CHAPTER 7

20 2 1
                                    

Minsan ay gusto ko nalang ang hindi umuwi ng bahay, mas gu-gustuhin ko pang mag-stay sa school para libangin ang sarili kaysa magmukmok dito sa kwarto ko.

I had no reason to stay here. Wala na si mama at papa. Ngayon, iniwan na rin ako ng ate ko, hindi pa nag-iisang linggo ay umalis na siya papuntang New York.

Isang buwan na rin ang nagdaan simula nung trahedyang nangyari sa magulang ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap ang nangyari.

Habang lumalalim ang gabi, palalim nang palalim din ang pagtulo ng aking mga luha sa aking mga mata habang nakatingala sa mga bituin sa langit dito sa balcony ng kwarto nila mama't papa.

My mom once told me that 'tumingala ka lang sa mga bituin at mapapangiti ka nalang ng walang rason'. Pero pag tumitingala ako sa mga bituin... ay mas lalo lang akong nadudurog.

Kumusta kaya sila? Malungkot din ba sila na nakikita akong umiiyak dito? Masaya na ba sila kung nasaan man sila ngayon?

I wish that they're still there. I wish I could hug them. Kung alam ko lang na huling yakap ko na yun sa kanila, sana hindi ko nalang sila binitawan at hinigpitan ko na. I wish this was all just a dream.

Umiyak lang ako magdamag hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan ay may beach activity kami.

Nandito na kami ngayon sa harap ng school main gymnasium upang maghintay sa ibang estudyante. Nandito na rin ang tatlong bus.

"May gusto ka kay Kavin?" Tanong ni Knchnle kay Eunice habang inilalagay ang bagahe namin sa bus luggage compartment.

"At bakit hindi? Ang gwapo niya at ang ganda pa ng boses niya" Kinikilig na tugon ni Eunice.

Tumango-tango nalang si Knchnle.

"Magkakilala ba kayo?" Eunice asked.

Tumango si Knchnle "Mm...nung practice namin"

Mas lalong lumiwanag ang parehong mata ni Eunice. Nagkaroon na naman ng pag-asa ang puso niya.

"No!"

Nabigla kami nang may biglang sumigaw sa malapit.

"Si Carter ba 'yun?" Nagtatakang tanong ni Eunice.

Nagtungo kaming tatlo kung saan naroroon ang sigaw. At dun nakita namin sa likod ng bus sina Christian at Carter na parehong nagdidilim ang paningin sa isa't isa. Nandun din sila Francesca, Rhiane, at ang ibang mga estudyante.

"Anong nangyayari rito?" Pumagitna na si Knchnle sa kanila.

Nagtungo naman sa pwesto ni Carter at Timothy si Eunice habang ako ay nanatiling nasa likod ni Christian.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko kay Faraa.

"Sira kasi ang aircon sa isang bus. Ayaw din ni Carter na mapunta sa kanila ang bus na walang aircon" Bulong niya sakin.

"Hindi ako papayag na mapunta sa amin ang bus na walang aircon!" Sigaw ni Carter kay Christian. 

"Aba! Mas lalo akong hindi papayag 'no" Crinoss ni Christian ang kanyang dalawang kamay.

"Ibaba niyo na ang mga gamit niyo kasi kami ang nauna sa bus na 'yan!" 

"Excuse me? Nauna kami!" 

"Teka, pwede naman nating pag-usapan 'to ng mahinahon" Pag-awat ni Knchnle na nasa gitna pa rin ng dalawa.

"Anong meron dito?" Tanong ng isang lalaking bumaa sa isang bus. Nakita ko rin si Stef na bumaba roon kasama ang ibang kaklase niya.

Till the End (Love Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon