Date uploaded : 7-10-15
Chapter 2
Nakatitig ako kay nerdy guy at halos mapangiwi ako. Ngayon pa lang, hindi ko na ma-take ang itsura nya! Who in their right mind would want to accompany such... Such...an awful creature!
Nasa likod sya ng classroom at naksubsob ang mata nya sa isang makapal na libro. Hindi nya napapansin na may nagtatali na ng dalawa sintas ng sapatos nya sa paanan ng upuan nya. Manhid ba sya? O baka natutulog na? I think it's the former.
"Classmate pala natin sya? Bakit ngayon ko lang sya napansin?"
"Sa salamin kasi nakatutok palagi ang mata mo." sabi ni Trisha
"Hindi a! "
"Oo nga naman, tama ka. Mga 90% lang naman ng oras mo. " inismidan ko sya at itinuon kong muli ang pansin ko kay nerd. Gulo-gulo ang buhok nya na parang ilang linggo ng hindi nagsusuklay. And I'm afraid that there are creepy crawlers in there!!!! Eeeeeeewwww!!!!
Patpatin din na parang hindi pinakain ng 5 taon. Lukot-lukot ang damit na parang ginapangan ng isang libong linta. Hindi ko masyadong makita ang kabuuan ng mukha nya dahil sa malaki at makapal nyang salamin.
Hindi kaya sya duling? Kaya siguro hindi din nya ako nakita kanina sa catwalk. Oh my gosh! Kung duling sya, mahirap aregluhin yon!
Hindi ko alam kung paanong retoke ang gagawin ko sa taong ito. PARANG GUSTO KO NG UMATRAS SA PUSTAHAN!
"Trish... What have I gotten myself into?" I said in disgust.
"Well.... At least kung matatalo ka, maipapakita mo sa buong mundo na hindi ka lang maganda, pang-FHM pa!"
"Ano ka ba! Sumeryoso ka nga! Namimigligro ang buhay ko dito! My dignity is in the line here!"
I know I sounded desperate. Si Tricia naman ang kaharap ko. Pwede kong maipakita sa kanya ang totoong nararamdaman ko without worrying na malalaman ng ibang tao. Hindi sya yung tipo ng tao na naghahanap ng ikababagsak ng ibang tao para lang maiangat ang sarili. Kaya panatag ang loob ko na malaman nya ang totoong pinagdadaanan ko.
"E bakit naman kasi iyon ang naisip mong consequence? Kaloka ka. Ang sadista mo kasi e! Ayan tuloy, nagback-fire sa 'yo."
"E iyon ang unang pumasok sa isip ko e!. " na ngayon ay pinagsisisihan ko na. " And what the heck is his name?" tinuro ko si nerdy guy.
"E di makipagkilala tayo. Alam ko ngayong school year lang sya pumasok dito pero balita ko galing probinsya."
I looked at him in total disgust!
"Oh my gosh! Naloko na talaga! Nerd na nga, probinsyano pa?! What if he has all those probinsyanong accent and everything? " Gusto ko na talagang himatayin! Promise!
But come to think of it, wala naman syang accent noong nakasalubong ko sya kanina. Pinilit kong alalahanin yung first meeting naming dalawa. At nakahinga ako ng maluwag noong naalala ko ang pagsasalita nya. Englisero pa nga, kaya wala akong dapat ipag-alala sa mga bagay na yon.
"What are you waiting for? Come on!"
Tumayo si Trisha at inantay nya ang pagtayo ko.
"Ikaw na lang. Sabihin mo na lang sa 'kin ang pangalan nya mamaya."
"Kumilos ka na ngayon. Remember, you only have 8 months to transform him. Might as well get started. Mukhang matindi-tinding transformation ang kailangan nya. Ay correction.. MATINDI TINDING HIMALA!"
Tama ang sinabi ni Trish. Kailangan kong maghanap ng himala sa loob ng walong buwan! Tumataginting na 8 months! 8 MONTHS! Anong klaseng potion ang dapat kong ipagawa para mapatino ang pagmumukha ng lalakeng iyon?! He looks so pathetic!
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Project
RomanceAudrey, the ultimate IT girl, thought she had it all controlled. She's every boys dream girl and all the girls wants to be like her, until one day everything came tumbling down! She caught her boufriend making out with one of her so called friends a...