08

26 10 9
                                    

AIRAH’S POV

"AYOS kalang ba? Nabalitaan namin ang nangyare sayo. Ayos kalang?!"

Tanong ni Fia sakin ng tumawag sila dalawa ni Nathalie. Late narin ako nagising kaya hindi ako makakapasok agad nito lalo na sinabi ni Rhio kay Sabby na hindi muna ako makakapasok ngayon dahil sa nangyare sakin kagabi.

"Ayos lang ako. Wala naman nangyare ng masama sa akin."

"Sigurado ka?! Uupakan ko talaga ang mga lalake na yun!" Galit na tinig ni Nathalie "Napaka walang hiya nila pasukan ka sa bahay mo! Tangina!"

Kung si Fia matapang pero madaldal pero si Nathalie magaling siya makipag bakbakan kumpara sakin. Sa kaniya narin ako natuto kung paano lumaban dahil tinuturuan naman niya talaga kami ni Fia noon sa States.

"Pasabugin ko mga ulo nila! Hintayin nila ako!" Sabi naman ni Fia

Napangiti ako "Ayos lang talaga ako. Wala kayo dapat ipag alala okay?"

"Pupuntahan ka namin mamaya." sabi ni Nathalie.

Natigilan ako. "Papasok naman ako bukas atsaka ayos lang talaga ako! Hindi naman nila ako sinaktan!"

"Sigurado ka?"

"Oo. Tatawagan ko kayo agad kapag may nangyare ulit sakin."

Mabilis narin ako nagpaalam sa kanila at pinatayan narin sila ng tawag. Napabuntong hininga nalang ako at napahawak ako sa puso ko.

Kung pupunta sila dito. Mapapansin nila na wala ako sa bahay dahil ... nandito ako sa apartment ni Rhio.

Lintik na yan. Mabubuking talaga ako kapag nalaman nila magkakilala kami ni Rhio.

Mabilis ako tumayo para hanapin si Rhio. Nakita kong nasa kusina siya habang nagluluto kaya lumapit ako.

"R-rhio, uuwi na ako sa bahay."

Nilingon niya ako "Stay here."

"N-nahuli naman ng mga pulis yung mga lalake kaya—"

"Stay.here."

Natigilan ako sa matigas niyang sinabi. Alam kong nagbago na siya pero hindi parin ako sanay na ganito siya.

"U-uhm... salamat pala kagabi." sambit ko habang nakatalikod siya

"Bakit hindi ka lumaban?"

Natigilan ako "S-sinubukan ko naman pero hindi ko sila kaya. Nanghihina narin ako atsaka ... takot na takot a-ako kagabi."

Natigilan siya sa ginawa niya at tinignan ako.

"You okay now?"

Tumango ako "Okay na ako. Salamat."

Tumango nalang siya at bumalik sa ginagawa niya.

"Sit. Patapos narin ito."

Hindi na ako nagsalita. Napatingin nalang ako sa niluluto niya.

Bakit lahat nalang sila magkakaibigan, ang gagaling mag luto? Marunong rin naman ako magluto pero sa labas parin ako minsan kumakain at bumibili ng makakain.

Syempre, tamad ako magluto eh.

Mga ilang minuto ay kaharap na namin ang mga pagkain namin. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako ngayon.

Hindi dapat ako kinakabahan eh. Hindi lang naman ito ang unang beses na magkasama kami kumain sa iisang lamesa tapos magkaharap pa kami.

Pagkatapos namin kumain ako nalang ang nag hugas ng mga plato namin. Akmang pipigilan pa niya ako kaso hindi na siya nagsalita.

Trifecta Hearts 3 : Eternal Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now