NATHALIE’S POV
NAPATINGIN ako kay Dad. May pasa narin sa kaniyang mukha at sobrang naaawa narin ako sa kaniya. Galit ako sa kaniya ngunit ama ko parin siya. Pinalaki niya parin ako ng maayos.
"D-dad, bakit kailangan ninyong gawin ito? Anong ginawa ni Ruen para maging rebelde kayo?"
Hindi siya makasagot.
"Dad, kinakausap kita!"
Sunod-sunod narin tumulo ang mga luha ko.
"Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagkawala ng anak ni Airah! Kaibigan ko si Airah, Dad! Kaibigan ko siya! Pero anong ginawa ninyo?! Sinabi mo sa mga kaibigan mong buntis si Airah! Nagtiwala ako sayo, nagtiwala ako sayo dahil ama kita!"
Inangat niya tingin sakin "Anak ..."
"Anak mo ba talaga ako Dad?" napapaos na boses ko "Ikaw pa ba yung Daddy kona kilala ko?"
Alam kong kanina na akong humihikbi ngayon sa harapan niya. Pinakulong niya ako sa kwarto ko para hindi gumawa ng eksena pero ano ito ngayon? Mas lalong lumalala ang nangyayare kung hindi ito matatapos agad.
Iniligtas ako ni Raizel sa kwarto ko dahil nalaman niyang kinulong ako ni Daddy ng dalawang araw. Sinundan ko siya para malaman ko kung saan dinala si Airah at babalik na naman ako sa Mansion para magpanggap na kinulong ulit.
Sinabi ko kela Rhio kung saan si Airah ngayon. Nag plano kami ngunit hindi kasali sa plano ko ang mag stay sa impyernong Mansion na ito. Alam kong isang araw ng hindi umuuwi si Daddy sa Mansion kaya malakas ang kutob kong hawak na siya ngayon ni Ruben at hindi nga ako nag kamali. Sinaktan ni Ruben ang ama ko at hinding hindi ko sila mapapatawad ... lalo na si Dad.
"Dad, may hindi pa ba ako nalalaman?"
Ilan segundo bago siya nagsalita "U-under ako kay Ruen."
Natigilan ako.
"W-what ..."
"Sasaktan ka niya kapag hindi ko sinunod ang mga utos niya." mahinang sambit nito "Hindi ako nag rebelde anak. Hindi ko gustong mangyare ito sakin ngunit malaki ng naitulong satin ni Ruen. Naalala mo ba ng inatake ka ng asthma mo? Tinulungan niya akong ipagamot ka at tinulungan niya akong maging Manager ni Rhio. Si Ruen ang nagmamay ari ng kompanyang pinasukan namin."
"Dad! Hindi parin ito ang solusyon para gawin mo ang mga gusto mo!" naiiyak na sabi ko sa kaniya "Buhay mo ang tinataya mo kay Ruen, Daddy! Bakit hindi mo yun naisip?! Pinapaikot kalang ni Ruen! Pinapaikot kalang niya!"
"A-alam ko, anak. Nagsisi ako, sasabihin ko rin ang tungkol sayo to ngunit huli na ang lahat. Patawarin mo ako anak."
Napailing iling ako sa sinabi niya habang humahagulgol na ako. Nakatali parin ang dalawang kamay ko sa likod ko at sobrang higpit nun. Nasa loob kami ng isang kwarto kung saan sobrang dumi ng paligid namin. May makikita kang daga, ipis at butiki sa paligid mo.
"Anak patawarin mo ako. Pangako, babawi ako sayo—"
Bumukas ang pinto ng ikinalingon namin ni Dad. It was Raizel. May hawak siyang baril at parang may hinahanap sa paligid hanggang sa napahinto ang tingin niya sakin.
Mabilis niya akong nilapitan at halatang kakatapos niya lang lumaban sa mga tauhan ni Ruen.
"R-raizel, paano ka nakapasok?"
"Kung hindi ako papasok. Mas lalo kalang sasaktan ni Ruen."
"Si Airah? Sinundan mo ba si Airah?"
"Pinuntahan na siya nila Fileo. Papunta narin ang mga Nuevas para i-rescue si Airah. Ang mga Galvea ay gumalaw narin sila para sa kaligtasan ni Rhio at Airah."
YOU ARE READING
Trifecta Hearts 3 : Eternal Love (COMPLETED)
RomanceAirah is a brave and loving person who follows her heart, even when faced with difficulties. She loves Rhio deeply and makes sacrifices for their relationship. Despite being hurt, Airah shows strength and learns important lessons about trust and sel...