Chapter 12
They're down to their final song. Final na daw talaga dahil pang-ilang encore na ito. Nakabukas na lahat ng houselights. Nagpapahiwatig na dapat umalis na ang audience. Pero patuloy na pimapalakpak at ipinapadyak ang mga paa na para bang maguguho na ang coliseum!
Knowing my brother, he can't resist giving in to the call. Kay maya-maya lang ay lumabas na ulit ang banda. But this time, he sat a stool. Hawak nya ang accoustic guitar.
"This one is very new. Noong isang araw ko lang ito natapos, with the help of our new drummer.. Austine."
Nagsigawan ang madalang people. i looked at Austin at parang nahihiya sya na nabanggit ni kuya ang pangalan nya. Para namang lumalaki ang puso ko.
I'm so proud of you Austine!
and, I want to dedicate this song to a very special young lady..."
Napataas ang kilay ko.. Sino 'yon?! Abaaaa! May inililihim pa ang kumag sa akin a! 'Wag nyang sabihin na may girlfriend na sya! Malilintikan sa 'kin yung babaeng 'yon...
"This one is for you... Audrey... my sister.if it weren't for you, our band won't be whole today. Thank you!"
Napatunganga ako. Sister? Tama ba ang narinig ko?
"Waaaaa!!! Bakit sa 'yo pa dinedicate?" Sabi ni Trish. " palagi naman kayo magkasama sa bahay. Bakit hindi na lang sa akin!"
"Manahimik ka nga! Panira ka ng moment!"
He started strumming. Then his rich soothing voice filled the air. It's a love song. Natahimk ang paligid na para bang na-hypnotize ng magandang boses ni kuya. Pero ako, sa drummer na-magnet ang mga mata ko.
The song is full of love for a very special someone. Si Austine kaya ang nagsulat ng lyrics? Para kanino kaya isinulat ang songs na 'yon? It seems that the lyricist is so in love with his inspiration.
Natapos ang kanta at lahat ng tao natahimik. Parang ramdam pa din nila ang magic ng kanta. Maya maya lang ay may nagsimulang pumalakpak, hanggang sa hindi na magkamayaw ang mga fans sa kakapalakpak, kakatili at kakapadyak!
The songs is going to be a certified hit, I'm so sure of it.
"Thank you!! Your're a good audience! "
Nagtayuan na ang banda, kumaway at nagpunta sa backstage.
"Let's go! Hindi na lalabas yan. Backstage na tayo hanggat nagwawala pa ang mga tao. Mahirap na makipagsisiksikan mamaya."
Hinatak ko na ang mga kasama ko para hindi kami madamay sa stampede mamaya. Nag-e-expect pa ang audience ng another encore, they just can't get enough of them. Magaling talaga sila at maraming tatalunin na international artists. I'm just so proud of them. Mas lalo na kay Austine. Baguhan lang sya,pero na-carry nya ang ganito kalaking crowd!
Dahil kakilala akong madita ng mga alipores ni kuya, walang tanong tanong kahit dire-diretso kami sa dressing room ng banda.
"I've never been so proud of you kuya!" Yumakap ako sa kuya ko.
"Woa! Nilalagnat ka ba? Did I just hear a compliment?"
Hinampas ko ng malakas ang braso nya!
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Project
RomanceAudrey, the ultimate IT girl, thought she had it all controlled. She's every boys dream girl and all the girls wants to be like her, until one day everything came tumbling down! She caught her boufriend making out with one of her so called friends a...