𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚅𝙸

521 49 10
                                    

Xyarie Kaizel lazaro's POV

"Paano ba 'yan, dalawa na kayong prinsesa ko. Mahina parin, ninang?" Ngumisi ako. Hindi siya nakapagsalita at tinitigan lang ako.

Ano kaya iniisip niya?

"Ahem!" Sabay kaming lumingon sa gilid nang may umubo. Bumungad sa amin sina Franz at Sorrel na hindi parin nakasakay ng yacht. Nginusuan ako ng pinsan ko saka iniangat ang kamay niya sa akin. "Hindi mo ba ako aalalayan, Ate Xya?" Nagmamaarte niyang sambit.

"Matanda ka na." Pagmamatigas ko naman.

Mas humaba ang nguso niya. "Ang sama mo. Tita Mal, oh!" Lumipat kay ninang ang tingin niya kaya ko siya ginaya. Nilingon ko si ninang na nakay Franz ang tingin. Nang mapansin niya ako ay nabalik sa akin ang titig niya, tapos sabay kami yumuko upang makita ang mga kamay naming magkahawak parin.

Agad niyang hinila ang kamay niya, dahilan para mabitawan ko siya.

"Ako naman!" Pagsisigaw ni Franz saka malakas na hinawakan ang kamay ko. I flinched. Para akong hinampas ng manipis na kahoy. "Hilain mo na'ko ah!" Sigaw na naman nitong babaeng ito. Nilingon ko siya saka tinarayan ng kilay.

"Ayaw ko." Pagmamatigas ko parin saka binitawan ang kamay niya. Napansin ko si Sorrel sa tabi nito kaya ko inilahad ang aking kamay sa kaniya. Nagulat ito. "Ayaw mo?" Gusto kong asarin si Franz kaya ko inalok itong kaibigan niya.

"Uhm..." Napansin ko ang paglingon ni Sorrel sa gilid at mabilis ding ibinalik sa akin ang mga tingin niya. "S-sure. Thanks." Dahan dahan niyang tinanggap ang kamay ko saka ko siya inalalayan na umakyat. Umaalog na rin kasi ang yacht dahil sa alon kaya muntikan na siyang nawalan ng balanse sa gangway.

Nang nakaapak na sa yacht ang mga paa niya ay hinila ni Franz ang isang kamay ko, dahilan para mahila niya ako nang kaunti. "Ako naman! Kanina pa'ko rito!" Pagsisigaw parin niya. Siya na lang kasi ang natitirang hindi pa nakasampan.

Binitawan naman ni Sorrel ang kabila kaya ko siya nilingon. Saktong nasaksihan ko ang pagkatitigan nila ni ninang. Oppps, nakalimutan kong nandito pa pala si ninang. "Ate!" Hindi maipinta ang itsura nipang dalawa. Basta diretso lang ang mga mata nila sa isa't isa. Wala silang imik, pero wala rin namang gustong umiwas.

Anong nangyayari sa kanila?

"Ate!" Hinila ulit ni Franz ang kamay ko. Nalipat sa kaniya ang atensyon ko. "Ano na? Alalayan mo na ako ah! Kapag ako maiwan, hindi na tayo bati!" Pagbabanta pa nito. Isa pa'to, hindi ko rin maintindihan nangyayari sa kaniya.

Mabuhat na nga lang–––"Hahanapin ko lang si Sammie." Rinig ko sa boses ni ninang. Bago ko pa siya lingunin ay nagsimula na itong naglakad papalayo.

Hila nang hila si Franz kaya ko siya inalalayan. Tumulong din si Sorrel dahil muntikan nang mahulog sa tubig itong pinsan ko. Siya rin ang may lakas ng loob na iwaksi ang kamay ko nang makasampan na siya.

"Tsk." Dahil kami na lang ang narito, ako na ang nagrepresenta at tinanggal ang gangway at inilagay ito sa gilid. Tumayo ako pagkatapos at hinarap silang dalawa. Sumalubong sa akin ang nakakagulat na pagtitig ni Sorrel. Napaatras pa ako dahil nasa akin talaga ang purong atensyon ng mga mata niya. Tila nakipagtitigan siya sa kaluluwa ko.

"Bakit?" Nag-alala ako at baka may nagawa akong masama.

Siya naman ay pinagmamasdan lang ako nang ilang segundo. "...nothing." Tapos nang sumagot siya ay mas lalo akong naguluhan. Nagsimula siyang naglakad dahil kay Franz na nauna na. Sumunod naman ako. Tumahimik kami nang bahagya habang lumalapit sa flybridge. "You know, she was looking at you...us, actually." Tapos nagsalita siya nang may bumungad sa aming mga tao.

Oh My, Ninang [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon