Chapter 27
Sandra
"Anong sinasabi mo? Ako? Magpapagamot? The hell sandra!"
"Kailangan mo yun tj"
"HINDI!" Pasigaw nitong sabi. "Wala akong sakit! Naintindihan mo?"
"Ano yung sinabi sa'kin ni ford? Wala lang ba yun?" Tanong ko.
"Sandra..." Tawag nya sa'kin. "Hindi naman kita sasaktan kung hindi mo ko ginagago!, May dahilan ako sandra!"
"Dahilan? Anong klaseng dahilan? Yung mga paratang mo? Tj ikaw lang ang nag iisip ng mga iyon." Lumapit ako ng konti sa kanya at pumantay sa mga titig nya. "Ito, tyron. Ito!" Turo ko sa sintido nya "Ito ang may problema tj, kaya hangga't maaga pa agapan mo na! Wag mo nang hintayin na pati si shiloh, ay masaktan mo rin"
Iniwan ko sya sa sala at nagtungo naman ako sa kusina, para uminom ng tubig. Pero hindi ko inaasahan na nakasunod na pala sya sa'kin.
"Sandra!" Malalim na pagtawag ni tj. "Please..."
Nagulat ako nang biglang lumuhod si tj sa harapan ko. Agad ko naman syang pinatayo, pero nanatili pa rin ito sa ganong posisyon.
"Tj get up!" Pag uutos ko sa kanya. Pero parang wala syang naririnig.
He's crying like a baby right now. At hindi ko alam ang gagawin, sobrang lakas ng iyak nito. Lumingon naman ako sa bandang kwarto namin, baka magising ang bata ayokong makita ni shiloh ang ganitong sitwasyon namin ni tj.
"I promise hon... I won't hurt you anymore. Just please... Help me... Ayokong lumayo sa inyo."
Lumuhod rin ako para magpantay kaming dalawa. Pinunasan ko ang mga luha nya using my thumbs. And after that, I hug him. Kung tutuusin iisa lang ang kalaban namin ni tj, yun ay ang kanyang kalagayan.
"I love you sandra since then. I really wanted to be a good boyfriend to you back then, but my dad made me a choice." Kumawala sya sa pagkakayakap sakin at tumingin ito sa mga mata ko. "Kung ikaw, o ang kompanya. Sandra... I- i choose you! I choose you over the company... But dad threatened me." Doon napakunot ang noo ko. Pinagbantaan?
Tumayo ako at hinila ko rin sya patayo at pinaupo ko sya sa upuan. Umupo din ako sa tabi ng upuan nya. At hinawakan ko ang mga kamay nya.
"Tell me tj, ano ang sinabi ng dad mo!"
"He will kill you. Kung magkataong inamin ko sa kanya kung gaano ka ka-importante sakin, baka wala ka na sa tabi ko ngayon." Umalis ito sa upuan at lumuhod ulit sa harapan ko. " Sandra... I'm sorry... im sorry, I made you feel unloved before, i made you think that i am only using you... But honey. You have no idea how much i love you... but when I was ready to fight for you, then I saw that you had someone else with you."
Humagulhol ako dahil sa mga katagang binitawan ni tj. Sobrang sama ko to the point na hindi ko inalam ang mga pinanggagalingan nya.
"It hurts me seeing you with him..., that guy you brought here." Umiiyak nitong sabi habang hawak ang mga kamay ko. "I am diagnosed with bipolar 1, that's why sometimes i can't control myself from hurting you, or doing something that can harm you."
"Tj walang namamagitan samin ni gab, kilala mo si path? Yung kaibigan ko, that his girlfriend. So please... stop being mean to him, he's a good friend of mine." Pagpapaliwanag ko sa kanya. "And I'm sorry for not letting you know, im sorry..."