23

20 10 2
                                    

NATHALIE’S POV

DALAWANG ORAS na kami narito sa loob para hanapin si Airah ngunit bigo parin kami. Ayoko narin umuwi hanggang sa hindi ko nalalaman ang kalagayan ni Airah.

Tinatawag narin namin ang numero niya kaso hindi naman namin siya makontak. Ang location niya ganon rin kaso hindi nila ma-trace.

"Tumawag na ba kayo ng pulis?" Naiiritang tanong ni Raizel

"Opo sir, pinapahanap narin po si Ma'am Airah." sabi ng isang producer nila

Mabilis na gumalaw si Rhio.

"Saan ka pupunta?" Mabilis na tanong ni Dad sa kaniya.

Hindi siya nagsalita dahil mabilis na itong lumabas palayo. Kinakabahan ako sa mangyayare. Wala parin tumatawag samin na nahanap na siya, mas lalo lang ako natatakot sa pwedeng mangyare.

Napatingin ako kay Fia na takot na takot ito kaya nilapitan ko siya.

"Mahahanap natin si Airah, kumalma kalang."

Umiling siya "Nathalie, hanapin nalang natin siya. Ayokong tumayo nalang dito .."

Napabuntong hininga ako. Wala na dito si Dad kaya tinanguhan ko si Fia.

"Sige, hahanapin natin siya."

"Saan kayo pupunta?"

Tanong ni Raizel samin ng mapansin niya palabas kami.

"Hahanapin si Airah."

Tumingin siya sa mga bodyguard niya "Samahan nyo sila."

Tumango sila kaya hindi na ako pumalag pa. Lumabas na kami tuluyan at batid kong lalabas narin si Raizel para hanapin si Airah ngunit kailangan niya pang i-trace ang location ni Airah baka sakali lumabas.

Mag 1AM na pero hindi parin namin siya nahahanap.

Biglang may lumapit samin na apat na lalake. Napatingin ito samin bago tinignan ang mga bodyguard na pinabantay samin ni Fia.

"Nahanap nyo na ba siya?"

Tanong ng isang lalake na nakasama namin sa Whispers Club. Batid kong kaibigan sila ni Rhio at Airah

"Wala parin po, Sir. Kanina na po namin nilibot ang lugar na to pero hindi parin po namin siya nahahanap."

Napatingin siya samin at sabay niya tinignan ang mga kaibigan niya bago siya nagsalita.

"Mga kaibigan sila ni Airah." sambit niya

"Sige na, hanapin na muna natin siya." sabi ng isa na parang natataranta na.

Inabutan kami ng 3AM sa kakahanap sa kaniya hanggang sa bigla kaming nakarinig ng tunog na baril. Nanlaki ang mata ko kaya agad kong hinanap ang tunog na yun ngunit pinigilan ako ng mga kasama namin lalake.

"Fvck!" Napamura ang isang lalakeng kaibigan nila Airah.

Nasa pinaka madilim na area ang tunog na baril na yun kaya agad humarang ang mga bodyguards na ito samin ni Fia para protektahan kami. Nanginginig narin sa takot si Fia kaya hindi ko siya maiwan agad rito.

Napasilip ako sa madilim na area hanggang sa nahagip ng mata ko si Airah na nakahiga sa sahig.






AIRAH’S POV

NAIMULAT ko ang aking mata dahil sa pananakit ng ulo ko. Ang pagka alala ko ay nasa tabi pa lang ako nila Nathalie pero biglang may tumaob na masakit sa ulo ko kaya nawalan ako ng malay.

Nasaan ako? Bakit sobrang dilim?!

Hindi ko maiwasan kabahan at matakot sa aking nararamdaman. Para akong nasa impyerno lalo nasa pananakit ng katawan ko. Napatingin ako sa tuhod ko dahil hindi ko magawang bumangon.

Trifecta Hearts 3 : Eternal Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now