8- Kapatid ko
Nasa loob na ulit kami ng room. Hinatak ako ni Cloud pababa matapos niyang sabihin iyon dahil dadating daw ang teacher namin. At, hindi siya nagkamali. Dumating nga ang lalaki kahapon na kasabay niyang pumasok.
Lahat kami ay nakatingin lang sakaniya habang nagsasalita. Hindi pumapasok sa utak ko ang pinagsasabi niya lalo na at math ito.
Anak ng tupa, sino ba kasing gustong makinig ng math diba?
Umirap nalang ako at isinandal ang ulo ko sa pader. Nakatingin ako sa labas at kita ko ang kumpulan ng estudyante habang masayang nagk-kwentuhan.
Lunch na ng ibang levels kaya siguro marami ng estudyante.
How I wish to have someone to walk with and laugh, like them.
"Inggit ka?" Bulong sa akin nitong katabi ko. Inangat ko lang ang kamao ko na nagpatawa sakaniya.
Aaminin ko na, crush talaga ako nitong si Kiel.
"Anong oras ba lunch natin? Nagugutom na ako." Bulong ko pabalik sakaniya. Gulat ko nalang nang magtaas ito ng kamay.
"SIR!" Malakas niyang tawag. Napahinto ang teacher namin at tinignan siya.
"Ano iyon Mr. Laviente?"
"Nagugutom na daw po Tina namin. Baka pwedeng mag lunch na kami."
I gasped. Madaling umiling ako kay sir nang lumingon ito. Nanlalaki akong mata kong binatukan si Kiel dahilan ng pag-inda niya.
"Hahahahaha," kabadong tawa ko. "Hindi po totoo yon, Sir. Nagbibiro lang po si Kiel!"
"TOTOO YUNG SINASABI NI KIEL! NARINIG KONG BINULONG NI SAM!"
At ayon na nga, ginatungan na nga.
Liningon ko ang nasa likod. Mukha ni Maui ang nandoon kasama si Ralph. Inismidan ko lamang ang mga ito bago busangot na tumingin sa teacher namin sa harap.
"Fine. Since Ms. Chavez is already hungry, might as well end this class. Goodbye." Tumayo kaming lahat at sabay-sabay yumuko. Wala naman itong pake at lumabas agad. Gwapo din si Sir.
Liningon ko ang tatlo at pinagbabatukan sila, lalo na ang dalawa. Close ba kami para ganunin ako?!
"Feeling close ba kayong dalawa?" Inis kong sabi habang dinuduro sila. Si Maui nga pala yung bumati sa akin non ng 'Hi, Sam.'
Umirap naman si Ralph bago bumulong ng MALAKAS!
"Tayo na nga nakikipag-close, ayaw niya pa. Hindi niya ba alam na bawal tanggihan ang kagandahang mukha natin?"
Pinagmasdan ko ito. Hindi maayos ang uniform niya. Bukas ang tatlong butones ngunit may sando naman sa loob kaya ok lang. Ang necktie nito ay nasa ulo niya, nakatali doon. Ang buhok niya pa nakataas.
Mga genggeng pala 'to eh.
"Bantot mo." Nakatitig kong sinabi sakaniya iyon.
Hindi makapaniwalang tumayo ito bago lumapit. Pinagdukdukan niya ang amoy niya sa paglapit ng polo niya.
"ANONG MABAHO?! HOY, MAS MABANGO PA NGA AKO SAYO!"
"TANGA, MABAHO KA! KASING BAHO MO 'YANG HININGA MO!"
patuloy ang bangayan namin dalawa. Halos hindi na namin marinig ang isa't isa dahil patuloy kaming nagsisigawan.
"YUNG TOOTHBRUSH KO ELECTRIC!"
"PAKE KO SA TOOTHBRUSH MONG ELECTRIC KUNG HINDI NAMAN MABANGO HININGA MO!"
Sa huli ay napasinghap nalang siya sa inis bago umupo ulit sa tabi ni Maui at samaan ako ng tingin.
YOU ARE READING
Class 815165
Teen FictionSatina grew up in the arms of her grandmother. She became troublemaker growing up, with her partner in crime bff/ step-sibling, Ashtin. With the danger coming to her, she will meet people who will protect her. People who will calm and make her safe...