Prologue

1.7K 53 4
                                    

I vividly remember what my parents said to me that night.

"You need to go, Ellison, susunod na lang kami ng Mommy mo doon." Si Daddy. Bagong gising pa lang ako at halos nakahiga pa sa kama nang makita ko ang pagmamadali ni Mommy at Daddy. Kinusot ko ang aking mata upang mas makita sila ng maayos.

"Harold! I already told you that those investors are not trustworthy! You really don't listen! Look at what you've done!" Sabi Tito George sa laptop, ang pang-pitong na kapatid ni Dad.

"I know! Kaya nga ako nag-aalsabalutan! I need Ellison to be protected!" Sagot ni Daddy sa kanya na hindi man lang sila tinitingnan. Kompleto silang magkakapatid sa screen ng laptop.

Nagsinghapan ang mga babaeng kapatid ni Daddy.

"You, of all people, know how threatened our clan is! And now they want every one of us dead, even our daughter and son! Sana naman pina-imbestigahan mo nang maayos 'yang investor na 'yan." Si Tito Jericho ang bunso sa kanilang magkakapatid.

"Kasalanan ko na nga, 'di ba? Inaamin ko na ang mali ko! Can you all please stop! Help me think properly!" Si Dad na galit na galit na.

"We have a hidden house in Masbate. It's a one-story house, but the basement has luxury in it. Hindi halata sa labas pero maganda ang pagkakadisenyo nito sa loob. Kahit bombahin ang lugar, hindi magigiba ang loob. It has all the resources." Si Tita Ella, ang pang lima sa kanilang magkakapatid.

"We also have that in Palawan, Batanes, Surigao, Davao—" sabi ni Tita Brenna na hindi na natuloy ang sasabihin, pangalawa sa magkakapatid.

"Mabuti na lang we invested in this kind of hideout. Magaling si Ama noong pinagawa nito ang mga property natin. Nakita niya siguro na ganito ang magiging buhay ng mga future generations niya kaya pinagawa niya ito sa mga liblib na lugar." Si Tita Cassie, pangatlo sa magkakapatid.

Napabuntong-hinga si Tito Dave. "I have bodyguards with military skills. I can assign them to you. I will choose a trusted bodyguard to guard Ellison." Sambit ni Tito Dave, ang pang-walo sa kanilang magkakapatid.

"Thanks, Dave. The chopper will arrive at our mansion. Please help me call all the people I need." Si Daddy sa mga kapatid niya, at pagkatapos no'n, hindi ko na nasundan pa ang usapan nila dahil may kanya-kanya nang tinawagan ang mga nasa screen.

Lumapit si Mommy sa akin at hinalikan ang aking noo. "Be ready, aalis na tayo in an hour. Darating na ang chopper." Sabi ni Mommy na natataranta.

"Ano po ba ang nangyayari, Mommy?" Tanong ko at mabilisang bumangon sa kama.

"No more asking. Magbihis ka na." Kahit punong-puno nang tanong ang isip ko, sinunod ko si Mommy.

I celebrated the upcoming year in an isolated house or basement. Hindi ko madalas kasama ang mga magulang ko dahil lagi silang nasa ibang bansa... but they always call me everyday. Tanging si Riley, Yuna, Liana (mga bodyguards ko), at si Manang Ester ang palagi kong kasama sa bahay.

It's been 7 years since I last saw how the city looks. Little by little, it's becoming blurry in my memory. I've been homeschooled for the past year, and now that I am entering Grade 11, I can't let Mom and Dad decide what I want anymore. I want to be a normal student, to experience how a real teenager lives. I understand that they want to protect me, but I feel suffocated. Even with the people I encounter, everything is limited.

"You have finished your taekwondo training?" Tanong ni Liana sa akin, ang isa sa tatlong bodyguard ko na simula pa lang na pumunta ako rito ay kasama ko na.

Del Fierro Series 1: The Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon