𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙸𝚅

597 51 5
                                    

Xyarie Kaizel Lazaro's POV

Nang nakalapit ako sa tatlong ito, tinitigan lang nila ako na parang naaawa pa sila sa kalagayan ko.

"Ohhhh, hindi parin kayo nagkaayos, Ate Xya?" Si Franz ang unang nagsalita. Tumango na lang ako dahil may alam siya. Madali kasi siyang maka-spot ng mga bagay bagay. Mas nauna nga niyang nalaman na sa babae lang ako nagkakagusto bago pa ako umamin.

"It's okay, girl." Hinaplos ni Sammie ang braso ko. Baliw 'to.

"Kumuha naman siya. Anong problema?" Singit ni Sorrel. Magkakasabay namin siyang nilingon bago umiling in sync. May mga bagay talaga na dapat munang isikreto sa ibang tao.

Binalot kaming apat ng katahimikan. Naukit ang pagtataka sa mukha ni Sorrel, pero ni isa sa amin ay walang may gustong punuin ang kuryosidad niya. "Okay..." Pambabasag ko sa katahimikan. "Marami na siguro 'to, no? Nabibigatan na ako, wala bang tutulong?" Nagsasabi naman ako ng katotohanan. Nabibigatan na talaga ako. Kumuha naman sila ng mga kakasya sa kanilang mga kamay. "Wow. Sa tingin niyo talaga gagaan itong bitbit ko dahil kumuha kayo ng tigwa-walo?"

"Ay, hahaha. Ito, Ate Xya." Ani ni Franz at ibinalik sa akin ulit ang kinuha niya. Binanat nito ang dulo ng kaniyang shirt. Naglipat sila Sorrel at Sammie ng macopa sa damit ni Franz hanggang sa halos makakalahati ito.

Matapos kami roon ay saktong sinabi ni Mama na bumalik muna para mahugasan na ang mga ito at makain namin. Sumunod naman kaming apat na magkakasama parin. Habang naglalakad, aware akong nasa likuran lang namin si ninang. Si Sammie kasi ang taga-ulat ko dahil pasimple niyang nililingon ito kapag kinakausap niya ang dalawang nasa tabi namin.

"Malungkot talaga siya, girl." Paulit-ulit nang sinasabi ito ni Sammie. Kahit nang nakarating na kami rito sa lobby kung saan ang ilan sa mga kamag-anak namin ay binubulong parin niya ito.

"Ano iyang bitbit niyo?" Pabungad ni Tito Edmund.

Lumapit kami sa kanila saka nagpakuha si Mama ng malaking lalagyan. Pinanood namin ang staff na umalis, at sa paglakad niya, napansin ko si ninang na nasa gilid nito at naglalakad din. Patungo na ata siya sa hagdanan. Nalipat tuloy ang atensyon ko sa kaniya hanggang sa tumigil ito sa may paanan ng hagdan.

Nagtaka ako. Tumingala kasi siya. Ilang segundo pa ay nahagip ko na si Khalid na bumababa. Nagsalubong agad ang mga kilay ko. Bakit may hawak siyang maleta?

"Gir–––" ihinarang ko ang aking daliri sa pagmumukha ni Sammie nang akmang magsasalita na naman ito.

Pinagmasdan ko ang pagtigil din ni Khalid sa paanan ng hagdanan. Nagsimula silang mag-usap. May pa hand-gesture pa itong si Khalid. Tapos mas lumalala ang pagsasalubong ng mga kilay ni ninang. Halos magsabay na nga silang magsalita. Hindi ko marinig, wala akong maintindihan sa nangyayari. Ang sigurado lang ako ay ayaw ni ninang ang kahit anumang pinag-uusapan nila.

"Ano sa tingin mo nangyayari?" Pagtatanong nitong si Sorrel.

"I think, aalis itong jowa ni Tita Mal."

"And she is obviously not a fan of that idea." Kumento ni Sammie sa sagot ni Franz. Napansin ko ang pagtango ng pinsan ko sa gilid ng aking mga mata.

"She's not going with him?" Pagtatanong ulit ni Sorrel. Nagkibit balikat ang dalawang ito na sabay.

Pinanood namin silang dalawa na mag-usap. Maya maya, hinaplos ni Khalid sa pisngi si ninang. Hindi ko 'yun nagustuhan. Umiwas tuloy ako ng tingin. Tapos nagkatitigan kami ni Sorrel. Dahil doon, bumalik ang atensyon ko sa dalawa sa may hagdanan. Malas ko.

Oh My, Ninang [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon