6- Devine
"Hi, Satina!" Pambungad sa akin ni Kiel. Malaki ang ngiti nito. Feeling close amp.
Inirapan ko lang ito bago pumasok sa klase. Nakauwi kami kahapon ng hindi man lang pumapasok sa klase ang mga lalaking 'yon. Nag cutting pala, mukha tuloy akong tangang mag-isa.
Katulad kahapon, naka kumpol ulit sila sa likod na parang may pinagkakaabalahan.
Gusto ko maki-chismis kaso wag nalang pala.
"Hayaan mo sila " bulong sa gilid ko. "Mga tanga kasi mga 'yan, pag pasensyahan mo na."
Si Kiel parang demonyo, bumubulong.
"Oh..." Nakaturo sa akin ang lalaki. Napa-angat naman ang tingin ng iba.
Mga tingin nila parang hindi nila ako nakilala kahapon. Nagmamasid ito at parang may iniisip habang nakatingin sa akin.
"Hi, Sam." Bungad na bati sa akin ng isa. Nakataas ang kamay nito habang may ngisi sa labi.
Tumaas ang kilay ko. Sam?
Mukhang napansin nito ang tingin ko kaya nataranta siya.
"Diba kasi full name mo Satina Alona Maloi? Kapag pinagsama magiging Sam, diba?" Tumango nalang ako kahit pa hindi ako naniniwalang iyon talaga ang dahilan niya.
How do they know my full name, though?
Liningon ko si Kiel at kita ang seryosong mukha nito habang nakatingin sa bumati sa akin. Tila gusto nitong suntukin iyon kaya mas lalo akong nagtataka sa kilos nila.
Pumasok si Cloud ng ganon ang atmosphere. Napahinto din ito at kunot-noong tinitignan lahat bago tumama ang paningin sa akin.
Pfft, naaalala ko pa rin ang ginawa niya kahapon.
"Wag mong tignan 'yan, hindi pa nakaka move-on sa ex 'yan." Paki ko naman sa opinyon mo Kiel.
Inakbayan ako nito bago galawin ang upuan ko upang ipaharap sa mga nagkukumpulan sa likod.
"Si Daryl, inyong may headphone na parang zombie sa eyebags." Turo niya. "Ang katabi niya naman si Kaeden, buraot yan, wag kang lalapit diyan."
"Si loverboy doon, si Rafael. Daming chicks, daig pa inahing manok." Tumawa ito sa sarili niyang joke. Buang. "Yung nangungulit naman sakaniya ay si Miko, buong pangalan niya ay Mikososmo." Humahagikgik ito habang sinasabi iyon.
"Yung may salamin ay si Dino, matalino at tahimik. Ang tatlong nakapalibot naman sakaniya ay si Veno, Xyriel, at Gino. Yung mga nagbabatukan naman Doon ay sina, Maui, Ralph, Sean, Allen."
Tumawa siya bago ituro ang huli. "At pang huli, yung sinuntok mo, Reagan."
Hinarap niya ang upuan ko sakaniya bago ngumiti. "Kilala mo naman na siguro kami ni Cloud kaya hindi na kailangan pang ipakilala kung sino kami, hindi ba?" Mas lumapad pa ang ngiti niya.
Unti-unting nalusaw iyon sa sagot ko.
"Sino ka?"
Aray gago! Hawak ko ang balikat ko sa lakas ng hampas niya. Siraulo ba itong lalaking ito.
"WE KNOW EACH OTHER YESTERDAY! I ALREADY INTRODUCE MYSELF!" sigaw sa akin.
"ANO NGAYON KUNG NAKALIMUTAN KO, HA?"
Suminghap ito bago humawak sa dibdib niya. "Wag mong sabihing nakalimutan mo talaga ang pangalan ng gwapong ako?"
"Oo,"
Mas lalo pa siyang napasinghap bago umaktong nasasaktan. Humarap siya kay Cloud na katabi niya pala na ngayon ay tinatanggal lang ang kamay ni Kiel.
"Pansinin mo ako, Cloud. Hindi niya daw maalala ang pangalan ko!"
YOU ARE READING
Class 815165
Teen FictionSatina grew up in the arms of her grandmother. She became troublemaker growing up, with her partner in crime bff/ step-sibling, Ashtin. With the danger coming to her, she will meet people who will protect her. People who will calm and make her safe...