𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙸𝙸𝙸

670 60 7
                                    

Xyarie Kaizel Lazaro's POV

"Sammie, Sammie, Sammie!" Papalakas nang papalakas ang pagkatok ko sa kwarto ni bakla hanggang sa pagbuksan niya ako. Samalubong sa akin ang mukha niyang may facemask.

Typical Sammie.

Ako na ang kusang pumasok habang bitbit ang isang bottle ng wente cabernet sauvignon na pinakuha ko kanina sa isa sa mga staffs. Dumiretso ako sa may kama niya saka gumapang at sumandal sa headboard nito. "Nangyari, girl?" Pagtatanong pa nito saka isinara ang pinto at humiga sa tabi ko. Binuksan ko itong bottle tapos sinalinan ang isang wine glass na hawak ko at ibinigay kay Sammie.

"News flash, I still haven't moved on." Ngingiti kong sabi saka sinalinan ang sarili ko. I watched that dark red liquid almost fill up my glass. Inilapit ko ang bunganga ng wine glass sa aking ilong at saka ito inamoy. It has this aromatics smell of warm baking spice. I took a small sip, mmmmm I can taste blackberry.

"I figured that, girl. I know you, hindi madali para sa'yo mag-move on sa loob lang ng limang buwan." Natawa ako sa sinabi niya. He's not wrong.

Who said I moved on already? I didn't.

Sinabi ko lang naman na naghilom puso ko, pero wala akong sinabing nag-iba na sinisigaw nito. "And to think that she already has someone else. Gusto mong malaman ang kwento nila? Sinabi sa akin ni Khalid." Nilingon ko ito at napatakip naman siya ng kaniyang bibig.

"He did not! That–––it's so insensitive!" Natawa na naman ako sa reaksyon niya. Kaya siya ang nilalapitan ko kapag gusto kong maglasing, masarap siyang kausap.

"Don't blame him. Hindi naman niya alam. Hindi nga niya na-gets na sinabi ko mismo sa harapan niyang gusto ko ang asawa niya. At least nailabas ko, mahirap din kanina magkimkim. Alam mo 'yun? Parang iniipit 'yung dibdib ko habang pinagyayabang niyang nakuha niya ang babaeng gusto ko."

"Girl, ang sad." Kumento nito. Sininghalan ko lang siya saka kinalahati itong wine. Matapang ha...

"...I'm jealous." Bumulong ako sa hangin. Nakipagtitigan ako sa kaibigan ko saka ngumiti nang mapakla. "Nagseselos ako, bakla." Pag-uulit ko pa. Parang may tinik bigla sa aking lalamunan. "Alam kong magkasama sila ngayon sa iisang kwarto at hinihiling ng puso kong sana kami na lang. Alam mo ba? Ginawa ng mokong na 'yun ang ginawa kong pagamin noon. May pa diner lang siya, pa flowers, tapos chocolates. Siguro wala akong maibigay kay ninang kaya niya ako tinanggihan."

"Pinagsasabi mo, girl? Imposible na 'yan. Huwag kang ganyan. You know very well hindi siya ganun." Panenermon nito sa akin. Suminghal ulit ako saka inubos na ang laman ng wine glass.

"Siguro kasi babae lang talaga ako." Natawa ako nang wala sa oras. Baka nga dapat ko nang tanggapin na hindi niya ako binigyan ng pagkakataon kasi babae ako.

"Huy, huwag kang ganyan." Hinaplos ako nitong si Sammie sa aking hita. "Malay mo may pag-asa ka pa. Hindi pa naman sila kasal, 'di ba?" Pagbibigay niya sa akin ng masamang ideya. Kung minsan talaga hindi ko alam kung sasangayon ako o sasalungat sa lumalabas sa bibig ng baklang ito.

"Masama kang tao."

"True!" Hindi niya itinanggi. Itinaas pa nito ang kaniyang baso. Nagsalin muna ako bago nakipagkampai sa kaniya. "Tapos akin si pogi hihi" pahabol niya bago kami sabay uminom.

Tinawanan na lang namin ang isa't isa saka inubos itong wine. Nagpakalasing kami ni bakla habang ginagatungan ang pagiging miserable ko. Kinaumagahan, nagising ako sa kama niya habang nakatagilid. Pagkadilat ko pa lang ay bumungad na sa akin ang naka-pedicure nitong mga paa. Sa gulat ko nahulog ako sa sahig.

Oh My, Ninang [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon