"Where did you go last night? Ba't bigla kang nawala?" Tanong sa 'kin ni Knchnle.
Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya, 'di ko rin gustong sabihin sa kanya na nagpunta ako sa dalampasigan at nakipag-kuwentuhan kay Stef. Baka kung ano pa ang isipin niya.
"Uhm..."
Nag-baba ako ng tingin, naiilang sabihin ang totoo.
"Umakyat na ako, medjo nahihilo na kasi ako" I lied. Nag-angat ulit ako ng tingin, his gaze remains on me.
"That's good" Ngumiti siya.
Dun lang ako nakahinga ng malalim nang kumuha na ito ng pagkain niya.
Nasa isang cottage kaming lahat dito sa malapit sa dagat. Tatlong cottage ang kinuha namin na magka-tabi-tabi lang.
"Shining, shimmering, splendid! Ready na ba kayo?"
Napabaling kaming lahat nang dumating si Christian. Nakasuot siya ng napaka-ikling pang-ibaba, may malaking beach hat naman na nakapatong sa ulo nito na halos matabunan na ang mukha niya.
Kaya pala pag-dating ko rito ay wala pa siya kasi nag-ayos pa. Mukhang hindi magpapatalo kay Carter.
"Kaya naman pala sumangsang ang amoy" Saad ni Carter na nasa kabilang cottage. Diretso lang ang tingin nito sa dagat.
"Pinaparinggan ba ako ng isa jan?" Dahan-dahang tanong ni Christian. Hindi rin siya nakatitig sa katapat ng cottage.
Mukhang mag-aaway na naman ang dalawa.
"Well, kung natamaan ka..." Sumulyap ito kay Christian na nang-aasar at naka-taas pa ang isang kilay nito. "Para sa 'yo talaga 'yun"
Ganun din ang ginawa ni Christian "Palibhasa, naiinggit ka lang"
Tumawa muna si Carter bago magsalita "Baka ikaw ang mainggit...kung malaman mong may nai-take out akong lalaki kagabi"
"Hoy! For your information, may lalaki rin ako kagabi"
Tinawanan nalang namin kung pano mag-asaran ang dalawa.
"Tama na 'yan, baka saan pa mapunta ang usapan na 'to. Mas mabuti pang kumain nalang tayo" Si Timothy habang may hawak-hawak ng plato.
Nagsimula na kaming kumain nang maka-upo si Christian. Sinundan ko naman ng tingin si Eunice na papunta rito sa cottage namin, dala-dala pa niya ang plato. Kung saan ang chismis nandon talaga siya.
"Hoy bakla! Sino na-target mo kagabi? Pogi ba?" Salubong ng babae habang puno pa ng pagkain ang bibig.
"Gaga! Syempre joke lang 'yun, para hindi ako mapahiya sa harap niya 'no" Hininaan ni Christian ang boses niya at baka marinig ng kabila.
"E mahina ka pala, may nabingwit daw kagabi si bakla" Saad naman ni Eunice.
"Nge! Maniwala ka sa gagang 'yun. Sino ang papatol sa mukhang palaka?"
Tumawa sila ng malakas kaya natawa nalang din kami. Nagkatitigan naman ulit sina Christian at Carter na parehong nakataas na naman ang kilay.
Naging masaya at memorable ang sumunod na oras. Maraming games and activities ang baon ni Christian. He really made sure that everyone could participate and that no one would be left behind.
BINABASA MO ANG
Till the End (Love Duology #1)
RomansaLOVE DUOLOGY #1 Started: 05/25/2024 Ended: Pano kung binabalik-balikan ka ng masakit mong nakaraan? Will you move forward? Isa nga bang tadhana na pinag-tagpo sina Bhea at Stefano na parehong nawalan ng mahalagang tao sa kanilang buhay? Si Bhea ay...