Chapter 6

5.6K 148 14
                                    

Chapter 6

"Kuya.. Hatid mo ko kila Austine." Binuksan ko yung pinto ng studio nya ng walang warning. Ilang oras na syang nagkukulong sa studio kasama ng banda nya, nag-p-practice, nagrerecording, I don't know and I don't care. I just want to get out of here! Kanina ko pa sila inaantay lumabas, pero naiinip na ako ng bongga! So I just barged in their most sacred territory without any warning.

Nakasalang si kuya sa loob ng recording booth at napahinto sya sa pagkanta ng lumagabag ang pinto. Napakunot sya at uumenyas sa sound engineer na i-cut ang pagrecord.tinignan nya ako ng masama na para bang lalapain nya ako.

"Can't you see I'm busy?" Iritadong sabi nya hanbang tinatanggal ang headphones nya. Napatingin din sa akin yung mga kabanda nya. Ang sama lang ng tingin sa kin nung sound engineer ni kuya. Kung sabagay, palagi namang masama ang tingin sa kin nung bruhang yon. She thinks that I'm a good for nothing spoiled brat. Pero, paki ko kung anong iniisip nya. Sino ba sya? Kapatid ako at sound engineer lang sya.

"Alam ko. But I need to get to Austine's place. It's important."

"Nothing is more important than my recording and you know that damn well! Just see him tomorrow. And besides, alam kong pinacancel nya yung gym session nyo. " Isinuot na nya ulit yung headphones nya at unti unting nawala na naman sya sa musika nya.

Napailing na lang ako. Kapag ganito ang mood nya, hindi ko talaga sya mapipilit kahit na i-threaten ko pang pasilaban ang guitar collection nya.

"Kung gusto mo ako na lang maghahatid sa 'yo." Napalingon ako kay Bret, yung drummer ni kuya. Nakangisi sya sa akin na feeling ko nakaharap ako sa hyena! Ewwwwww... alam kong matagal ng may gusto sa akin itong hinayupak na to, wala lang syang magawa dahil siguradong sisibakin sya ni kuya. Pero hellllooo.. kung makatingin aaaa.... as in... ewwwwwww!!!!! Feeling ko he's a capital "M"!!! As in eeeewwww! Nagtataasan tuloy lahat ng balahibo ko!!

"No thank you." Madiing sabi ko.

"It's no big dal, mamaya pa naman ako sasalang. I can take you anywhere you want to go. Just say it and your wish is my command."

Hindi ko na napigil ang pagngiwi ko! Hindi romantic ang dating sa tenga ko... Gusto kong masuka!

Kahit na ba gustong gusto ko ng makaalis, hindi naman ako papayag na itong unggoy na to ang maghatid sa kin! Kasi naman si kuya, hanggang ngayon hindi pa din ako ikinukuha ng driver!

Tinaasan ko sya ng kilay. " what part in 'NO THANK YOU' you did not understand?" Matalim na sabi ko.

Sa halip na umiwas sa katarayan ko, feeling ko mas lalo pa nyang gustong mapalapit sa akin. Alam kong hindi ako matalino, pero anong tawag sa kanya?! Utak ipis na, manhid pa... Mayabang, at feeling gwapo pa! KADIRI TALAGA!

"That's what I like about you, you're so feisty."

"A ganon? Gusto mong makita talaga pagka-feisty ko?"

Napangiti sya..

Bumwelo ako.. And with all my might.. Sinuntok ko sya sa tyan!!! Napayuko sya at napaluwa ang mata nya!

Huwaw.. Si yabang mukhang walang abs... Namimilipit sa sakit e! Grabe gusto kong gumulong sa kakatawa. Ang yabang nitong tukmol na to, hindi man lang ako nasaktan sa suntok ko!

"Hey man.. What happened?" Pumaligid sa kanya ang band mates nya. Concern is all over their faces. I just rolled my eyes.

Sayang hindi nila nakita ang kahihiyan ng bwisit na yon. Hinayaan ko na sila at lumabas na ako ng studio.

Hmmmm... Tawagan ko na lang si Austine na sya na lang ang pumunta dito. Pero hindi na ako makapagiintay na makapayas sa bahay na ito. Naaalibadbaran ako sa lampa na yon. I have to get out of this house!

The Heartthrob ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon