11- Domino
Halos tatlong linggo na rin akong nandito kasama ang mga gungong. At sa tatlong linggong iyon, natuto na nila akong kausapin.
"KAEDEN!" Naiinis kong sigaw. Linabas lang nito ang dila bago gilaan ang isang stick-o na hawak ko lang kanina.
"Gusto mo pa rin ba, Sam? Oh," nang-aasar nitong inabot ang stick-o. Kinuha ko naman sa kamay niya yon bago ilagay sa bunganga niya.
buraot!
Pagkapasok ko ay hindi na ako nagulat sa gulo. Umupo nalang ako sa gitnang unahan at binaba ang tatlong chichirya doon.
Nagulat nalang ako ng pansinin na nila ako. Walang pagkailang, lahat masaya at maayos.
"Maui, Ralph, Sean, Allen!" Pinanlakihan ko sila ng mata. Alam ko na ang modus nilang pagtabi-tabi sa akin. Sabay-sabay nilang itinaas ang kamay habang nakanguso.
Hindi ko sila pinansin at hinawakan ang tatlong chichirya bago lumingon sa tumawag sa pangalan ko.
"Tina."
Dalawa lang naman tumatawag sa akin non. Kung hindi si Kiel, ay si angry Reagan.
Inakbayan ako nito bago tignan ang apat at ngumisi.
"Kukuripot niyo! Bumili kayo ng inyo sa cafeteria!" Saad nito habang pinapaalis sila. Sinamaan lang nila ng tingin si Kiel habang nag puppy eyes naman sa akin habang papaalis.
"Tina, hati tayo, ah." At isa pa pala siya!
"Anong hati! Kami maghahati!" Biglang sulpot ni Veno. Kinuha nito ang inuupuan ni Maui kanina at inilagay iyon sa harap ko bago siya umupo pabaliktad.
Tinanguan niya pa ako bago haltakin sa akin ang Mang Juan. Anak ng.
Binuksan niya yon at kumuha bago mag angat tingin sa akin.
"Gusto mo, Mal?" Tanong niya na para bang hindi ko pagkain iyon.
He likes to call me Mal. Tunog daw kasi siyang mahal na callsign nila ng ex niyang namatay. Pinaiksi din iyon for Maloi.
Bumuntong hininga nalang ako sa pinaggagagawa nila sa akin. Kelan ba ako makakakain ng maayos sa mga ito.
"I told you, you should just not eat here." Sabat ni Dino. He pushed his glasses using his finger before smiling lightly to me. "Good morning, Mal."
Dino and Veno is brothers. Kambal pa nga raw kaso hindi ko makita ang pagkakamukha nilang dalawa.
Umupo ito sa tabi ni Veno bago hinablot ang pagkaing hawak nito at kumuha. Inis namang hinablot din ni Veno pabalik iyon.
Magkapatid nga sila.
"Hi, Mal!" Masiglang bati sa akin ni Xyriel habang nginitian lang ako ng tipid ng katabi niyang si Gino. Umupo rin ang mga ito sa tabi ni Dino bago nila paghahatakin yung balot ng Mang Juan. Malaki naman kasi iyon kaya hindi madaling maubos.
"Tatayo ka nalang ba diyan, Tina? Ako napapagod sayo, eh." Hinatak ako paupo ni Kiel na katabi ko. Kinuha ko ang Clover na malaki rin bago buksan iyon. Hindi pa ako nakakakuha ng may akmang kukuha nanamang kamay.
"Kapag umabot yang kamay na 'yan sa pagkain ko, sisiguraduhin kong babaliin ko 'yan." Nagbabanta kong sabi. Kiel immediately withdraw his hands and pout.
"Ang duga ninyo! Hindi man lang kayo nag-aaya!" Panibagong sigaw sa papasok na si Rafael na bagsak ang balikat at Miko. Nag hatak din ng upuan ang dalawa bago umupo.
Nakapabilog na kaming lahat ngunit may tinira pa rin silang space para sa mga nasa labas pa.
Pagkapasok nila Maui, Ralph, Allen, at Sean ay ganon din ang ginawa ng mga ito. May dala na silang pagkain nila, kala mo mga nag grocery dahil tatlong plastic ang dala nila!
YOU ARE READING
Class 815165
Novela JuvenilSatina grew up in the arms of her grandmother. She became troublemaker growing up, with her partner in crime bff/ step-sibling, Ashtin. With the danger coming to her, she will meet people who will protect her. People who will calm and make her safe...