𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚅

586 50 5
                                    

Xyarie Kaizel Lazaro's POV

Wala pa sa isang minuto ang buong pangyayari. Sa sobrang bilis, hindi na nakapag-reak ang mga kasama namin. Humingi narin ako ng tawad kahit hindi ko naman alam kung bakit.

"Let go." Itinulak niya ako. Pumapalag ang katawan niya sa pagkakayakap ko. "Let me go." Pagmamatigas parin niya habang mas lumalakas ang pagtulak niya sa akin.

Wala akong magawa kundi ang kumalas. Umatras din ako dahil tinitigan niya lang ako gamit ang nandidilim niyang mga mata. Ano na naman maling ginawa ko?

"Mal!"

"Tita Mal!"

"Jusko, Mal!"

"O My God, Tita Mal!"

Halos magkakasabay na sumigaw ang mga tao. Agad naming narinig ang magkakasunod na pagtunog ng kanilang mga sapatos habang lumalapit sa amin. Sa loob ng isang segundo, pinagkukumpulan na nila si ninang at tinulungan pa ni Princess na patayuhin siya.

"Omg ka girl, nangyari?" Narinig ko ang boses ni Sammie. May humawak sa aking mga kilikili saka ako inalalayan na makatayo. Humarang sina Sammie, Franz, at Sorrel sa harapan ko habang bakas sa kanilang mga mukha ang pag-alala.

"Are you okay, Ate Xya?" Hinawakan ako ni Franz sa mga balikat ko.

"Ok ka lang? Are you hurt anywhere?" Tapos nagtanong din si Sorrel.

Kahit gusto kong sumagot ay hindi ko maibuka ang aking bibig. Bagkus ay abala ako sa paghahagilap kay ninang. Nagawa ko pang itunalak pakanan ang balikat ni Sorrel para lang masilip ko ang mukha niya na pinagkukumpulan din.

Gusto ko lang masigurong mabuti ang kalagayan niya.

"Tita, are you sure you're okay? We can take you sa clinic ng hotel." Suhestiyon ni Princess. Dahil mukha lang ni ninang ang nakikita ko ay hindi ko masabi ang kalagayan ng katawan niya. Kung may galos ba o kahit anong problema.

Ang alam ko lang ay umiling ito saka nagpilit ng ngiti. "I'm okay. I'm just...still in shock. I want to be alone for a while, maiwan ko muna kayo." Bumalik sa pagiging blangko ang mukha niya bago nagsimulang naglakad. Pinanood ko lang siya habang tinutungo nito ang pintuan. Nang binuksan niya ang pinto at lumabas, naramdaman ko ang mga paa kong humakbang.

Saka lang ako natigilan nang may humawak sa braso ko. "San punta mo?" Pagtatanong sa akin ng kaibigan ko. Nilingon ko siya at nasaksihan ang pagsalubong ng mga kilay niya.

"U-uhm...hi-hindi ko alam." Kusa na lang kasing gumalaw ang mga paa ko.

"Baka nasa state of shock parin si Ate Xya. Gusto mong pumunta ng–––ate!" Ito ang huling narinig ko bago ako biglaang nawalan ng malay. Hindi ko inaakalang mangyayari sa akin ito. Blangko lang kanina ang isipan ko, pero nanghina naman na ang katawan ko saka nagdilim ang paningin ko.

Wala na akong maalala matapos iyon.

Nagising na lang ako na nakahiga sa kama. Bumungad sa akin ang pamilyar na kisame. Siguro nandito ako sa kwarto ko. Sa una, malabo nang kaunti ang paningin ko. Kumurap-kurap pa ako bago luminaw uli ang mga ito.

"Tita, gising na si Ate!" Pumikit ako nang marinig ko ang masingkit na boses ni Franz. Naramdaman ko rin ang mahigpit na pagpisil ng kung sino sa kamay ko kaya ko siya nilingon. Bumungad sa akin si Sorrel na diretso ang titig sa akin habang nahahalata sa mukha niya ang pag-aalala.

"Are you... How are you feeling?" Mas lumapit ang katawan niya sa kama.

Why is she worried?

"I'm fine." Sinuklian ko siya ng matamis na ngiti. Masyado siyang nag-aalala. Hindi pa naman ako malalagutan ng hininga.

Oh My, Ninang [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon