2-Pamilya mo kami
Someone woke me up by tapping their hand in my cheeks. Dinilat ko ang mata ko at nakita ang isa sa magkakapatid, Shino.
"Bakit, kuya Shino?" Wala akong halos boses dahil kagigising ko lang. Seryoso lang naman itong nakatingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"It's already morning. We are still not yet in Manila. Mom asking what breakfast do you want?" Doon ko lang napansin na nakahinto pala kami. Nasa paanan ko si Ashtin at tulog na tulog, habang ang dalawa niyang kapatid ay wala sa loob maging sila papa at tita.
"Pancake and mushroom soup, please. The pancake, make it two for Ashtin." Tumango naman ito at linagay na ulit ang headset niya at lumabas.
Pumikit ulit ako bago nag-unat. Nasisilaw ako sa liwanag dahil hindi sinara ni Shino ang pinto. Napakamot ako sa ulo bago napangiwi sa posisyon ni Ashtin.
Nakahiga ako habang nandoon siya sa paanan ko at nakaupo. Ang paa ko ay nakapatong sa binti niya habang nakatalukbong ng kumot. Malamang ay kay Shinoah ang kumot dahil nakita ko ito kagabi sa binti niya habang naglalaro.
Shino Leonzo Beuneventura. Siya ang pangatlo sa panganay. Mukhang masungit ngunit bookworm lang talaga iyon base sa napapansin ko sakaniya.
Shinoah Laren Beuneventura. Siya ang pangalawa sa magkakapatid. Mahilig mag laro ng kung ano-ano. Hindi mahilig mamansin, lahat naman sila.
And the oldest, Akiro Lesley Cavioro Beuneventura. The cold hearted one. Sa lahat ay siya ang hindi talaga ako kakausapin, pero siya rin naman ang pinaka sweet kay tita at maalaga.
Maya-maya ay nakita ko na sila Tita Isabel kasama si papa at ang tatlo. Pumasok na sila sa Van habang inabot naman sa akin ni Shino ang paper bag na naglalaman ng pagkain. Umayos ako nang upo bago gisingin si Ashtin.
Inunat nito ang leeg niya maging ang binti bago kuhain sa akin ang pagkain niya. Akala ko nga ay pancake at mushroom soup lang ang laman ng paper bag ngunit ng buksan ko ay nakakita pa ako ng fries at ice tea.
Liningon ko si Shino at nakita ko rin itong nakatingin. Tumaas ang kilay niya, nagtatanong. Umiling naman ako at ngumiti, I mouthed thank you and he just shrugged.
Mabait naman pala, minsan.
"Kumain na kayo bago ulit mag umandar. Satina, are you okay there?" Linabas ko ang ulo ko sa pagitan ng seats nila Shino at Shinoah bago ngumiti kay tita at tumango.
"Opo, ayos lang po ako dito!"
We continue to eat our food. After that, lumabas si Akiro upang itapon ang pinagkainan namin at bumili pa ng kape.
"Ang duga mo, bakit may fries ka kanina ako wala?" Bulong sa akin ni Ashtin kaya binatukan ko siya. Kasalanan ko pa ganon?
"Hindi ko iyon inorder! Si Shino nag order non!"
"Weh? Ayaw mo lang sigur-joke lang ito naman!" Natatawa niyang sabi habang iniilagan ang pangingiliti ko. "Satinaaaa! Tigil! tin-tin! Baka masipa kitaaaa! Mamaaaaaa!" Parehas kaming hingal na huminto bago umayos ng upo.
Napaka kulit kasi.
Kita ko ang ngiti ni tita maging ni papa sa harap.
"Dalawa na ang sakit sa ulo namin." Kahit ganoon ay kita ko ang aliwalas sa mukha ni papa nung sinabi niya iyon.
Yumuko at ngumiti ng malungkot. Alam kong masaya siya sa bagong pamilya niya ngayon at masaya din ako doon ngunit, ganoon din kaya kasaya kung hindi namatay si mama? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan masaktan sa biglaan niyang pagkawala.
YOU ARE READING
Class 815165
Teen FictionSatina grew up in the arms of her grandmother. She became troublemaker growing up, with her partner in crime bff/ step-sibling, Ashtin. With the danger coming to her, she will meet people who will protect her. People who will calm and make her safe...