33

19 10 0
                                    

AIRAH’S POV

Alam kong nasa ospital ako ngayon dahil sa pagkamulat ng aking mga mata. Puti ang nakikita ko sa paligid ko kaya dahan-dahan akong napahawak sa aking tiyan nang maalala ko ang nangyare sa Mansion nila Nathalie.

"Nasaan si Ruen?"

"Pumunta siya sa fam niya. Hinahanap daw siya ng parents niya kaya umuwi muna siya kahapon."

"Ang gwapo ni Ruen! Feel ko crush ko narin siya!" parang boses ni Fia yun.

"Huwag nga kayo maingay! Natutulog si Airah eh!"

Ang ingay. Napaka ingay ng paligid ko halos hindi kona alam kung kanino ang mga boses na iyon.

"She's awake."

Napatingin ako sa kaninong boses yun. Lumapit sakin si Meissie at Sarah at tinignan ang kabuuan ko. Ngumiti si Sarah sakin kaya bumangon ako. Inalayan naman ako ni Meissie umupo at napatingin ako sa mga kasama nila.

Fileo, Kevin, Owen, Nathalie, Fia, Sabby, Raizel and ... Rhio.

Nakatayo si Rhio sa bintana habang sobrang lalim ng iniisip niya. Ang kamay niya ay parang pinupunit na niya para bang may gusto siyang suntukin. Natatakot ako kapag ganito siya.

Napatingin ako sa mga kasama ko at lahat sila ay nagbaba ng tingin pero si Nathalie ay iniwas niya ang kaniyang tingin sakin. Tinignan ko ang dalawang kaibigan kong sila Sarah and Meissie. Umiwas agad ng tingin sakin sila Meissie at Sarah.

"K-kamusta ang anak ko?"

Napaos pa ang boses ko dahil sa tanong ko. Hindi nila ako sinagot kaya tinignan ko si Raizel.

"R-raizel, kamusta ang anak ko?" nauutal na tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot "Nathalie, Fia, Sabby, kamusta ang anak ko? Ayos naman siya diba?"

Napatingin sakin si Sabby at lumapit siya sakin.

"I'm sorry. H-hindi namin nagawang iligtas ang baby mo."

Bumagsak ang mga luha ko sa narinig ko. Narinig ko narin ang pag singot ni Fia at tumalikod narin siya para hindi ko siya makitang umiiyak. Si Nathalie naman ay kumuyom ang kamao niya at hindi makatingin sakin. Sila Meissie at Sarah naman ay pinipigilan nilang hindi umiyak sa harapan ko kaya umiwas nalang sila ng tingin. Sila Fileo, Owen, Kevin at Raizel ay nakaupo nalang sila habang hindi makatingin sakin. Si Rhio naman ay nakatalikod parin habang hindi ako tinitignan.

"P-paano .."

"B-bumagsak ang tiyan mo sa hagdan kaya humina ang pagkapit ng baby mo, Airah. Huli na ng dinala ka dito dahil l-lumabas na si baby."

Umiling ako nang umiling "H-hindi totoo yan, Sabby. P-papalakihin ko pa ng maayos ang a-anak ko ... H-hindi totoo yan sinasabi mo .."

"Ilan beses namin chineck ang baby mo. Hindi na siya humihinga at sobrang liit pa niya. Two weeks kang buntis at hindi pa buo ang katawan ng baby mo. Hindi na kinaya ng baby kumapit sa matris mo. I'm s-sorry, Airah."

Naramdaman ko nalang ang paghikbi ko habang hinahawakan ko tiyan ko. Umiiling iling pa ako at hindi makapaniwala sa narinig ko. Sobrang sakit, ganito pala mawalan ng anak. Mas masakit pa sa katotohanan. Mas masakit mawalan ng anak kesa masampal ng katotohanan.

Nayakap ako ni Sarah dahil sa pagkahagulgol ko.

"K-kasalanan ko ... p-pinabayaan ko ang anak ko ... k-kasalanan ko ..."

"Shhh. Wala kang kasalanan, Airah. Wag mong sisihin ang sarili mo." pagpapatahan sakin ni Sarah "Ilabas mo lang lahat ng mga luha mo, Airah. Huwag mong pigilan at huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyare sa baby mo, okay? Hindi ikaw ang pumatay sa kaniya. Kaya wala kang kasalanan."

Trifecta Hearts 3 : Eternal Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now