Chapter 12

577 32 5
                                    

Another week flew by like the wind. Maghapon lang kaming nag-training noong sunday at dahil tapos ko na lahat ng assignment ko no'ng friday pa lang kahit papaano ay nakaluwag-luwag ako.

That monday, naipasa din namin ng maayos ang research namin. We got the highest score in our entire section. Tuwang-tuwa ako atleast may magandang naitulong naman pala sa akin si Ethan.

Buong lingo din siyang palaging nasa tabi ko. Pakiramdam ko nga, usap-usapan nang sinagot ko ito dahil sa sobrang pagdikit-dikit niya na hindi lang 'yon nasasamahan pa ng akbay. At sa tuwing aalma ako sinasabi niya kaagad ang sinabi kong magkaibigan kami.

In the end...I let him.

Sa dalas naming magkasama, halos hindi na siya palaging nakakasama sa mga barkada niya. At pakiramdam ko ang sama-sama na nang tingin nila sa akin at baka iniisip nila ay pinagbabawalan ko ito when the truth is...halos ipagtabuyan ko siya pabalik sa kanila.

It is now the start of our Christmas break. Katatapos ko lang sa pagkain nang mapansing wala ang tatlo kong bodyguard sa paligid.

Hindi ko pa natatapos ang kinakain, I curiously go upstairs to find them.

Palabas na ako ng pinto nang marinig ko ang pag-uusap nila.

Bumuntong-hininga si Yuna. "It has been 7 years since we last saw our family at magpapasko na namang hindi natin sila nakakasama."

Natigilan ako sa paghakbang at napahilig sa pintuan. Sinubukang hindi makagawa nang ingay para marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Yeah. Although we were trained to be separated from them. Iba pa din talaga kapag nakikita sa personal." Si Liana.

"After this mission, I will retire from the military." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Riley.

"Same! Gusto kong bumuo na ng pamilya. Tumatanda na tayo." Sabi naman ni Yuna.

Bigla akong nalungkot habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"Ako, gusto ko muna mag-travel. Parang bigla akong nanawa sa apat na sulok ng lugar na ito. Kaya hindi ko rin masisi si Ellison kung gusto na din niyang makawala dito. Kahit tayo, pakiramdam natin bilanggo tayo." Sabi ni Riley.

Sabay-sabay silang napahinga nang malalim.

"I just want what's best for our baby. I hope that she will grow into a mature transgender woman. Magiging walang kwenta ang mga training niya sa halos ilang taon kong hahayaan lang siyang mabulok dito. She can protect herself now. Talong-talo na nga ako sa galing niyang mag-shooting. I just hope that her parents will give her the freedom that she wanted." Si Liana. Tumulo ang luha ko sa sinabi nila.

"Magiging payapa lang ako kung mangyayari 'yan. She has the world ahead of her. She should not be hidden. She's a genius, skilled, beautiful, and kind. The world deserves her....hindi natin alam kung ano ang kaya niyang i-contribute sa mundo. And I'm excited to see that kind of version of her." Sabi ni Yuna.

"Kung darating man ang pagkakataon na hindi na niya tayo kasama during those times, I hope she will contact us. For the past years, although she's a client naituring ko na din siyang nakakabatang kapatid. Sana hindi niya tayo makalimutan." Nanikip ang dibdib ko habang pinapakinggan sila. I wipe my tears and slowly go down...tinuloy ko ang naiwan kong pagkain nang malungkot.

Somehow, their conversation makes me sad. After all those years that I've been with them, they will leave me. Nasanay na akong nasa tabi sila, halos sila ang humalili sa presensya ng aking mga magulang. I feel like I have an instant sister with them, but now I realize that I am all alone. May mga sarili nga pala silang buhay na sinantabi para lang protektahan ako. At kung darating ang panahong iiwan nila ako at babalik na sa buhay na sinantabi nila, mag-isa na lang ulit ako.

Del Fierro Series 1: The Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon