PROLOGUE

268 15 0
                                    

"Kung malungkot kayo, tumingala lang kayo sa mga bituin at mapapangiti nalang kayo ng walang dahilan" Sabi sa amin ni mama habang nakahiga kami ngayon sa mga damuhan.

Nag camp kami ngayon sa isang lugar na hindi ko alam kung anong tawag dito pero masasabi ko talagang maganda rito, malawak, payapa, at maraming mga puno sa dulo.

Dinala kami ni ate rito nina mama at papa para sulitin namin ang oras habang nandito pa sila sa Pilipinas. Aalis na kasi sila bukas papuntang New York for their company. Nakakalungkot lang isipin na, ilang taon na naman bago sila makauwi rito sa Pilipinas.

"Oh! ba't ka nakatitig sa'kin?" tanong ni mama kay papa kasi nakatitig ito kay mama habang may matamis na ngiti sa labi.

"Hindi ko na kaylangang tumingala sa mga bituin para mapangiti ng walang dahilan, kasi nandito na sa harapan ko ang aking bituin" sagot ni papa na siyang nagpangiti sa amin lalo na si mama.

"Bolero ka talaga" anya ni mama habang natatawa.

"Para kayong mga high school kung magharutan" Inis kong sambit na medjo natatawa.

Ibinalik ko ang aking tingin sa mga bituin at totoo nga ang sabi ni mama, mapapangiti ka nga sa walang dahilan.

"Sana ganto nalang tayo palagi" sambit ko habang nakatingala sa mga bituin.

"Bakit kasi kaylangan niyo pang umalis? Pwe-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil paglingon ko sa aking tabi ay wala na sila mama at papa, ganun din si ate Stacey. Bumangon ako at umupo.

'Sa'n sila nagpunta?' Tanong ko sa aking isipan.

"Ma? Pa? Ate?" Nagtatakang tumayo ako sa kina-uupoan ko. Kinakabahan na talaga ako.

"Ma, nasaan ba kayo?" Sigaw ko.

"Ahhh!"

Malakas na tili mula sa mga kakahoyan, hindi ko alam kung kaninong tili iyon. Kung kay mama ba o kay ate pero kung kanino man 'yun kinakabahan na talaga ako. Rinig na rinig ko na ang tibog ng aking puso, sabayan pa ng malamig ng simoy ng hangin.

Hindi na ako nagdalawang isip pa, kumaripas na agad ako ng takbo papunta sa mga kakahoyan. Madilim ang paligid, halos wala na akong makita.

"Ma! Pa! Ate! Nasan kayo? Please, tama na!" Naiiyak na talaga ako sa kaba. Hindi ko talaga alam kung niloloko lang nila ako or what? "Di na ako natutuwa!"

Naghahabol na ako ng hininga at malakas na ang tibok ng puso ko ngunit hindi ako tumigil.

Tumakbo ulit ako upang hanapin ulit sila. Tumigil ako saglit dahil hinga na hingal na ako, nakakapagod na tumakbo, pero hindi ko pa rin sila mahanap. Nagulat ako nang may biglang humigit sa kamay ko, si ate.

"Bhea" Umiiyak ito at mukhang kinakabahan.

Niyakap ko ito ka agad "Sa'n ba kayo galing? Nasaan sila mama't papa" Naiiyak na rin ako dahil sa kanya.

"S-sina mama at p-papa" Nanginginig ito at hindi na halos makapag salita.

"Ate anong nangyari sa kanila? Ate naman, magsalita ka naman oh!" Naiiyak na tanong ko sa kanya ngunit hindi ito makapagsalita at basta niya nalang ako hinila at naglakad kami.

Huminta siya sa paglalakad at tumambad sa aming harapan ang walang nang buhay na katawan nina mama at papa, duguan sila at maraming sugat sa kanilang mga katawan.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nagsimulang bumuhos ang luha sa aking mata. Naging mabigat bigla ang katawan ko at biglang sumuko ang tuhod ko sa kinatatayuan. Para akong binagsakan ng langit at lupa.

"Ma! Pa!" Nilapitan ko na sila habang umiiyak. Inaalog-alog ko ang kanilang katawan ngunit hindi sila nagigising. Sinusubukan akong hilain ni ate ngunit ayokong magpapigil. "Ma! Pa!" Ang tanging lumalabas sa bibig ko.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, nandito na kami ngayon sa ospital ng ate ko, hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak. Hinihintay pa namin kung magigising pa ba sina mama at papa.

Hindi ako mapakali, kaya tumayo ako at naglakad-lakad nang pabalik-balik habang nanginginig ang aking buong katawan. Napahinto ako sa isang kwarto, may isang lalaking nakahiga roon, nagkatitigan kami at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

Nagsalita ito ngunit hindi ko narinig pero basa ko ang kanyang sinabi mula sa mga labi niya, 'thank you' hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero nginitian ko nalang siya pabalik.

Inagaw naman ng aking pansin nang lumabas ang isang doctor mula sa kinaroroonan ng mama at papa ko. Kaya agad kong tinanong ang kalagayan nila. Pinagpapawisan ito malungkot ang mukha nito.

"Doc, kumusta po sina mama't papa?" Naluluhang tanong ko.

"Sorry ma'am, ginawa na po namin ang makakaya namin, wala na ang mga magulang niyo"

His word broke my heart. Bumuhos na naman ang mga luha sa mata ko. Tumakbo ka agad ako papasok at niyakap ko silang dalawa.

"Ma! Pa! Please, gumising naman kayo! Pupunta pa diba kayo sa New York. Please! Ma, Pa!" Hinalikan ko ang noo nila, hindi ko talaga matatanggap ang araw na'to.

Seeing them like this is slowly breaking my world. Sila ang mundo ko. Pero ngayon, durog na durog na ang mundo ko. I have the ugliest cry now.

"Doc! Please, kaya pa yan, i-try niyo lang ulit. Sige na naman oh! Nagmamakaawa ako sa inyo. Please!" Nilapitan ko ang isang doctor na nasa gilid.

"Bhea! Tama na, wala na sila" Pagpigil sa akin ni ate habang umiiyak din.

"Ate! Hindi sila pwede mawala" Tumingin ulit ako sa mga doctor. "Doc! Kahit isang try nalang, alam kong nandito pa sila. I know there's still a chance!"

"Sorry po ma'am" Sagot nito sa akin at lumabas na silang lahat.

Naiwan kami ng ate ko ritong nagluluksa. Niyakap ako ng ate ko at napapikit ako sandali. Pagdilat ko ng aking mga mata ay nasa kwarto na ako at naghahabol ng hininga. Naramdaman kong may namuong luha sa mga mata ko. Nanaginip na naman ako tungkol kay mama at papa.

My mom and dad passed away three weeks ago. Nag-crash ang sinakyan nilang eroplano papuntang New York.
Si ate Stacey ang sumalo at nagpatuloy sa company nila mama at papa, siya ang pumunta sa New York after mailibing sila. And still now, hindi ko pa rin tanggap ang nangyari.

Kinuha ko ang picture frame na naka patong sa bedside table ko at bumabong ako upang umupo sa aking kama.

Tinignan ko ang family picture namin. Hindi ko na naman napigilang lumuha.

"Miss ko na kayo ma, pa"

Agad kong pinunasan ang namuong luha sa mata ko nang may biglang kumatok sa pintuan.

"Bhea, bangon na kakain na" Sigaw ni manang Flor mula sa labas.

"Susunod nalang po ako" sagot ko at umalis na si manang.

Binalik ko na ang picture frame. Napunta ang aking tingin sa aking kaliwang side ng kama, nagulat ako dahil merong microphone at katabi nito ang camera ko, nakapagtataka anong ginagawa ng mic na 'to rito? Kaninong mic 'to? Ba't wala akong maalala kagabi?

Kinuha ko nalang ito at ipinatong sa bedside table ko. Kinuha ko naman ang camera ko at tinignan ang mga litrato rito. Tumambad sa aking mga mata ang isang litratong inaakbayan ko ang isang lalaki, naka ngiti pa kami pareho sa picture.

Mas lalo akong nagtaka nang makitang pula at namamaga ang mata ng lalaki at may kaunting luha pa ito.

Shocks! Anong ginawa ko kagabi? Ba't may picture kami ng lalaking 'to? At hawak-hawak ko pa sa isa kong kamay ang microphone na nakita ko ngayon lang.

Bhea, ano na naman ba ginawa mo? Ba't wala akong maalala sa mga nangyari kagabi. Ano bang ginawa ko?

Pero, parang familiar siya sa'kin, hindi ko lang maalala. What happened last night?

Till the End (Love Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon