Chapter 14

518 37 10
                                    

When I slowly lowered my gun, Ethan abruptly pulled me to him. Kahit napakadilim sa basement, para siyang may ilaw na nakatingin sa akin. Pinasadahan niya ako nang tingin, my hands, arms and face.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Shock at his move, I nodded, a bit hesitant. Walang nagsalita sa amin doon, a part of me was relieved because he's here, but there is also a part that I'm not happy.

"P-Paano mo nalaman na nandito kami?" Tanong ko sa kanya.

"Riley informed me of your location. Mas madaling makapasok ang mga estudyante kaysa sa civilian kaya kahit napapalibutan tayo ng rebelde, nakapuslit ako patungo rito."

I nodded.

"Ethan! Ano ang nangyayari sa labas?" Singit ng aming guro.

"Nagkaka-sagupaan po ang mga rebelde at militar sa labas. Kaya ang putukan niyong naririnig ay malamang galing doon." Sagot ni Ethan.

"Paano ang ibang estudyante?"

"May ibang mga nakatakas, may ibang hawak pa ng mga rebelde." Mas lalong lumakas ang iyakan sa loob ng silid dahil sa binalita niya.

"Pero wala pa namang nasaktan, hawak pa lang nila." Sambit niya. I look at him and our basement's door. Nasira 'yon kaya kailangan ayusin ulit. Humakbang ako patungo doon, but a firm hand holds my hands.

"Saan ka pupunta?" Kinakabahang tanong ni Ethan sa akin.

"Sa pinto! Sinira mo 'yon, aayusin ko lang!" Sagot ko.

He slowly nodded at sinamahan ako sa taas. Sinamaan ko siya nang tingin nang makita kung gaano niya sinira ang pinto.

"What? I didn't mean to break that door." Sabi niya at napakamot na lang sa batok niya.

We found a rope to connect it, mabuti na lang at may nakita kami since bodega ito. Tinulungan niya akong mahigpitan 'yon. Nilagyan din namin ng pangharang.

Naupo ako sa hagdan at gano'n din ang ginawa niya.

"I texted you to never come here." Sinipat ko siya. I saw him lick his lips.

"Yeah. I saw it." Nag-iwas siya nang tingin sa akin. May gusto pang sabihin, pero hindi na niya nasabi. Nanatili lang siyang tahimik at tinitingnan ako.

"Riley said that we should stay low and give them an hour or two. Magiging okay din daw ang lahat." Huminga ako nang malalim dahil sa sinabi niya.

Itinuko ko ang aking kamay sa aking ulo at sandaling nag-isip. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa biglaan niyang pagpasok. I feel like if I hadn't seen him properly earlier, I would mercilessly pull the trigger and shoot him dead. That thought gives me chills, parang hindi ko kayang isipin.

"Are you okay?" Hinanap niya ang kamay ko at dahil sa gulat nailayo ko ang akin sa kanya. He looks stunned and shocked.

"I'm fine! Nagulat lang ako sa biglaan mong pagpasok kanina, but I'm fine!" I said defensively. Sinuri niya ako at tiningnan nang makahulugan. Bakas na sa boses ko ang takot dahil sa mga nangyayari at mga posibleng mangyari.

Nanatili kaming tahimik sa hagdan, tuloy-tuloy pa din ang putukan ng baril sa labas. Lahat kami naghihintay. But Ethan's heavy stares didn't leave mine.

He always swallows hard when he finds my eyes on him.

I look at my watch, it's now almost 2 hours. Napalunok ako nang pareho kami ni Ethan mapabaling sa pintuan. Someone is trying to open it. Damn it!

Del Fierro Series 1: The Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon