7

3 1 0
                                    

7- Are you going to leave too?

Nakatitig ang mata ko sa kumpulan kung saan nakikita si Maui. Anak ng, naka-idlip lang ako puno na agad siya ng sugat?

At ito namang mga lalaking ito, imbis na gamutin si Maui ay tila pinapalala pa! Sundutin daw ba yung mga pasa!

"Tanga mo, Maui, dapat binasag mo mukha!" Sabi ng isa. Hindi ko makita mukha, nakatalikod sila.

"Gago ka ba? Kung Ikaw kaya pagtulungan ng 7 na taong 'yon? Maiisip mo pa ba lumaban!"

"Eh, bakit kasi nandoon ka!"

At ayon, nag away-away na nga sila.

Umiling ako bago tumayo. Kinuha ko kay Dino ang first aid bago itulak kung sino man ang nakaharang sa daan bago ko iluhod ang isang tuhod sa harap ni Maui.

"Aray ko..."

Mukha akong mag p-propose.

Napatahimik sila doon. Kita ko ang gulat at takot sa mukha ni Maui habang nakatingin sa akin. Kabado ang mukha niya kaya hindi ko mapigilang mag taas ng kilay.

Mukha ba akong multo?

Inayos ko ang first aid kit bago ko gamutin ang sugat niya sa mukha. Sunod ay ang mga sugat niya sa braso at tuhod. Tangina non ah, bakit basag mukha nitong hayop na ito? Ako lang dapat bumabasag sa mood at mukha nila.

Pinagpag ko ang kamay pagkatapos. Tahimik pa rin sila samantalang si Maui ay naka-iwas tingin sa akin. Namumuo ang tubig sa gilid ng mata nito, paiyak na siya.

"Aren't you going to say thank you, at least?" Humarap ito sa akin. Kagat labi itong nag thank you. Pabulong pa kaya halos hindi marinig.

Tumayo na ako at tumalikod. Ganon nalang ang gulat ko nang haltakin ako ni Reagan at sinandal sa pader habang sakal-sakal.

"Anong gusto mo, ha?! Kunin mo ang gusto mo at lumayas ka rito!" Galit na galit ang mata nito habang nanatili ang titig ko sakaniya.

"Reagan! Bitawan mo siya!"

"Reagan!"

Nagkakagulo sila. Hinahatak nila palayo si Reagan ngunit nanatiling matigas ito. Si Cloud ay napatayo na rin habang nakatitig sa akin. Si Kiel, hawak ang braso ni Reagan, tila balak nitong balian ng buto kapag hindi pa niya ako binitawan.

Bumalik ang titig ko kay Reagan bago tumawa, kaso naging dahilan iyon ng pag-ubo ko dahil sa higpit ng pagkakasakal niya.

"T-tangina mo," sambit ko. "Ka-kayo ang m-may k... Kailangan s-sa akin, g-gago."

Habol ko ang hininga. Natanggal na nila si Reagan. Gago tong Ulap na ito, tinanggal lang kung kelan malapit na ako mamatay.

"Reagan, let's talk." Seryosong usal ni Ulap.

"Bakit pa?! Bakit hindi mo sabihin sa amin kung bakit pinaalis mo yung mga gagong yon dahil sakaniya?! Bakit hindi mo siya magawang paalisin kahit alam mong kaya mo, ha! Bakit putanginang sinisira mo nanaman tayo! Dahil ba kay sa-"

"REAGAN!" Nanlaki ang mata ko. Dumagundong sa buong classroom ang sigaw ni Cloud. Lumalaban ang litid ng ugat nito sa leeg habang nanlilisik ang matang nakatingin kay Reagan.

Namumula ang mata ni Reagan habang nakatingin kay Cloud. Bakas din sa mata nito ang matinding galit at pagkadismaya. Tila hindi ito makapaniwalang nagawa siyang sigawan ni Cloud.

Inalis niya ang pagkakahawak sakaniya ng mga kaklase namin. Dinuro niya ito na tila balak manakit.

"Tangina mo. Siguraduhin mo lang na walang masasaktan sa desisyon mo dahil sisiguraduhin kong aalisin ko ang saya sa mukha mo pag nagkataon, Cloud." Nanunumpang aniya bago tumalikod at padabog na lumabas.

Class 815165Where stories live. Discover now