Chapter 23

564 34 2
                                    

Ellison Blake Del Fierro POV


We both end our night with a fancy dinner. Wala atang ginawa si Ethan kung hindi pagmasdan ako habang tahimik kong ninanamnam ang paligid. Hindi pa din ako makapaniwalang nagtapat na siya sa akin. Finally, hindi na siya torpe!

Pagod na pagod kong binagsak ang aking sarili sa malambot kong kama. I'm done cleaning up, dala na rin siguro ng puyat at pagod sa nagdaang araw, agad na rin akong nakatulog.

I woke up feeling better the next day. Kagabi pa ako hindi tinatantanan ng mga messages ni Reggie para sa mangyayaring shooting mamaya sa shooting range. Naligo at nagpalit kaagad ako ng usual kong pambahay para sa umagahan. Mamaya pa naman ang lakad ko kaya naisip kong magpahangin na muna sa labas at maglibot-libot sa garden ni Mommy.

As much as I want to do my workout. Bukas na lang siguro. I am planning to do my training tomorrow morning.

Bumaba akong nakangiti sa kusina nakita ko kaagad ang pagpasada ni Ethan sa suot ko at agarang nag-iwas nang tingin.

"Nag-breakfast ka na?" Tanong ko ng magtagpo ang tingin naming dalawa.

"Hindi pa, hinihintay kita." I smirked and nodded and walked towards the dining table. Pinaupo ko si Ethan sa tabi ko at kaagad naman rin kaming inasikaso ng mga kasambahay. Ilang beses ko pa silang niyaya sa pagkain, pero ayaw talaga nila kaya hindi na din ako namilit pa.

After we eat our meal, I proceed to my plan. Dumiretso ako sa bakuran namin at tiningnan ang hardin ni Mommy.

Maganda at maayos pa rin ang pamumulaklak ng mga bulaklak. Kahit dito, nakasunod sa akin si Ethan, then I suddenly remembered their green house.

"How is your mom's greenhouse?" Tanong ko habang napa-squat at tiningnan ang pulang rosas.

"I don't know. Hindi na ako nakauwi pa sa amin." Walang emosyong sagot niya. Sandali ko lang siyang tiningnan. Biglang pumasok sa isip ko na nagtalo nga pala sila ng Daddy niya.

"Why? Sayang naman kung hindi naalagaan 'yon. Napakaganda pa naman no'n." Sambit ko.

"I'm sure they maintained it. Hindi papayag si Dad na mapabayaan 'yon." Tumango ako at umayon sa sinabi niya. Napaupo ako sa bench na kung saan harap na harap ang buong garden, nanatili naman si Ethan sa gilid ko.

Pareho naming tiningnan ang pagtama ng pang-umagang araw sa mga bulaklak. I suddenly missed the paradise I had when I was still in Masbate.

"I hope they also maintain your falls. I remember how beautiful it was when I first saw that." I said to him. Kitang-kita ko ang pagbaling niya sa akin.

"I suddenly miss Masbate, our house there. Riley, Yuna, and Liana." Sambit ko sa kawalan habang nakikinig siya.

"Where are they? I heard they're a well-trained military officer." Tanong ni Ethan.

"Riley and Liana got married while Yuna is somewhere out there, maybe exploring the world." He nodded at sinakop ulit kami ng katahimikan. Nanatili ang titig ko sa mga halaman habang siya ay nakatingin na naman sa akin.

"What is your hardest mission, Ethan?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Nilingon ko siya at kitang-kita ko ang pagtatanong sa kaniyang mga mata. Hindi niya pa ata naintindihan ang tanong ko.

"Ikaw." Sagot niya.

Natigilan ako sa sinabi niya at malakas na napahalakhak. He is throwing a pickup line at me without noticing it.

Del Fierro Series 1: The Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon