ni Nathalie papunta sa work. Katulad ng sinabi niya maraming mga babae ang nasa labas ng ospital namin. Halos nagkakagulo sila para hintayin ang pagkarating ko. Hininto na agad ni Nathalie ang kotse niya dahil para hindi kami agad makita ng mga fans ni Raizel.
"Handa kana ba?" Tanong niya sakin.
Umiling ako "No, Nathalie. Nanghihina ako ngayon."
Tumawa siya "Ayan, mag shota kapa ng sikat na singer eh. Ayan tuloy, ikaw na naman hihintayin nila ngayon."
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 3 : Eternal Love (COMPLETED)
RomanceAirah is a brave and loving person who follows her heart, even when faced with difficulties. She loves Rhio deeply and makes sacrifices for their relationship. Despite being hurt, Airah shows strength and learns important lessons about trust and sel...