Chapter 28

547 8 6
                                    

Chapter 28

*Trigger Warning!!*





Sandra








"Hon! Nagtatampo ka ba sakin?"




Kanina pa ako kinukulit ni tj na kausapin sya pero wala ako sa mood makipag usap sa kahit na sino man. Nakakairita sya sa totoo lang. Kahit sa loob ng kwarto namin ni shiloh ay nakasunod pa rin ito. Wala ba syang work today? 



"Pwede bang lumabas ka sa kwarto ko!"



"Bahay ko toh! Bakit ba kasi! Kanina pa kita kinakausap, kanina pa ako nagtatanong, pero parang hindi mo naman ako naririnig!."



"Sinisigawan mo ko?"




"What? I'm just asking you! What is your problem? I'm not shouting on you!"




"Basta lumabas ka rito! Nakakainis yang pagmumukha mo! Sunduin mo mag isa mamaya si shiloh sa bahay ni path, hindi ako sasama."



"Why? I thought do-"



"Hindi na! Nagbago na isip ko! Pakisabi next time nalang tayo mag overnight doon. Sige na! Umalis kana!"




Thank god hindi na nangulit pa. Halos buong maghapon akong tulog, at sobrang sama talaga ng pakiramdam ko feeling ko lalagnatin ako. Wala rin akong ganang kumain, pero may kung ano ang gumugulo pa rin sa isip ko ngayon. Kahit kanina sa panaginip ko andun pa rin ang pagkain na yun.




Gusto ko ng balut. Andito pa ba si tj? Pero baka nakaalis na yun. Sinubukan kong lumabas ng room para malaman ko kung wala na akong kasama. Pero nagtaka ako nang madatnan ko si tj sa kusina umiinom ng tubig.



Agad itong napalingon sa gawi ko at dali daling lumapit sa akin. Muntik pang matapon ang tubig na nasa baso.




"Ok ka na? Nagugutom ka ba?"




"Ok naman ako ah!"




"No i mean... Kanina kasi parang galit ka sakin. Kaya tinatanong ko kung ok ka na, kung pwede na tayo mag usap?"




"Hindi mo ba susunduin ang anak mo? Anong oras na."




"Tumawag si path bukas nalang daw nila ihahatid si shiloh. Mukhang ayaw rin ata umuwi nung bata."




"Ganon ba? Nakausap mo ba si shiloh?"




"Yup! Sabi nya meron raw syang new toys? Yeah!"




"Sinasabi ko na nga ba!"





"Honey... It's ok as long as shiloh is happy."





"Happy? Nakikita mo ba ang mga laruan sa room namin? Tj halos mapuno na ang kwarto namin ng mga laruan nya!"






Pumunta ako sa kusina kung ano ang laman ng nasa plato. Pero nang buksan ko ang takip ay adobong manok iyon.





"Gutom ka na? Kain na tay-"




"Ayoko nito."





Turo ko sa adobo. Mukhang naguluhan pa ang itsura ni tj. Nagtataka siguro dahil alam nya na isa sa mga paborito ko ang adobong manok.






"You sure? It's your favorite right?"




"Oo favorite ko toh!. Pero... g-gusto ko kasi ng balut! Baka pwede mo kong bilhan?" 





Can We Go Back? [ "SINFUL" Series #1 ] UN-EDITED Where stories live. Discover now