1

6 1 0
                                    

1-Satina&Ashtin

Satina!" Agad akong umilag sa sipa na muntik dumapo sa ulo ko. Agad akong umikot at binalik ang sipang muntik na tumama sa akin. This goddamn bastard.

I breathe heavily. Lagpas sa bente ang mga lalaki kaya halos ikahingal ko ang pinaggagagawa ko. Bakit ba naman kasi takaw sa gulo itong mokong na ito.

Linapitan ko ang lalaki at tinanggal ang pagkakatali sa kamay niya. Masama ko siyang tinignan na naging dahilan ng pag yuko at pag nguso niya. Mukhang tuta.

"Aalis ba tayo rito? Oh, gusto mong sumali sa mga lalaking ito?" Aniya ko. Mabilis itong tumayo at nagpagpag. Alanganin niya akong nginitian bago guluhin ang magulo ko ng buhok.

"Wag ka na Magalit, tin-tin. Ang galing mo nga eh, super- aray ko, gago!" Hawak niya ang sikmurang sinikmuraan ko.

Nginitian ko ito ng peke habang tinatapik-tapik ang pisngi niya. "Super cool ba, Ashtin? Gusto mo ba talagang kasama sila, ha?!" Paninigaw ko rito. Nagulat nalang ako nang hinatak ako nito at mabilis tumakbo kahit rinig ko pa ang pag inda niya sa suntok ko.

"Ang ingay mo, Satina! Bumabangon na sila, takbo!"

Dahil sa sinabi niyang iyon ay binilisan ko na rin ang takbo. Hindi ko na kakayaning makipaglaban pa ano! Ang titigas pa naman ng katawan ng mga hayop na iyon.

Ngunit ganon nalang ang pagtigil namin ng makitang may paparating sa kinaroroonan namin. Liningon ko naman ang likod at napakagat nalang ng labi nang makitang malapit na ang mga ito.

"Satina, anong gagawin natin?" Kabadong sabi nito habang nanatiling hawak ang kamay ko. Bumuntong-hininga naman ako bago tanggalin iyon.

"Pasensiya na, Ashtin. Tingin ko ay kaya mo na sila."

Bago pa makapagsalita ito ay agad akong tumakbo sa kanan ko. Mabilis naman ako nitong sinundan ganon din ang humahabol sa amin.

"SATINA! ANAK NG PUTA, WAG MO AKONG IWAN!"

My lips form a smile before jumping. Inakyat ko ang pader bago ilahad ang kamay ko kay Ashtin. Kinuha naman niya agad iyon bago kami tumakbo ulit paalis.

"Tangina... Akala ko... Iiwan... Mo ako..." Hinihingal niyang sabi. Hawak nito ang tuhod habang nakasandal naman akong tinitignan siya.

"Edi ako pa ang napagalitan ni Lola kung iniwan kita."

Ngumiti naman ito bago lumingkis nanaman sa braso ko. Anak ng tupa, hindi pa marunong ng social distancing itong taong ito? Dikit nang dikit, parang linta.

"Mabait ka talaga, Satina. Kaya mahal na mahal kita, eh." Inalis ko ang kamay niya bago nandidiri siyang tinignan. Anong mahal na mahal, suntukin ko kaya ito ulit.

Tinaas niya ang kamay bago tatawa-tawang umatras. "Hindi na, hindi na! Ito naman, parang dragon." Akmang sasapakin ko ito ng mabilis siyang tumakbo habang tumatawa. Sana madapa siya.

At wala pang limang minuto ay natupad na ang hiling ko. Ngising-ngisi kong dinaanan ito habang nanatiling nakahiga at hawak ang balakang niya.

Lampa talaga itong lalaking ito.

"Tanga ka, Ashtin. Tanga na, lampa pa." Inirapan niya lang ako bago pumikit. Halatang pagod na siya sa kagaguhang ginawa niya. Lakas mapagod, takbo lang naman ang ginawa niya.

Inayos ko ang damit habang seryosong nakatingin sakaniya. Mag gagabi na, baka nag aalala na si Lola.

"Tumayo ka na diyan bago kita hatakin patayo." Katulad ng sabi ko, tumayo agad ito habang seryosong pinapagpag ang sarili. Linabas din nito ang salamin niya bago lumingon sa akin.

Class 815165Where stories live. Discover now