5

4 1 0
                                    

5- Kiel

Sumisipol ako habang papalayo sa garden. Naka pasok pa rin sa isip ko ang mga nalaman ko.

Mga hayop talaga ang mga mag-iiwan, dapat sakanila iniiwan din para madala.

"Bakit tila galit na galit ang section 8-15-16-5 sa babae?" Unang tanong ko sakaniya. Napatitig naman ito bago bumulanghit ng tawa. Gago ba ito?

"Sa lahat ng pwede mong itanong, ayan ang hindi ko akalain.." umiling-iling ito bago ako tignan na mapangisi. "Do you know why it's 8-15-16-5?"

Tumaas naman ang kilay ko. Kung alam ko edi sinagot na kita.

"Sila ang pumili ng pangalan na iyon. 8 for H, 15 for O, 16 for P, 5 for E." Nakatitig siya sa akin. "Hope. They are hoping someone to comeback to them. That person, ghosted them and never been seen since 3 years."

"If you count the alphabet and stop every letter, malalaman mo ang mga numbers na iyon. Pero, bakit ayan kaya ayan ang una mong tanong?"

Hindi ko siya sinagot at binilang nga. Ganon nalang ang pag ngisi ko ng tama ito. Tangina, ang corny.

"Sinasabi mo ba na kaya sila galit dahil iniwan sila ng babaeng iyon? Na nawala iyon nang parang bula, dahilan upang magalit sila?"

Mas lalo naman itong sumeryoso, "Hindi lang siya babae lang sa buhay nila, lalo na kay Cloud. Samantha is like an angel. Pumasok siya sa buhay nila at naging masaya ang mga lalaking iyon sakaniya." Yumuko ito at kita ko ang pagkuyom ng kamay niya. Galit. Isang malaking galit ang nakikita ko. " Pero, dahil sakaniya, nagkasira sila. Dahil sa pagkawala niya, nagbago lahat. Dahil sa pang-iiwan niya, naiwan din sila sa nakaraan."

Tumayo na ito, aalis na siya nang huminto siya sa gilid ko. Hinarap niya ako habang pinagmamasdan bago ngumiti ng mapait.

"You... You should be careful. Their pain can cause you more. Don't... Let them break you just because they are broken too." Aniya bago lumabas.

What? Ano daw?

People who hurt people. Ano kaya ang nararamdaman nila ngayon? Paniguradong ang pait ng buhay nila.

"You are here, huh." Napahinto ako habang nakatingin sa taong nasa harap ko. Ito yung nasampal at nasuntok ko kanina. Harang-harang kasi.

Bumuntong hininga ito kaya napangiwi ako. Alam ko namang may problema sila pero tama lang bang gawin iyon sa tapat ng mukha ko?

"Anong problema mo? Babawi ka ba? Go na. Tatang-"

"Pasensiya na."

Hindi iyon ang ine-expect ko. Mukhang nakita niya ang gulat sa mukha ko kaya ngumiti ito. Malumanay ang mata niya, ganon din ang tipid na ngiti niya.

"Kanina, pasensiya na. Takot lang sila at galit dahil sa nangyari noon." Pumikit siya saglit bago idilat ang mata. "Paniguradong mauulit pa iyon ng ilang beses kaya sana pagpasensiyahan mo nalang, Lalo na si Reagan. Mainitin talaga ulo-"

"You..." Pinanliitan ko siya ng mata. "May gusto ka ba kay Reagan na iyon?"

"Huy, gago hindi! Wala, tangina naman!" Gulat na gulat niyang bawi. Tumawa ako dahil mukha siyang defensive.

Kita kong napatulala ito sa akin. Kagat nito ang labing nag-iwas tingin kaya taka ko siyang tinignan bago napangisi.

"Ang ganda ko ba?" Mapang-asar kong sabi. Umirap lang siya habang naka-iwas pa rin ang mata. Namumula naman yung tenga.

"Tigilan mo pagiging seryoso, nakakatanggal daw ng kapogian pag masiyadong seryoso ang tao." Hindi ko alam kung sineryoso niya ang sinabi ko dahil bigla itong ngumiti. Malapad na ngiti.

Class 815165Where stories live. Discover now