CHAPTER 14

17 2 0
                                    

"O, ba't gulat na gulat kayo na makita ako?" 

Biglang dinaga ang dibdib ko nang makita ko ulit ang matanda na malapit ko nang masagasaan kanina dahil sa pagtingin ko ng husto kay Stef. Hindi ako nakatingin kay Stef pero alam kong kinakabahan din siya dahil ang buong atensyon ko ay nasa matanda na ngayon ay naghihintay ng sagot mula sa amin. Anong ginagawa niya rito? BIsita ba siya o bahay nila 'to? Naku! Maling bahay ata napagtanongan namin.

"Magandang tanghali, po." My mouth is trembling. 

"Anong maganda sa tanghali... e, kayo ang kaharap ko." Matigas nitong sabi.

Nagkatitigan kami ni Stef na parehong nahihiya. But we both manage to smile at her. Baka isipin pa niyang wala kaming respeto sa kanya.

"Lola!" Nabaling ang tingin namin kay Arabella na patakbo sa amin. Lola niya pala. "Sina ate Bhea nga pala at si kuya Stef, po. Ate, kuya, lola Robelle ko po." 

Ngumiti nalang kami ulit sa kanila.

"Ba't sila nandito? Kamag-anak ba natin sila? Kakilala ba natin sila?" Sunod-sumod na tanong ni lola Robelle.

Nagkatinginan ulit kami ni Stef na parehong nahihiya. Wala nang lumalabas sa bibig ko kahit isang letra, sa tingin ko kasi ay aawayin niya lang ulit ako kung magsalita pa ako. 

I was about to tell her why we were here, but Arabella took it. Nabasa niya siguro sa mukha ko ang kaba.

"Nasira po kasi ang gulong ng kotse nila, kaya nagtanong po sila rito kung saan pwede ipa-ayos. Dahil alam naman ni papa i-ayos 'yun, e siya nalang ang gumawa." Arabella explained.

"Kailan pa naging vulcanizing shop 'tong bahay ko?" Alam ko kung ano gustong ipalabas niya pero wala akong karapatang sumagot dahil bahay nila 'to. At tama naman siya. "Pero, mukhang ang bilis ng karma." Natawa pa ito dahil sa nasira ang gulong ng kotse ko.

Napayuko na ako sa hiya. Hinihiling ko nalang na lamunin nalang ako ng lupa.

Napa-angat lang ang tingin ko nang marinig ang mga yapak ni lola Robelle na palayo sa amin, sumunod naman sa kanya ang apo.

I let out a sigh. Para akong nakawala sa pagkakasakal dahil sa makapigil hiningang kaba sa dibdib ko.

"I think it's time to go. Siguro naman, matatapos na 'yun." Nauutal na saad ko kay Stef. Baka ano pang sabihin ng matanda kung magtatagal pa kami rito.

Tumango naman agad siya, gusto na ring umalis na kami rito.

"Baka bukas ko pa 'to maayos, nagamit ko pala yung stock kong gulong sa kotse ng kapatid ko kahapon. Malayo pa rito ang bayan, wala rin dito ang pickup truck namin." Paliwanag ni Manong.

"Ganun po ba?" Dumukot ako ng pera sa bag ko para ibigay sa kanya. "Eto po pala ang pera." I think it's enough for the car tires and for him.

"Dami nating pera, ah" Siniko ako ni Stef, kaya ginantihan ko rin siya.

"Wala ba kayong matutuloyan? Dito nalang kayo matulog sa amin mamaya." Manong offers us.

Nagkatitigan kami ni Stef, he shake his head slowly. We were thinking the same thing: it's a bad idea to sleep in their house, kasi nandun amg matanda. Magagalit lang 'yun sa amin. Isa pa, si Manong ang mag-aayos ng kotse ko, pinakain kami, tapos makikitulog pa kami sa kanila? Aba parang ang kapal na ng mukha namin niyan.

Binalik ko ulit ang aking tingin kay Manong. "May malapit po bang hotel dito?

"Nasa bayan pa 'yun, e. Ayaw niyo ba rito sa amin?" 

Till the End (Love Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon