Chapter 46

260 20 0
                                    

We both slept that night while hugging each other. Kinaumagahan, halos mapabalikwas ako ng pagmulat pa lang ng mata ko ay nanlalaking mata ni Mommy ang bumungad sa akin.

"M-Mom?" Kinalabit ko si Ethan na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin sa tabi ko.

Kitang-kita ko ang mariin niyang paglunok habang nadatnan kaming magkayakap. Kinalabit ko ulit si Ethan, this time, gumalaw na siya, but he pulled me closer to him, halos masubsob ako sa dibdib niya. Namula ako sa ginawa niya. He still did not know that my mom was watching us.

"E-Ethan." I tap his shoulder. Dahan-dahan siyang napamulat ng mata at malawak akong nginitian. I awkwardly smile in front of him and slowly look at my mother, who is still looking at us, shocked.

"Mommy is here." Bulong ko. Nanlaki ang mata niya agad, naging attentive at marahang tinanggal ang kamay niya sa aking ulo. Para siyang naging aligaga sa harapan ko na hindi malaman kung tatayo ba siya, babatiin si Mommy o hahalikan ako? But in the end, he greeted my Mommy awkwardly.

Pinanood ko silang dalawang mailang sa harapan ko. Hanggang sa naiilang na nagpaalam si Ethan sa akin, but before he makes a step, mapanuya ko ulit siyang tinawag.

"Where's my good morning kiss." I said, teasing him. Kitang-kita ko ang pag-alma ni Mommy sa sinabi ko, si Ethan naman ay nahihiyang pinandidilatan ako ng mata. I burst out laughing while looking at them. Mabilis ring napadaing nang kumirot ang aking likod dahil sa kakatawa. Mabilis nila akong dinaluhan ng dalawa but my Mom gave way, when she saw how Ethan quickly asked me about it.

"Why? Why? What happened?" Natatarantang tanong niya. Pareho kaming natigilan ni Mommy dahil sa pag-aalala niya. Mabilis niyang sinilip ang bandage ko at ang mga swerong nakatusok sa aking kamay.

"I'm fine, kumirot lang dahil sa kakatawa." Ethan looked at me with relief in his eyes. Dahan-dahan siyang tumango at nahihiyang bumaling kay Mommy na nanonood sa amin.

"Lalabas lang muna ako. What do you want for breakfast?" Malamyos niyang tanong sa akin. Marahan siyang sumulyap kay Mommy at bumati.

"Magandang umaga po, ma'am, pasensya na po at naabutan ninyo kami sa ganoong ayos." Magalang niyang sabi. I look at Ethan, who looks so guilty while explaining to my Mom. Ngumiti lang si Mommy at naiilang na tiningnan siya.

"It's okay, it's normal. You are mature enough to do that." Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi ni Mommy sa kaniya. Ethan swallowed hard as he awkwardly left the room. Pagsarado pa lang ng pinto, kitang-kita ko na agad ang riin sa titig ni Mommy sa akin.

May gusto siyang sabihin ngunit hindi na niya tinuloy. "Your doctor will be here in a minute. Nasa labas lang at kausap ng Daddy mo." Mabilis akong tumango sa sinabi niya.

"How's your sleep?" Tanong niya sa akin.

"It's good, Mommy." Sagot ko.

Makahulugan niya akong tiningnan at nagtago ng ngiti. Nagtaka pa ako kung para saan 'yon, but when I realize what she meant, napasinghap ako. Hindi nagtagal bumukas na nga ang aking kwarto at niluwa nito ang doctor. Maraming tinanong about sa nararamdaman ko na mabilis kong sinagot. Ethan was behind them, listening, at habang sumasagot ako, hindi ko mapigilang masulyapan siya na mariin ang titig sa akin.

"Pwede na natin tanggalin ang mga IV, We can still continue with the oral medication. Since okay naman na siya, iwasan lang natin masyadong magkilos-kilos to avoid inspection. She needs almost two to three weeks of rest; however, it depends on the healing process. Make sure to clean her wounds..." marami pang bilin ang doctors sa kanila, but my eyes found Ethan, who is seriously listening to them; he's so attentive.

Del Fierro Series 1: The Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon