CHAPTER 9

34 3 0
                                    

"Sino ba yang Kavin na 'yan?" Nagtatakang tanong ni Christian.

Nasa restaurant kaming lahat ngayon kung saan kami nagka-usap kanina ni Kavin upang mag-dinner. Mas naging romantic na ang paligid ngayon dahil sa mga ilaw.

Nandito lahat ng mga kasama namin at kahit isa ay walang naka-halo, kaya samin ang buong restaurant na 'to ngayong gabi.

Kasama ko sa iisang mesa sila Eunice, at Christian. Nasa ibang mesa naman sila Knchnle at Timothy na kasama sila Kavin, Stef at ibang kaibigan nito. Malayo ang mesa nila sa amin kaya paniguradong hindi maririnig ni Kavin pano kiligin si Eunice sa kanya.

"Siya lang naman ang may ari ng buong resort na 'to" Proud na sabi ni Eunice.

"Correction, sa papa niya 'to" Ani ko.

"Bakit ba? E pareho lang naman 'yun" Saad ni Eunice kaya natawa nalang ako.

"Yung may hawak na gitara" Turo ko.

Tumalikod sa amin si Christian upang sulyapan ang lalaki. Nang bumaling ulit ito sa amin ay may ngiti na sa labi.

"Hoy! Ang hot, ah" May parang kiliti sa boses nito.

"Nauna na ako, sorry ka" Sagot ni Eunice.

"Echusera!"

Nagpatuloy kami sa pagkain. Pinatikim ko rin sa kanila ang bestseller nilang ice cream, kagaya ko ay nagustuhan din nila iyon.

Nang matapos ay naisipan naming lahat na ipag-dikit-dikit lahat ng mesa namin para mag-inoman.

Maganda ang gabi ngayon kaya lahat kami ay masayang nagku-kuwentuhan, asaran, jamming, o kahit anong kalukuhang naiisip ng lahat.

Mabilis lumipas ang oras, halos lasing na ang lahat maliban sa 'kin. Kaunti lang nainom ko, minsan pa ay inaagaw pa ni Knchnle at siya ang umiinom nun.

Natatawa nalang ako habang tinitignan ang lahat kung pano sila mag-kulitan.

Nagpatugtog pa ng pang-sayaw ang isang lalaki kaya umakyat si Kavin sa mesa para sumayaw. Nakita ko pa kung pano halos mapunit ang bibig ni Eunice lalo na nung kunin ang kamay nito para isayaw kaya mas lalo itong namula.

Kinilig ang buong paligid dahil sa nangyari. Tumayo rin ang iba para sumayaw. Hinigit ni Christian ang isang lalaki papunta sa gitna, nakita iyon ni Carter kaya hindi ito nagpasindak, humigit din siya ng isang lalaki.

Napangiti rin ako nang ayain ni Timothy si Faraa, sa una ay ayaw nito kasi hindi raw siya komportable sa mga ganyan pero sa huli pumayag din dahil pinilit ko.

Wala na ring nagawa si Knchnle nang kunin siya ni Francesca. Nagtama ang mata namin, his eyes were worried, but I just gave him a smile.

Medjo masakit ang ulo ko kaya naisipan kung magpa-hangin muna sa dalampasigan. Malalim na ang gabi kaya malamig na ang simoy ng hangin.

I sighed before gently closing my eyes as I spread both hands in the air. I happily looked up at the sky while taking in all the night air blowing on me. I love this feeling. Gumagaan ang pakiramdam ko.

"Stress?"

I gasped when I heard someone behind me. Napa-irap nalang ako nang makita si Stef.

Kahit madilim ay kitang-kita ko na nakangiti na naman ang lalaki ng nakakaloko.

"Kahit saan talaga ako pumunta, andun ka. Kaylan mo ba ako titigilan?" Mataray kong tono.

Napabuntong-hininga ako nang umupo sa lapag habang pinag-mamasdan ang mga alon.

Till the End (Love Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon