Date uploaded : 8-9-16
Chapter 9
Lukily, I wasn't suspended. Kapag nagkataon, bingo na naman ako sa daddy ko. Hindi na nga maganda yung huli naming pagkikita, baka mag-appearing act na naman sya, for the sake na masabon nya ako. I would like to stay out of his radar as much as possible. As much as I wanted to get back at the old days when we were happy, but I'm afraid that that is a long shot from now. Masyadong bitter si daddy at parang ako ang napagbubuntungan nya. Mas mabuti ng hindi na lang muna kami magkita for the sake of world peace. I have a lot in my mind. At isa na doon ang pagiging guilty ko. Hindi nga ako na-suspend, pero si Austine 1 week suspension ang hatol sa kanya. Dapat pa din akong magpasalamat dahil hindi katulad ni Gavin na 1 month ang suspension na ibinigay sa kanya. Ipinag-giitan ko kasi sa sasaktan ako ni Gavin, napigilan lang ni Austine. Hindi sana masususpend si Austine pero hinatulan na din because he threw the first punch! How lame!! It's sooo unfiar! Ang sarap magwala!
I feel sooo bad about Austine. Running for honor pa man din sya tapos magkaka-record ng suspension due to fist fight! Masyado pa man din mahigpit ang falcon academy with regards to the honor role.
Mas lalo akong naguilty dahil kahit katiting ay wala akong narinig na paninisi galing kay Austine. Kahit na alam nya na gawa gawa ko lang yung mga sinabi ko para lang mapagalit ko si Gavin. But come to think of it... Totoo nga kaya?
Kung sakali mang totoo yon... OH EM!!!
Delete... Delete... Delete...
Ayoko ng ma-alala pa ang mga pangyayaring yon.
It's my own doing and it backfired!
Now I have to face the consequence. Yung konsensya ko pati na din ang wala sa panahon na popularity ni Austine.
Just as I've predicted. As soon as nakita nila ang mga bago kay Austine, many became curious. Nagbago ang ihip sa campus. Nagkaroon ng mga bulong bulungan. Maraming gustong magtanong, natatakot o nahihiya lang sa akin. Many tried to hang out with me again just to have a tinsi-winsi detail about the nerd guy who's really not so nerdy after all.
At syempre.. Wala akong binibigay na kahit na anong impormasyon tungkol sa kanya. Ano ako baliw? Magpakahirap silang kilalalnin ang supladong yon! At napag-isip isip ko din na tutal andyan na yan. I have to add a bit of mystery about him. May more the mystery, the popular more he would be!
Ayun lang... Badtrip! Ang dami ko ng kaagaw! Buuussseeettt!!!!
But at least, I'm his closest friend in school.
Hanggang doon na lang muna. Ayokong ma-stress. Sayang ang kagandahan ko.
For now, I have to focus at the task at hand.
Pupunta si Austine ngayon para kunin ang mga materials ng project namin sa science. Maghapon kong hindi nakita si Austine, kaya excited akong makita sya!
I know.. Ang corny ko! Nakakainis lang... Pero... BAKIT BA?! Walang basagan ng trip!
It's friday and kakauwi ko lang from school. Pagkadating na pagkadating ko ay nagpalit na ako kaagad ng damit at pumunta sa kitchen. I am going to make him a snack. Nainspire kasi ako nung makapanood ako ng junior master chef ng US. Ang ganda ng ginawa nilang cake. Kung ang mga batang 'yon kayang maluto, ako pa kaya? And baking is all about following instructions, the right ingredients and measurements. How hard can it be?
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Project
RomanceAudrey, the ultimate IT girl, thought she had it all controlled. She's every boys dream girl and all the girls wants to be like her, until one day everything came tumbling down! She caught her boufriend making out with one of her so called friends a...