9

4 1 0
                                    

9- Food Park

Lahat kami ay nandito sa parking lot. Inaantay namin ang apat na kambal kasi ipapaalam nila ako, ayaw daw kasi nilang masapak.

Nakita namin ang apat na naglalakad. Seryosong nag-uusap ang mga ito ng dumapo ang tingin sa amin.

Mabilis tumakbo si Ashtin papalapit habang ang tatlo ay binilisan ang lakad.

"Bakit kasama mo 'yang mga mokong na 'yan?" Naiinis nitong tanong bago ako hatakin papalapit sakaniya. Tinanggal ko ito bago taasan ng kilay ang mga lalaking nasa harap namin.

Ganon nalang ang pagbuntong-hininga ko ng magsikuhan na sila.

"Sabihin niyo na kasi!" Bulong ni Maui kay Kiel. Mabilis namang siniko din ni Kiel si Dino.

"Ikaw nalang, par. Tangina nakakatakot sila, gago."

Umayos ng tayo si Dino.

"Cloud has something to say." Nalipat ang tingin naming lahat kay Ulap. Nakakunot ang noo niyang tinignan si Dino na nakangisi sakaniya, ganon din ang iba.

"Gusto daw nilang makasama 'yang babaeng 'yan. Diyan lang kami sa food park." Sungit.

At bakit ba babae ang tawag sa akin nito. May pangalan naman ako, ah!

Liningon ako ni Ashtin. Nagtatanong ang mga mata nito kaya diko siya mapigilang tanungin din gamit ang mata.

"Do you want to go?" Tanong niya. I slowly noded.

Hinatak niya ulit ako at inakbayan. Akala ko ay hindi siya papayag ngunit sinabihan lang niya ang mga gungong na ingatan ako.

"Take care of her. We have something to do, so, we will be home late." Tumingin sa akin si Ashtin. "Lock the door kapag wala pa kami sa bahay pagkauwi mo."

Tinanguan ko lang ito bago sila pumasok apat sa van. I waved my hands, nakalabas naman ang ulo ni Ashtin sa bintana at kumakaway din.

Ng hindi na namin sila makita, nagsimula na rin kaming mag-lakad palabas ng gate.

"Alam mo ba Sam, ingat na ingat sayo si Ashtin. Bakit kaya ganon 'yon?" Tanong ni... Sino nga ba to?

Taka ko siyang tinignan. Halos kabisaduhin ko na nga ang mukha niya habang naglalakad pero hindi ko pa rin siya maalala.

"Sino ka?"

Rinig ko ang malakas na tawanan ng lahat dahil sa sinabi ko. Inakbayan pa siya ni Rafael habang tinatawanan sa tenga. Umakto naman itong hindi makapaniwala at parang nasasaktan sa sinabi ko.

"Ako ito! Si Miko! Ang pinaka gwapo sa amin!" Madrama niyang sabi. I don't believe that he is the most handsome though.

"Ahh, si Mikososmo." Tumatangong ani ko. Naalala ko na.

Rinig ko ang panibagong tawanan ng mga nasa likod sa sinabi ko nanaman. Hindi ko nalang iyon pinansin at binilisan ang hakbang para maka-abot kay Ulap. Nasa tabing kalsada kami, ako ang nasa labas at siya ang nasa loob dahil hinabol ko lang naman ang mahaba niyang hiyas. Napatingin ito sa akin pero hindi ako pinansin kaya napairap ako. Napaka pangit ng ugali hindi bagay sa mukha.

Maya-maya ay pumalit siya sa pwesto ko. Ngayon ako na ang nasa loob habang siya naman ang nasa labas. Tinignan ko siya ng nagtataka pero ni hindi man lang dumapo ang mata nito sa akin.

I immediately smile ng makita ko ang food park. Katulad ng pangalan niya, park siya na maraming nagtitinda ng food.

Agad akong nagutom ng maamoy ang shawarma. Ang bango!

Class 815165Where stories live. Discover now