𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙸𝙸

706 60 10
                                    

Xyarie Kaizel Lazaro's POV

Natapos ang hapunan namin na maingay ang lahat. Dahil sa pagod na raw si Sammie ay nauna na siyang umakyat. Ako naman ay naglalakad lang rito sa labas. Palaboy-laboy lang ako rito dahil hindi ko mawari kung saan ako tatambay.

Ayaw pa akong dalawin ng antok. Balak ko munang manigarilyo sa may kalayuan naman para hindi makita ni mama.

Hanggang ngayon din ay umiikot parin sa isipan ko kung magkano ang perang ginastos ni ninang para rito. Naiintindihan ko naman kung bakit mahal, malawak itong resort at base sa mga nakita ko papunta rito, marami nga silang offers. At kung ipaparenta lang nila ito sa'min sa loob nga dalawang linggo, talagang aabot sa milyon-milyon. Kaso, bakit iniisip kong si Khalid ang dahilan?

Maaari namang mali si mama.

At maaari paring tama siya.

Nakakainis lang talaga siguro.

Oo, naiinis lang ako.

Lumapit ako sa isa sa mga cottages kung saan matatanaw ang malawak na karagatan. Umupo ako sa hagdanan malapit sa buhangin at sinindan itong sigarilyo ko. Humithit ako nang ilang beses bago nakadama ng kapayapaan.

Paano ko ba sasabihin 'to?

Ang swerte lang kasi.

Hindi ko naman maturuan si ninang kung sino ang dapat pangasawahin niya o mahalin man lang. Kaso gusto ko siya. Hanggang ngayon, gusto ko parin siya. At ang swerte ni Khalid. Natatanggap niya ang pagmamahal na inaasam-asam ko.

Hindi na nga ito tungkol sa pera e. Tungkol na ito sa willingness ni ninang na gawin ito para sa kaniya. It's the thought that counts, sabi nga nila. Kahit nais kong tumanggi, gusto ko maranasan ang pagmamahal niya.

Ahh, puta... Naiiyak na ata ako.

Pinunasan ko ang aking mga mata dahil nanlalabo ang mga paningin ko. Tumingala ako upang makalanghap ng hangin.

"It's cold out here, isn't it?" Natigilan ako nang may marinig akong boses sa aking gilid. Nilingon ko ito at nakita ko ang taong kinaiingitan ko sa araw na ito. May makapal siyang jacket habang naglalakad nang palapit sa akin.

"Hindi ka lang sanay" Umiwas ako ng tingin at nakipagtitigan lang sa kawalan ng karagatan. Maya maya, naramdaman ko ang pagbigat nitong kahoy na hagdanan na aking kinauupuan.

"I'm sorry, I can't understand tagalog." Natawa ako sa sinabi niya. Tinigilan ko muna ang pag-hithit ng aking sigarilyo saka tinapik ito ng aking hinlalaki sa pwetan para matanggal ang namuong abo nito.

Binalot kami ng katahimikan. Ibinuga ko ang asok sa hangin at pinanood itong maglaho.

"Why are you here, alone?"

Humithit ulit ako saka ito ibinuga't pinanood ulit. "Questioning my life decisions. Probably asking myself the why's"

"Why?"

"Just because..." Tumahimik ako. "I'm a fucked up lesbian." Napailing-iling ako't natatawa sa kalagayan ko. Sa tingin ko ay masyado na akong kawawa, kausap ko ba naman ang taong pinagseselosan ko.

Hayst. Buhay nga naman... "You're a lesbian? I thought you were straight." Napahinto ako sa balak ko sanang paghithit sa aking sigarilyo nang marinig ko ang sinabi niya. Nilingon ko ito nang nakataas ang kilay. "Straight people have gay friends. It's not common for lesbian and gay people to form friendship since they have nothing in common. You, you like girls while your friend likes boys. Your common goals has no similarities or whatsoever." Kumunot ang balat sa pagitan ng mga kilay ko.

Oh My, Ninang [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon