Chapter 4

723 42 2
                                    

It's Sunday, and as usual, we are in our training room. It has been almost 1 hour since we started the training. Pareho kaming hinihingal ni Liana nang mag-desisyon akong tapusin na ito. I position myself in front of her, targeting her chin and torso for a frontal kick.

Pareho kaming sabay na napahiga sa training mat, naghahabol ng paghinga. Isang malakas na palakpak ang binitawan ng dalawang kong nanonood na bodyguards.

"Mas magaling na talaga itong trainee natin kaysa sa atin." Puri ni Yuna sa akin. Ngumiti lang ako habang nakahiga at pinagmasdan ang nakaliwanag na ilaw sa buong silid. Bumangon si Liana at naglahad ng kamay sa akin.

"Kulang pa din. You still need to master the powerful kick." Sambit niya. I hissed at her.

"She has already mastered it, napatumba ka na nga eh." Si Riley na nakangisi.

"Kasi alam na niya ang galaw ko... paano kung kalaban na?"

"Hindi ba mas may pag-asa siya doon dahil wala namang may alam na ganito kabihasa si Ellison sa close combat. She is also an expert in Muay Thai kaya alam kong kayang-kaya niya ng protektahan ang sarili niya." Ani Yuna naman.

"Kahit bato ang hawak niyan, siguradong mapapatay niya ang babatuhin niya no'n." Biro ni Riley. "Lalong-lalo na siguro kung baril." Proud na sambit niya. Napatayo na ako sa kinauupuan at hinigpitan ang pagkakatali sa naka-high ponytail kong buhok.

"Magpapalit lang ako ng damit for shooting training." Paalam ko at naiwan na muna sila sa labas ng room. Diretso ako sa paglabas at pumasok sa kwarto para makaligo at makapagbihis ng isang black jogger and black racerback. Sa labas ang shooting training namin ngayon.

Paglabas ko ng silid ay nakahanda na rin silang tatlo. They are all wearing their usual cargo pants and racerback shirts. Sa tagal naming magkakasama, halos nakuha ko na rin ang usual outfit nila pagdating sa bawat trainings.

Nauuna akong maglakad palabas ng basement, nakasunod naman sila sa akin. Naatasan silang video-han lahat ng mga training ko ni Dad. Gustong makita ni Dad kung gaano na ako kahusay sa mga skills na gusto niyang matutunan ko. Kaya rin siguro ganado ako ngayong araw dahil gusto kong ipakita sa kanya na hindi magiging hadlang ang pag-aaral ko sa mga gusto niyang matutunan ko para protektahan ang sarili.

Riley's phone are now recording. Nasa likod na bahagi kami ng bahay... it's a very wide shooting range that Dad designed for my training.

Samut saring iba't-ibang baril ang nasa mesa sa harap ko. Rifles, Shotguns, Handguns, Revolvers, Pistols, Sniper. Lahat 'yon ay gustong ipagamit sa akin and at the age of 9 naging pamilyar na sa akin ang tamang paghawak no'n. I remember that there was a time I cried hard because they really wanted me to hold it.

Takot ako sa baril noon, ano ba naman ang alam ko noong oras na 'yon. All I know is when you use it... may mapapahamak at masasaktan. . I don't want to be like that. I grew up in a family full of love. Pero ngayong unti-unti ko ng naiintidihan ang lahat. Nagugustuhan ko na ito... it will now become my hobby.

Sa malayong parte ko, may iba't-ibang uri ng prutas. Kailangan ko lang 'yon matamaan gamit ang mga baril na nasa harap ko. All three of my bodyguards are beside me, each standing with their commanding aura. I prepare the accessories needed for this training - a tailored pair of safety glasses and hearing protectors - and put them on my eyes and ears.

I signal Riley to start her usual timer as a cue for me to start. I glance at the distance of the apple from me and pick up my most favorite handguns. I aim at the apple, and it rips apart after I pull the trigger on my gun. The next gun is a revolver, and the pears I shoot are bullseyes.

Del Fierro Series 1: The Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon