Chapter 27

447 27 5
                                    

After his kiss, pareho kaming napalingon sa lumapit sa aming bouncer ng Bar.

"Ma'am, excuse me po." Kumunot ang noo ko sa kanya, nahimigan ko pa ang pagkailang sa mga mata niya dahil naistorbo niya kami ni Ethan.

"Yes?" Tanong ko. Nakuha na din niya ang atensyon ni Ethan na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa aking bewang.

"Nagrereklamo po 'yong lalaki. They are claiming na bigla niyo na lang daw po siya binalian." Umusbong na naman ang galit sa mga mata ko. Natupok na 'yon nang halik ni Ethan tapos umuusbong na naman ngayon.

My eyes drop on that man, nagtama ang mata naming dalawa at kaagad siyang nag-iwas nang tingin nang makitang matalim na ang titig ko sa kanya.

"Why? What happened?" Nqgtatakang tanong ni Ethan. Tiningnan ko lang siya sandali at iniwan pansamantala. Dire-diretso ang hakbang ko doon sa lalaking halos napa-atras nang makitang palapit na ako. Kahit ang mga kaibigan niya na nasa harap ay napalunok nang makita ako.

I smirked at tamad na nag-squat sa harap no'ng lalaki. Mariin ang titig ko sa kanya.

"What did you say? Did you say that you didn't do anything?" Mapakla akong ngumisi sa harap niya at pinagtaasan siya ng kilay. Iritable kong kinuha ang wallet sa aking jacket at naglabas ng calling card, inabot ko 'yon sa kanya.

Nagtataka pa siya kung ano ang ginagawa ko. "Call me tomorrow morning. I will make sure to file a case against you."

Lumapit pa ako lalo sa kanya at mariin siyang tinitigan. "I will make sure that you deserve what you did to me." I smirked as I saw how his eyes got nervous.

"File a case against me for violence? Then I will file a sexual harassment case against you. Tingnan natin—" hindi ako natapos sa pagsasalita dahil sa pagsabat ni Ethan sa likuran ko.

"What did he do to you? Binastos ka ba ng gagong ito?!" Ethan's voice boomed throughout the entire floor. Tumayo na ako dahil alam ko ng hindi lang bugbog ang mangagayari sa oras na hindi ko siya mapigilan.

"Wala na. Nakaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko kanina." Minata ko ang mga kasama no'ng lalaki at sinensyasang umalis na sa harap namin.

"Putangina! Totoo ba?!" His thunderous voice is screaming of danger. Mariin na ang hawak ko sa kaniyang braso para mapigilan siya sa kaniyang pagsabog.

"I will file a case against him. Hindi naman niya ako gaano nabastos, hinawakan niya lang ang bewa—" mas lalo siyang nag-ngitngit sa galit dahil sa sinabi ko.

"Did he hold you by your waist?! Damn it!" Napapikit na ako sa tindi ng galit niya.

"As I told you, nabugbog ko na! I will also file a case tomorrow if that will calm you down. Then I will do it. Hayaan mo na lang." Sambit ko.

I can still feel his heavy breathing. Unti-unti na ring kumakalma ang paligid at nagpatuloy na sila sa kanilang naiwang ginagawa kanina.

Ethan leaned on the second-floor railing at pilit na pinapakalma ang sarili. Ilang beses ko pang nakita ang pagsulyap niya sa pwesto ng lalaking nambastos sa akin. I let him calm down.

After almost 30 minutes, unti-unti ko nang nararamdaman ang haplos niya sa aking kamay.

I smiled at him. "Are you calm now?" Malambing kong tanong. Malalalim lang siyang humugot nang buntong hininga at tumingin sa akin.

"I will never, ever be calm thinking that you were harassed like that! Kung katulad pa ako noon, baka inabangan ko na 'yang lalaking 'yan sa labas ng bar at binugbog. But I am not the bad boy Ethan anymore. Kailangan ko pang magpabango sa'yo at sa mga magulang mo."

Del Fierro Series 1: The Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon