𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚅𝙸𝙸𝙸

584 52 3
                                    

Sammie Gutierrez's POV

Girl, in my opinion, I am seriously rooting for the two. Kung wala lang talagang asawa si ninang, baka ako na ang gagawa ng paraan para magkaayos na sila at ma-take this situation to another level. Because seriously, it is so obvious that Xyarie is deeply in love with her.

Matapos ang kwento ni bading sa akin, alam at alam ko na ang pagiging seryoso niya kay Tita Mal. I watched that lesbian friend of mine recover for months just because of a rejection. Kung ibang babae, siguradong wala siyang pakialam.

I know her love is sincere, truthful, and pure.

Ang tanong na lang ngayon, may pag-asa nga ba siya kay Tita Mal? Because with all seriousness, It's hard to tell. Nas-sense ko ang pagiging guarded ni Tita Mal. Her face, actions, and even words show the wall she built between them.

I do, however, sense a little hint in her eyes.

O my God, buong araw ko na kaya silang tinititigan kapag may pagkakataon ako. I saw almost everything. Hindi ko naman masabing may something sa mga tingin ni Tita, pero may something talaga. Hindi nga lang parati. Minsan, there's a flash of, what do you call it? I'm not sure. yet.

Also, I hate to admit this, but she does love her man. The way she takes care of him, look at him even. I know her feelings for Khalid is indeed romantic.

Kaya mas lalo akong naguguluhan sa nangyayari. Tama na nga muna. Nag-unat ako ng mga braso matapos pumasok ng hotel. Kailangan ko munang hanapin si Xyarie dahil bigla bigla na lang siyang umalis kanina. Mukhang lasing na si bading kaya delikadong hinahayaan siyang mag-isa sa malawak na loteng ito. Baka ano pang magawa ng babaeng iyon, ako pa ang sisisihin ni Tita Barbara.

"O my God, Xyarie!" Natigilan ako sa paglalakad dito sa lobby nang marinig ko ang boses ni Tita Mal. Dahil sa nadawit din ang pangalan ng kaibigan ko, dali-dali akong lumingon sa may hagdanan.

What the hell, Xyarie?

Nawalan na naman ng malay si bading.

Mas masahol pa'to sa matandang may sakit.

Lumapit agad ako sa kanila at tinulungan si Tita Mal. Dumagan ata bigla ang katawan ni girl kay Tita kaya ito nagulat. "Ako nang bahala, Tita---"

"No." Ayaw bitawan ni Tita ang kaibigan ko. Hinawakan ko kasi si Xyarie mula sa likuran dahil nakaharap si girl kay Tita. "It's okay. Just help me take her to her room, Sammie." Pakiusap niya?

Alright, girl.

Pinagtulungan naming alalayan ang magkabilang kamay ni Xyarie saka umakyat ng hagdanan. Nang nakarating kami sa kwarto ni bading, ako na ang bumukas dahil alam ko ang passcode nito. Tapos, dahan dahan namin siyang pinahiga sa kama.

Pinanood kong umupo si Tita Mal sa gilid ng kama saka hinawi ang nakaharang na buhok ni Xyarie. Matapos 'yun, pinagmasdan niya lang ang natutulog nang mukha ni bading.

Her eyes are empty, or as it seems. But her actions... "Sammie?"

"Yes, Tita?" Agad akong tumugon nang mapunta sa akin ang tingin niya.

"Can you leave the room for a sec? I need to change her." Pakiusap niya. Nilingon ko si Xyarie na natutulog parin. Should I?

Girl, anong gagawin ko?

Magising ka na kasi riyan!

Huy, girl!

Hayst. Xyarie naman!

"Uhm..." Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

"Sa ating dalawa, ako ang babae. Are you comfortable seeing a woman's naked body?"

Oh My, Ninang [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon