Chapter 7

612 33 3
                                    

I quietly scribble in my notebook when Ethan sits beside me. It's Monday and it's been 2 days since he saw us at the beach. Nalabhan ko na ang towel na pinahiram niya at dala ko na 'yon ngayon.

Nilapag ko ito sa harap niya. Nagtaka pa siya sa ginawa ko, pero nang silipin ang laman ng paper bag kaagad bumalik sa akin ang tingin niya. Alam na yata kung ano ang laman no'n.

I look at him.

"Thanks." Pasasalamat ko. He nodded and slowly sat down on his chair. Pumangalumbaba ako habang nagsusulat nang kung ano-ano sa aking notebook.

Bigla kaming nagkatinginan ni Ethan dahil sa biglaang pagtunog ng cellphone, it vibrated at kaagad nagsalubong ang kilay niya nang makitang lalaki ang tumatawag sa akin.

Reggie calling...

Dinampot ko ang phone sa tabi lang ng notebook ko at tamad na tamad na sinagot 'yon. Umigting ang panga ng katabi ko at ipinagkibit-balikat ko lang 'yon.

"What's up, Elli!?" Maligayang bati niya sa kabilang linya. I rolled my eyes and continued to scribble in my notebook while listening to his useless talk.

"Did Tito...I mean your Dad called you?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Nope. Why?"

"Ah so, hindi mo pa alam?" Napaayos ako sa pagkakaupo at kinabahan sa sasabihin niya. No way! Hindi naman siguro nalaman ni Dad ang ginawa namin noong weekend 'di ba?

"A-Ang alin?" Halos mautal ako dahil sa kaba.

Ethan also shifted his weight, clearly listening to what I was saying.

"Please don't tell him that I told you beforehand. Tito invited us to come to Masbate to your hideout! He wants us to dine there. It's his wish for his upcoming birthday. At may big announcement daw siya para doon, narinig ko lang sa pinag-uusapan nila Mom." Napaisip ako sa mga sinasabi niya. Announcement?

What is it? Bakit hindi ko alam? Is my dad trying to surprise me?

"Do you know what announcement it is?" Tanong ko sa kabilang linya habang malalim na ang iniisip.

"I still don't know. If I have information about that, I will call you, my dear cousin." Aniya. Huminga siya nang malalim at katahimikan na ang namayani sa amin.

"I miss you, Elli..." bumuntong hininga ako at mariing napapikit.

"Yeah me too. I miss you too." Sagot ko. Kitang-kita ko ang pagbaling ng katabi ko sa akin dahil sa nasabi ko and then my eyes drifted to our teacher, who is now at our door. Nagmadali akong magpaalam kay Reggie.

"I have to go... I have a class now! See you soon!" Sambit ko at pinatay na kaagad ang tawag at hindi na siya hinintay na magsalita pa. I turned off my phone and put it beside my notebook. Pansin ko ang matagal na pagkakatulala roon ni Ethan hanggang sa hindi na siguro niya nakayanan, nagsalita na siya.

"Boyfriend?" Tanong niya. Napalingon pa ako sa harap o likod kung ako ba ang kausap o tinatanong niya, pero sa akin siya nakatingin kaya malamang ako!

I looked at him seriously. We're in the middle of a discussion, pero parang ang lalim ng iniisip niya. When he saw how heavy my stares were, his eyes slowly drifted to my lips, and then he bit his lip while leaving my eyes.

"Uhm..." I lean on our chair and cross my arms while still looking at him.

"Are you asking me if the person who called me is my boyfriend?" Lito kong tanong sa kanya. Hindi sigurado kung tama ba ang hinala ko. Sa mga nakalipas na buwan na palagi kaming magkasama, alam na alam ko na kung paano siya kuhanin. Tama sila! He indeed likes me...

Del Fierro Series 1: The Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon