Chapter 14
"Ay Dad!!! Sorry!! Akala ko kasi si kuya!" natatarantang sabi ko. "Sya lang kasi pumapasok dito.... So I thought..."
Tumango lang sya, as if wala lang?
Ako naman nahawa na kay kuya.. PANIC MODE!
What the heck is he doing here? I can't remember the last time when he went inside my room. That was ages ago! Ganon kami ka-close.
Hindi pa pala sya umaalis ng Pilipinas? Kung sabagay, nag-assume lang naman ako na umalis na sya after ng event. Hindi naman kasi sya nagtatagal. Para kasing pinapaso ang pwet nya kapag nasa Pinas.
Papagalitan ba nya ako? Another round of sermon? Parang lasag na emosyon ko sa mga nangyari, kailangan pa ba akong pulbusin? This is definitely not my day!
"Dad.... I know, it was my fault, na instead nakapagparty kayo nila kuya ay search party pala ang ginawa ninyo sa akin." On the part of kuya, nagsearch party talaga sya, hindi ko lang alam kay daddy. Pero sinama ko na din sya sa statement. Magpapaka-humble na din ako para matapos na ito. At least kahit paano medyo mabawasan ang sermon. "I admit... it was a selfish act. I'm sorry...."
"I'ts ok..." Sabi ni daddy habang nagsasalita ako kaya hindi nag sink in kaagad ang sinabi nya sa akin, kaya diretso pa din ako.
"I was not thinking...."
"I understand Audrey..."
"I... um... what???" I left my mouth hanging open.
Teka... wait lang... tama ba ang narinig ko? Hindi na nga nya ako binulyawan... he understands pa? Nasapian na ba si daddy? What is going on around here? Imposible namang bilog ang buwan dahil may araw pa.
Tumayo si daddy at pumunta sa dresser ko. Tinignan tignan nya ang mga gamit ko.
Anong nakain ni daddy? He was not interested in my life before, pero ngayon, iniisa isa nya mga abubot ko? Hallleeerrr????
"You like cute things too..." sabi nya habang hawak ang jewelry holder ko na parang fairy mannequine. marami akong different kinds of fairy things na nakadisplay sa dresser at tinitignan nya yon isa isa.
Naningkit ang mga mata ko. I'm just trying to figure him out.
Why the sudden interest dad? Gusto ko sanang sabihin pero pinanatili kong tikom ang bibig ko at inobserbahan ko lang sya. Baka naman nag-ch-charge lang sya tapos mamya bila lang sasabog ang galit! I better get myself ready just in case.
"U-huh?"
Naupo sya sa upuan ng dresser. He just sat there without saying anything. At para bang tumatagos ang tingin nya.
Ilang minuto syang ganon, as if he's in a trance... Habang tumatagal ay mas lalo akong tinatamaan ng kaba. Parang mas carry ko pa kasi kung binubulyawan nya ako, at least kung ganoon alam ko kung anong gagawin ko.. pero yung ganito... Ewan!
"You know, when I first saw your mom, ang akala ng Tita Gaygie nyo na isa syang diwata." He chuckled.
Napangiti ako sa pagkakabanggit ng pangalan ni Tita Gaygie. Loyal na PA sya dati ng daddy ko noong performing days nya. Isa sa pinaka wirdong taong na-encounter ko. But despite of her wierdness, sya pa din ang pinagkakatiwalaan ng daddy hanggang ngayon.
Lumapit ako kay daddy at this time, hawak na nya ang picture naming dalawa ni Mommy.
"Mukha naman talaga syang diwata, ang ganda ganda nya." sabi ko. Who could ever compete with my mom? Maganda na, successful at matalino pa. At kahit nilalamon na sya ng sakit nya, she never fails to be the best wife and mom to us.
HIndi ko namalayan at may tumulong luha sa isang mata ko. Mabilis na pinahid ko it. I don't want to be emotional right now. I always portrayed to be strong especially in front of my dad. Pinapakita ko kasi sa mga tao na perpekto ang buhay ko kahit wala sya.
Napabuntong hininga sya binitawan ang litrato. Tumingin sya sa akin at medyo nangingilid ang mga luha nya.
" And she looks exactly like you Audrey."
I also know that. At alam ko iyon ang dahilan kung bakit ayaw nya akong makita. Sobrang mahal ni Daddy si Mommy kaya kapag nakikita nya ako, naaalala nya ang pagkawala ni mommy. He still longs for the woman he loves. Ilan taon na ang nakakalipas, hindi pa din sya maka move on. Hindi pa din nya talaga makalimutan si mommy.
Pero ang hindi na naintindihan na pare-pareho lang kaming nawalan. He needed hid wife, but we also needed a mother... Ang problema, nawala na nga si mommy, pati sya... nawala din. On my part, maybe. Totally detached sya sa akin.
"Dad.... kung naaalala nyo si mommy dahil sa akin..... Naiintindihan ko naman kung bakit nyo nilalayo ang sarili nyo sa akin." A big lump is forming at my throat and it's very hard for me not to let my voice crack.
Yumuko sya. He pinched the bridge of his nose. Then all of a sudden, he embraced me?
Sa gulat ko, para akong napa-estatwa!
"I lost your mom.... and I thought... I'm gonna lose you too!"
What the..... nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong klaseng reaction ang gagawin ko. Matatakot, matutuwa... but one thing is for sure. NABIBIGLA AKO! He had never showed this much emotion before!
"Woa dad.... Where is this coming from? All the while, akala ko sasabunin mo ako? "
Ano bang nangyayari? Ano bang klaseng hugot ito?
I tried not to be moved but emotions got the better of me. At first patak patak na luha lang.. but the emotions are so strong and I can no longer hold it! Dumire-diretso na at halos humagolgol na ko. My dad held me tighter. Is he back? Is my old dad back? How many years have I waited for this? How many years have I longed for my dad's affection?
"When they told me at the police station that there was a possiblity that you were kidnapped.... I don't know what to do! Natakot ako. " His voice is cracking. " I thought I'm going to lose another one of my family. Pero napag-isip-isip ko.... I have detached myself from you a long time ago... na para bang..... sinadya kong mawala ka sa akin.... and I thought... maybe this is one of God's way for me to realize that I am such a fool!"
Nadurog ang puso ko...
"I was so busy dealing with my own grief.... chasing someone that I can no longer have... all the while, I took forgranted the things that are important. Mas lalo akong natakot noong maisip ko na paano kung tuluyan na akong parusahan ng Diyos at kunin ka din nya sa akin?"
Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap nya sa akin.
"I can no longer bear to lose someone...... sayang ang panahon.... I could have been a good father to you if only....."
"Dad... "
"If only... I haven't been so selfish!"
" Dad.... wag ka namang ganyan. " I took control of my emotions for this time, si daddy naman ang umiiyak.
Pinakawalan nya ako at umupo sya sa kama. Sinundan ko sya at umupo ako sa tabi nya. Hinayaan ko syang ma-overcome ang emosyon nya and at least he took out his handketchief and wiped his tears.
"If your mom can see me right now, baka pinagalitan nya ako. YOu know your mom, she's very protective especially sa 'yo."
"Yeah.... masyado syang mahigpit! Pero malala naman si kuya. "
Natawa na sya.
"Oo nga. " Nagbuntong hininga sya. "Audrey.... I'm sorry."
Nangilid na naman ang mga luha ko. I'm getting carried away again!
"Can you forgive me? I want to start over.... Be a better dad... I hope it's not too late."
Wala na nagawa.... tumulo na naman ang mga luha ko... at wala na din akong nasabi... Yumakap na lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Project
RomanceAudrey, the ultimate IT girl, thought she had it all controlled. She's every boys dream girl and all the girls wants to be like her, until one day everything came tumbling down! She caught her boufriend making out with one of her so called friends a...