Xyarie Kaizel Lazaro's POV
"Sit down, sweetheart. It's my turn."
Shock is evident on my face. Sinong hindi magugulat? Bigla biglaan na lang siyang lumilitaw sa tabi namin, hinablot ang kamay ko, tapos tinanggal ang kamay ni Sorrel sa akin. Isa pa, saan niya nakuha ang mga salita para sabihin 'yun? Dahil kung ako ang tatanungin, iba ang naisip ko.
Ay puta, kinilig ako sa sinabi niya...
Alam ko namang hindi dapat, na bawal. Pero 'yung pagkasabi niya kasi, tapos nginisian pa niya si Sorrel na parang nangiinis siya o ano.
Anong nangyayari sa isipan ni ninang?
Kanina, tinaboy niya ako kaya ako sumama kay Sorrel. Pero ngayon, gusto niyang sumayaw kami? Ang hirap talaga niyang basahin...
"You could have said that in a nicer way, don't you think?" Nilingon ko si Sorrel nang magtanong siya. Nakangisi rin siya habang diretso ang tingin kay ninang. Bumaba ang mga mata ko. Nakahawak parin si ninang sa kamay niya at mukhang wala siyang balak na bumitaw. "We're still dancing, yet you're intruding as if you own her. Ang unfair mo naman, Tital Mal. Nagpaalam ako kay Xyarie, tapos ikaw inuutusan mo lang kami na parang ikaw ang nagdedesisyon---"
"Sorrel," Huwag mong sabihin 'yan sa kaniya...
"Mali ba ako?" Pagtatanong nitong si Sorrel saka ako nilingon. Inosente na naman ang mukha niya.
Umiling ako. "Hindi sa ganun, pero..." Hindi ko alam ang dapat kong ituloy sa aking sinasabi. Mayroon ba? She's not wrong...
"Xyarie, dear." Agad nalipat kay ninang ang atensyon ko nang marinig ko ang boses niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Ngayon lang niya ako tinawag na 'dear'. Alam ko namang mahilig siyang tumawag ng kung ano-anong matatamis na salita sa kahit na sino, pero ni minsan hindi pa niya ako tinatawag ng kahit ano.
Am I dreaming?
Is she alright?
Is she dreaming?
Maybe she's half asleep?
She's...different.
No...she's still the same as before.
Before I confessed. May mga nagbago nang kaunti, pero siya parin ang dating taong nakilala ko. Naninibago lang ako dahil sa nangyari sa amin. Dahil sa akin...
"Dance with me?" ...huh?
"Huh?" Nabalik ako sa reyalidad habang nagkakatitigan kami. Tinitingala niya ako habang tanging kalahati lang ng mukha niya ang naaaninagan ng liwanag mula sa bonfire. Hindi ako sigurado, pero sa tingin ko ay mapula-pula ang mukha niya nang kaunti. "A-anong sinabi mo, Ninang?" Pagtatanong ko, nakalimutan ko ang sinabi niya.
Nagsalubong ang mga kilay niya bago binitiwan si Sorrel. "Will you leave us, Sorrel?" Malumanay nitong sambit at nilingon ang kaibigan ko.
"...it's not that hard now, is it?" Tugon naman ni Sorrel saka humakbang nang isang talampakan paatras. Ilang segundo pa ay nawala na siya sa gilid ng aking mata.
Binalot kami ng katahimikan, kahit nagpapatuloy parin ang kantang hindi namin natapos ni Sorrel. Tapos ako, pinagmamasdan ko lang si ninang na sa ibang direksyon parin ang tintignan.
"Ninang," Hinawakan ko ang kamay nitong nasa pulsuhan ko parin saka ito tinanggal para hawakan sana sa tamang paraan.
"I think I'm drunk, Xyarie." Pero bumulong ito sa hangin saka ako nilingon. Mapula-pula parin ang mukha niya. "I might say things that I should keep to myself, but since I'm drunk, I'll just speak whatever comes to mind." Dagdag pa nito. Uminom siya? Hindi ko napansin. Wala kasi sa kaniya ang atensyon ko kaninang kasama ko si Sorrel. That explains her blushing cheeks.
BINABASA MO ANG
Oh My, Ninang [GxG]
RomanceHshshshshshs __ "Was it easier to reject me because I'm 𝙜𝙖𝙮, or because my feelings for you 𝙘𝙤𝙣𝙩𝙧𝙖𝙙𝙞𝙘𝙩 your beliefs?"