𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙸

941 64 15
                                    

Xyarie Kaizel Lazaro's POV

I came out last year to my parents. Alam na nila noon na baliko ako, ang akala lang nila ay Bi ako. Kaya nung nakaraang taon, ibinunyag ko ang sarili ko sa harapan ng aking pamilya.

I'm a lesbian.

I've always been interested in girls---no. Women. A woman. But that woman rejected me.

Nung ibinunyag ko ang aking sarili, doon nagsimula ang pagiging homophobic niya. Malapit kami noon bago nila nalaman. Kapag nagkakasama kami sa mga gathering, parating ako ang unang pinapansin niya. Kaya nga lang, matapos niyang nalaman kung ano ako, parating mukhang bibig niya ang pagkakaroon ko ng nobyo.

Napuno ako kaya umamin ako sa kaniya. It was just us in a room. Hinugot ko lahat ng lakas ko para lang masabi sa kaniya ang nararamdaman ko. Ang akala ko noon kasi ay mag pag-asa ako. Wala naman kasi siyang asawa, at kaya ko pa siyang balikuin. Iyon pala, hindi.

Guess what her answer was...

'Tumigil ka nga. Paano mo nagawang isipin na ayos lang sabihin 'yan? Umalis ka na nga rito at dalhin mo 'yang kalokohan mo.'

She took me as a joke. She looked at me with disgust, and her eyes were judging me. The very next day after that, hindi na niya ako kinausap.

Pero pasimple siyang nagpaparinig na ang babae ay dapat sa lalaki lamang. Inilalayo niya ang sarili niya sa akin gamit ang kaniyang mga salita.

It took me three months to get over that rejection. Katatapos lang kaya maghilom nitong puso ko. Tapos ngayon, malalaman kong may asawa na siya...hindi ba pwedeng dahan dahanin muna ang pananakit sa akin, ninang?

Bilis naman kasi makahanap ng asawa. Three months palang kaya...

"Lumapit ka sa kaniya at batiin mo ang ninang mo." paguutos sa akin nitong si Mama saka niya ako marahang itinulak.

"Yo'ko, Ma." Tinitigan niya ako gamit ang mapanghusga niyang tingin. "Bakit ba kasi nandito siya, Ma? Siya lang itong ninang na meron. Sa makalawa pa kaya 'yung kasal." Iniba ko ang usapan namin. Umatras ako para hindi niya ako mahawakan.

Sa ikalawang linggo, ikakasal ang aking pinsan, anak ni Tita Clarriese. Nirentahan namin itong malawak na resort dahil gusto ni Princess ang beach wedding. Nagtaka ako nung una kung bakit kailangan pang rentahan ang buong lugar, sobrang lawak kaya. Hindi lang beach ang tourist spot kundi may iba pa. Sinabi naman nilang para raw malibang naman kami na magpapa-pamilya, family bonding kumbaga. Mahilig kasi ang angkan namin sa pagpapanatili raw ng connection.

Hinayaan ko na lang, hindi naman ako ang bagbayad. Gusto koring masubukang mag snorkel hehe

Marami ang mga outdoor activities dito ukol sa nakalap kong balita sa website nila. Kaya kahit papaano ay para sa akin sulit na ang paguwi ko. Nas-stress na kasi ako sa work, kaya maganda rin naman ang sariwang hangin.

"Syempre naman, si ninang mo kaya ang nagbayad nitong resort." Sumagot si Mama na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ay, trulalu? Why, Tita? Magkano ba?" Si Sammie ang nagtanong ng bagay na hindi ko masabi.

"Hindi niya sinabi kung magkano e, pero ang alam ko, ginawa niya 'yun para maipasyal ang asawa niya. Unang beses palang kasi niya rito sa pilipinas." Natahimik kaming dalawa ni Sammie sa sagot ni Mama. Nagkatitigan pa kami. Mukhang naawa ang kaibigan ko sa akin kaya ko siya kinurot sa tagiliran nito. Napasigaw siya kaya napunta sa amin ang tingin ni ninang.

Nagkatitigan kami, at nawala ang ngiti niya.

"Ninang..." Bumulong ako. Itinulak ako ni mama kaya lumapit ako. Tumayo ako nang tuwid sa harapan nila ng asawa niya. Pinanood ko paano ipulupot ng lalaking ito ang kamay niya sa bewang ni ninang.

Oh My, Ninang [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon